04

12 4 1
                                    

Katatapos lang ng online class namin at nandito ako sa sala namin. Tapat lang nito ang gate ng dorm namin kaya kitang kita sa labas. Dito ako nag online class dahil mas malakas ang internet dito.

Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong sumilip sa labas kung marami bang tao dahil lalabas ako ngunit laking gulat ko ng saktong pagsilip ko ay ang saktong pagbungad ng isang pamilyar na mukha ha harapan ko.

"Bwesit ka bakit ka ba nanggugulat?! At anong ginagawa mo dito?" Inis na inis na sigaw ko sa kanya pero tawa lang siya ng tawa. Napansin kong kasama niya na naman yung kaibigan niya pero this time, nakakapagtakang nakangiti na siya. Wow, good mood ang koya niyo kaya naman mas lalo siyang gumwapo.

"Chillax lang miss ma'am. At oo, I miss you too" grabe talaga ang kapal ng mukha niya

"Tsaka hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito eh" natatawang sagot niya kaya nagulat din ako ng biglang may magsalita sa likod ko

"Hi sir! Ano nga ulit yung sasabihin mo?" Parang excited pang sabi ni Carl sa likod ko kaya nanlaki ang mga mata ko. Alam ko kung ano yung, shuta ipagkakalat niya pa talaga dito?! Ang kapal talaga!

"Ah oo nga pala, ito kasing si Chrysan-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil inunahan ko na siya

"Kami na!" Mabilis na sabi kaya nagulat pa ako ng bigla silang matahimik na dalawa

"Seriously? Tayo na?!" Di makapaniwalang tanong ni March. Laglag panga naman a ng naging reaction ni Carl bago muling matauhan.

"Wow! Seryoso kayo na?" Tanong niya

"Yun ba sasabihin mo Sir?" Sir talaga tawag niya sa mokong na'to.

"Hindi pero, mukang okay narin ah, yes! Tayo na! Wala ng bawian yan!" Masayang sabi niya sabay yakap sakin. Tahamnida! Parang nabudol ako!

"Lumayo ka nga" bulong ko, Nakakairita. Pero I dunno, bigla akong napangiti. Siguro mag go with the flow nalang muna ako neto. Nakakahiya naman kay Carl.








Halos isang taon na ang lumipas simula ng mangyari iyon. At masasabi kong wala akong pinagsisihan sa naging desisyon ko. Sobrang bait ni March, maalaga din siya sa akin. Palagi niya akong dinadalhan ng pagkain sa dorm.

Ang sweet ng boyfriend ko. Pero syempre hindi naman perpekto ang relationship namin. May time parin na nagkakatampuhan kami like kung nakikita niya akong may kasamang ibang lalaki. Amaatake pagiging seloso niya.

Flashback

May taping kami sa Rizal sa Sabado at isa ako sa gaganap na bida sa kwento ng buhay ni Dr. Jose Rizal. Si Leonor Rivera ang gaganapan ko.

"Sino nga ulit gaganap na Rizal niyo?" Tanong niya habang nagsusulat ng notes ko. Oo tinutulingan niya akong magsulat kasi baka daw pagod na ako sa pagsusulat kaya binigay ko nalang muna sa kanya.

"Si Kiel" tipid na sagot ko, bigla naman siyang huminto sa pagsusulat

"Kiel Gomez?" Tanong niya at tanging tango lang Ang naisagot ko.

"Eh diba may gusto yun sayo?" Tanong niya

"Ha? Pano mo naman nasabi?" Tanong ko. Napaka impossible naman kasi nun. Isang beses ko p nga lang nakausap yun eh

"Manhid mo talaga no? Hindi ba pwedeng yung bading niyo nalang na ka group yung gaganap?" Tanong niya kaya napataas ako ng kilay

"Nagbibiro ka ba? Para naman sa grades ito" inis na sabi ko

"No ang akin lang, pano kung main love ka sa kanya?" Tanong niya. Ano daw? Ako maiin love doon?

"Nagpapatawa ka ba? Eh sayo palang kontento na ako, bakit naman ako maiin love doon? Sino ba ang boyfriend ko?" Nagtatampong tanong ko sa kanya.

VAN (Completed)Where stories live. Discover now