01

14 4 1
                                    

Habang nagbabasa ay bigla akong napahinto dahil tiningnan ko muna yung mga tao sa loob ng van na sinasakyan ko which is dapat hindi ko nalang pala dapat ginawa.

Grabe! Pati ba naman pagsakay ng van, by partner narin? By partner kasi yung nasa unahan. Ako na mag-isa lang dito sa likod, walang katabi. Vacant pa yung dalawang upuan na katabi ko.

Tsk! Makapagbasa na nga lang!

Kaya binuksan ko ulit yung phone ko dahil namatay na pala 'to at kaagad na pinagpatuloy ang pagbabasa. Forda serious ako kahit nakakakilig itong binabasa ko dahil baka isipin ng ibang pasahero na nababaliw na ako dito.

Ang intense na ng binabasa ko kaya forda serious na ako at wala na akong pake sa paligid ko. Dapat walang eepal dahil nasa exciting part na ako. At kapag mga ganitong nasa exciting part na ako, ayaw na ayaw ko talaga ng naiistorbo kaya nung napansin kung may tumabi sa akin ay hindi ko din pinansin. Ni hindi nga ako nag abalang tingnan kung sino ito, kung lalaki ba o babae dahil ayaw kong maistorbo sa binabasa ko.

Mas pinukos ko ang sarili ko sa pagbabasa at inayos ang hood ko para matakpan ang mukha ko.

Grabe, pa intense ng pa intense ang mga pangyayari kaya napapahinga ako ng malalim ng dahil dito.

Naalala ko nung una kong magbasa ng Wattpad. Ang innocent ko pa noon, pero ngayon... innocent parin charot! Ang dami dami kong bashers porque nagbabasa ako ng Wattpad. Ano daw ang mapapala ko kakabasa neto? May mapapala daw ba ako? Puro SPG lang daw binabasa ko. Nababaliw na daw ako dahil bigla bigla nalang akong tatawa at iiyak.

Ginawagawa nila akong baliw pero maya-maya magpapatulong sa mga school works nila. Mga tanga ba sila? Ang kakapal ng mukha nila! Kung makapagsabing nababaliw ako, magpapatulong din pala. Syempre hindi ko naman matanggihan kasi ayokong makita ang inis at disappointment sa mga mata nila. 

Nagsasayang lang daw ako ng oras dito, kakawattpad ko daw, hindi na ako magkakajowa dahil ang taas taas daw ng standards ko. Natural! Kahit ganito ako, may standards din ako ano? Atsaka ano naman kung wala akong jowa dahil sa kakawattpad ko?
At least I'm happy. Eh yung iba nga jan, may jowa pero palagi namang nag aaway.

Ayoko rin naman magjowa dahil ayaw kong masaktan at dahil ayaw ko pa talaga. Sobrang taas ng standards na itinayo ko. Yung mala-wattpad talaga yun kasi yung gusto ko eh. Maraming mga nirereto ang kaibigan ko pero pass muna tayo jan. Dati nga may nag chat na officer sa akin pero hanggang talking stage lang kami at nauwi lang sa we don't talk anymore dahil walang chemistry, walang spark, at hindi ko feel.

Not to mention, sa school na pinapasukan ko, kadalasan mga jowa ng mga estudyante dito, may motor para daw forda go lang kahit saan at higit sa lahat, mga officers ng crim para daw may kapit at para extra sikat daw dahil jowa ka ng isang officer. Grabeng mindset diba? Nagjowa pa ako kung yan lang ang reason ko. I'd rather chose to stay single nalang, erp.

Nasabihan pa nga ako ng kaibigan ko na, "Officer na, naging bato pa! Landi landi din pag may time!" Siraulo talaga. Eh sa ayaw ko eh! Kilala ako bilang tahimik, mataray, snob, matalino kuno which is hindi naman totoo, at higit sa lahat ay pokus sa goals. Ewan ko ba sa kanila pero ayaw kong mapalitan iyon. Gusto ko na manatili ang pagkakakilalan na iyon sa akin. At gagawin ko ang lahat para hindi mawala iyon. Ako pa, pero hindi talaga muna ako magjojowa. Depende kong si Kim Taehyung o si Ace Craige ng Hell University na yan, forda go ako kay Supremooo! Takte, bigla tuloy pumasok sa isip ko yung annoying na Supremo na yun!  Nakakainis siya!

Minsan tuloy diko maiwasang isipin na baka gusto ako nun. Argghhh!! Wag nalang!

I dunno pero kasi mas gusto ko yung same kami ng vibes, ng mga interest, at gusto ko yung pwede akong maging ako pag siya yung kausap ko tas siya handang makinig sa lahat ng sasabihin ko kahit wala namang saysay yung mga pinagsasabi ko. Pero kung yung Supremo na yun? Wag nalang, mukhang pagtitripan pang ako nun. Pero teka? Bakit ko ba siya naiisip? Tsk!

Okay, continuation. Gusto ko yung kaya akong intindihin, at yung nanjan pag kailangan ko siya. Yung rerespetuhin at tatanggapin ako sa kung sino man ako, pati parents at family ko, rerespetuhin niya, yung mabait, makatao, makakalikasan at makabansa, yung makakasabay ko sa pag aaral, sabay kaming magrereview at kakain sa canteen,  yung territorial eme, charot, yung kaya akong ipagdamot, ipaglaban at ipagmayabang. In short, fictional characters talaga.

Shuta, sabi ko  nga, magwawattpad nalang ako. I-close ko nalang yung mouth.

Ipinagpatuloy ko ulit ang pagbabasa ko. Grabe ang init! Wala bang aircon 'tong sinasakyan kong van? Sobrang init kaya umayos ako ng upo at tinanggal ang hood ko sabay lingon sa katabi ko na muntik ko pang mahalikan ng dahil sa lapit ng mukha niya sa akin!

Shuta mareeee! Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita at makilala kong sino ang katabi ko na ngayon at nakangisi na.

Kaya dahil sa gulat ay bigla ko siyang naitulak pero tinawanan niya lang ako. Tahamnida! Kanina pa ba siya sa tabi ko?! Pashnea! Sa sobrang pokus ko sa binabasa ko, hindi ko manlang nagawang tingnan kung sino yung katabi ko.

"Chillax, I'm no harm" nakangiting sabi niya kaya mas lalo lang akong naiinis sa kanya

"Chillax mo mukha mo! Kanina ka pa ba jan?" Mataray na tanong ko. Bigla kasi akong kinabahan. Pano kung nakita niya at nabasa din niya yung binabasa ko since ang lapit lapit lang ng mukha niya sa akin? Hindi ko manlang siya naramdaman!

Tinawanan niya muna ako bago magsalita, "Yes miss ma'am. Ang ganda ng binabasa mo. Pwedeng tapusin muna natin?" Tumawa pa ang loko. At ano daw? Tapusin?!

"Ulol mo! Pinagsasasabi mo?! Wala kang nakita, wala kang nabasa!" Mabilis na saad ko. Pero ang loko tawang tawa talaga. Nakakainis! Sa dami dami ng pwede kong makatabi, itong baliw na March Supremo pa! Konte nalang, ipapatapon ko na siya sa labas!

VAN (Completed)Where stories live. Discover now