Chapter 31

5.6K 83 0
                                    

MAINIT ang ulo ko dahil ang isang buwan ni Levi na pinaalam niya sa akin ay subra na ng isang araw kaya kapag tumatawag siya ay hindi ko na lang pinapansin. Bahala siyang mapagod sa kaka dialled-dialled niya. Huminga ako ng malalim para marelax  ako at inubos na ang gatas ko.

Buti na lang talaga weekend ngayon kaya nasa bahay lang ako dahil wala naman kaming trabaho. Pinatong ko ang mug sa may table malapit sa laptop ko no'ng marinig kong may kumatok sa pinto kaya tumayo ako at tinungo ko ito bago binuksan ang pinto.

"Mang, "bungad ko sa aking ina na siyang pumarito sa kwarto.

"Kausapin ka daw ng asawa mo, " inporma niya sa akin at inabot ang cell phone niya.

Wala siyang magawa dahil hindi ko na siya sinasagot kaya nagpapatuloy na kay Mamang. Tinignan ko lang ang cell phone na inaabot ni mamang bago ako tumingin sa kaniya.

"Anak, Kausapin muna?" maalumanay niyang sabi sa akin at tinapik-tapik pa ang braso ko. Nakakainis talaga siya pati nanay ko dinidisturbo niya.Himinga muna ako ng malalim at tumalikod kay mamang.

"Pakisabi sa kaniya mang sa akin siya tatawag para hindi na po kayo madisturbo," sabi ko at tinungo ko kung nasaan ang cell phone ko.

"Hay nakong bata ka, " huling sabi ni mamang bago umalis sa kwarto.

Tumunog ang ringtone ng cell phone ko kaya tinignan ko muna ito. Hinayaan ko muna matapos ang isang miscalled para ma isip niyang nagtatampo at nagagalit talaga ako at ang pangalawa tawag doon ko sasagotin. Nang tumawag siya ay sinagot ko na sa pangalawang pagkakataon.

"Ano?!" diin na sabi ko ayaw ko talaga ng pinapaasa ako. Isang buwan ang usapan tapos isang buwan at isang araw na.

"Oh God! Love, " sabi niya sa kabilang linya.

"Open your vedio, " Utos niya sa akin pero umiling ako.

"Ayaw ko! " masungit kong sagot  pero lumakad ako at tinungo kung saan nakalagay ang laptop ko.

"Please? " paki-usap niya sa akin.

"Ayaw ko, " sabi ko  ulit sa kaniya baka mamaya hihingi na naman  isang buwan ay wala na talaga siyang madadatnan na Bella sa bahay niya kapag gano'n.

Reinig kung huminga siya ng malalim. Alam niyang hindi siya mananalo sa akin dahil hindi ko siya kakausapin sa vedio. Sa audio lang dahil nasa akin ang alas niya.

"Okey."

" Listen first Love, " sabi niyang. Tumahimik ako dahil gusto ko rin naman marinig ang reason niya.

"I'm sorry for the one day extension. I'll go home tomorrow," maalumanay niyang sabi sa akin.

"Talaga?" masayang tanong ko sa kaniya.

"Inayos ko pa kasi ang bahay kaya hindi ako naka-uwe agad ngayon. I'll go home tomorrow, okey?" sabi niya sa akin kaya tumango ako.

"Open your vedio, please? " utos niya sa akin kaya agad ko naman inopen ang laptop ko at doon ako nag-vedio. Pinatay ko ang phone dahil nakita ko siyang at naglilipit siya ng mga libro niya sa library niya.

"Wag na magtampo Love, uuwe ako bukas," ngiting sabi niya kaya ngumiti din ako sa kaniya kasi nawala na ang tampo ko.

"Talaga?" Panigurado kong sabi sa kaniya.

"Wala na akong gagawin dito. Aayos ko lang ang bahay tapos uuwe na ako dahil babalik na lang tayo dito kapag manganganak kana," sabi niya sa akin. Napag-usapan na din namin kasi na doon ako manganganak para citizen ang baby sa america.

"Sasama ako magsundo sa iyo bukas," madaling araw siya aalis so bukas andito na siya. Tumayo ako pero hindi ko napansin ang mug ko sa may gilid ng kamay ko kaya nahulog ito sa sahig at nagulat pa ako.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now