02

14 4 1
                                    

"Ang cute cute mo namang magalit" sabi niya na hanggang ngayon ay tawang-tawa parin.

"Ang ganda kaya ng binabasa mo. I'm com-" mabilis kong tinakpan ang bibig niya at tumingin sa mga ibang pasahero na busy sa kanya-kanya nilang buhay. Napansin ko rin yung katabi niya ay yung kasama niya kanina sa gate na natutulog naman ngayon habang naka headset.

Takte kung ano ano ang sinasabi ng taong ito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi nalang tumulad dun sa kasama niya na tahimik, at gwapo tingnan kahit tulog. Teka, bakit ko ba sinasabi 'to?!

"Sinasabi ko sayo, isa pang salit-" hindi ako natapos sa sasabihin ko ng bigla siyang magsalita

"Ano? Isang salita, isang kiss?" Sabi niya sabay smirk. Shuta! Anong kiss ang pinagsasasabi niya?!

"Kiss? Nagbibiro ka ba?! Kung ipatapon kita sa labas ngayon din?!" Grabe naha high blood ako ng dahil sa kanya!

"Ang daldal mo pala? Dati akala ko hindi ka palasalita kaya nasabi kong, "nagsasalita kaya ito?" ang tahimik mo lang kasi kahit kasama mo ang mga kaibigan mo, ang tipid mo din ngumiti. Pero ngayon, grabe, ang daldal mo din pala, at higit sa lahat, yan pala mga binabasa mo?" Konte nalang talaga, masasapak ko na siya. Tsaka anong pinagsasasabi niya?

"Ano bang trip mo ha?! Anong pake mo sa binabasa ko?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

Napa smirk lang siya bago nagsalita, "I just thought now, what will other people think once they know that a quiet person like you likes to read such a story?" In-english pa nga ako. Like duh at isa pa,  tinatakot niya ba ako? Base kasi sa tono ng pananalita niya, parang may binabalak siya eh.

"Eh ano naman? Paki ko sa kanila?" I tried my best para hindi magmukhang apektado.

"Weh, talaga ba? Kahit sabihin ko sa kanila? Kahit ipagkalat ko? Kahit i-share ko sa mga dorm mates mo?" Bigla akong kinabahan "Ang  pag kakaalam ko, dorm mates mo sila Carl which is kaklase ko. At may crush ka rin daw sa kaibigan niya. Kilala kang tahimik, snob, at seryoso sa dorm niyo pero ano kaya ang iisipin nila once na malaman nilang, alam mo yun?"

Fvtahamnida! Bigla akong natakot sa sinabi niya dahil mukha siyang seryoso sa sinabi niya. Nakakainis naman! Bakit ba nangyayari sa akin ito ngayon?!

Bigla tuloy akong natahimik. Kaya napansin ko ang pagtawa niya.

"Natakot ka ano? Kinabahan?" Sabi niya sabay tawa na naman. Para siyang siraulo dito. Ang lakas lakas ng amats niya

"Pwede ba, tigilan mo ako! Close ba tayo, ha?" Naiirita na ako sa kanya!

"Hindi, pero malapit na" mabilis na sagot niya

"Ano bang nakain mo at ganyan ka? Ang lakas ng trip mo sa akin! Kung tadyakan kita right here, right now?!" Mas lalo lang siyang tumawa ng dahil sa sinabi ko. Akala niya siguro nagjojoke lang ako. At ewan ko ba sa van na'to, bakit parang ang tagal naman ng byahe namin eh gusto ko ng umuwi!

"Okay lang naman. Pero teka lang, tatawagan ko lang si Carl, maraming kilala yun" Sabi niya at akmang kukunin ang cellphone niya pero mabilis ko siyang nahawakan. Pashnea naman!

"Ikaw ha, hindi pa tayo pero nangyayakap kana, ang sweet mo naman" humalakhak pa ang loko kaya mabilis ko siyang hinampas. Assuming!

"Diretsuhin mo nga ako, ano ba talagang gusto mong mangyari? Pansin ko lang ha, para ka kasing advertisement, masyado kang papansin" inirapan ko pa siya dahil inis na ako.

"Woah! Isa lang naman ang gusto ko. Ang makilala ka at maging tayo" tila nabingi ako sa sinabi niya. Ano daw? Maging kami? Nahihibang na ba siya?

"Gusto kita since Senior High School palang so I want to know you more." Dagdag pa niya. Bigla ko tuloy naalala yung mga panahon na panay ang ngiti niya sa akin everytime na nagpupunta kami sa STEM building, pag nakakasalubong namin sila, yung pagngiti ngiti niya tuwing papasok ako, yung pag love notes niya sa stage nung valentine's day at pati yung pagka wrong send niya daw ng message sa akin noon.

Ginawagawa niya yun dahil gusto niya ako? Patawa talaga 'to.

"I don't believe you. At wala din akong paki sa mga pinagsasabi mo" sabi ko nalang at inayos ang hood ko.

"Talaga? Madali naman akong kausap" Sabi niya tapos bigla nalang siyang nanahimik kaya nakampante na ako hanggang sa may marining akong parang kausap niya sa phone.

"Promise Carl, totoo yung sinasabi ko"

"Gagi, seryoso nga"

"Edi wag, kung ayaw mong maniwala"

"Oo pre, katabi ko nga eh" sabi niya tapos tumawa pa kaya mabilis akong napatingin sa kanya. At nakatingin din pala siya sa akin.

"Sige pre, mamaya nalang ulit. Basta legit yun, send ko pa yung patunay eh" Sabi niya sabay baba nung phone niya

"Ang marites mo rin ano?" Inis na sabi ko.

"Sabi ko naman kasi sayo, madali akong kausap. Pero pwede pa namang mabawi yun, kung papayag la na maging tayo" nakangiting sabi niya

"Nasisiraan ka na ba ng bait? At bakit mo namang gusto na maging tayo?" This time tinaasan ko siya ng kilay, tila naghahamon. Lakas ng amats eh. Well, hindi sa pagiging GGSS o gandang ganda sa sarili pero maganda naman talaga ako. Hindi lang ako pala ayos, kasi nga, diko na need.

"Wala ka namang boyfriend diba?" Tanong niya

"And as I told you earlier, I like you since senior high school pa tayo. Kahit nga noong Junior High School palang tayo eh. Tsaka I want to know you more" nakangiting sagot niya. Seryoso ba siya? Well, wala namang problema sa kanya. Based sa nakikita ko at sa observation ko, he's a good person. Mabait siya kahit nung junior high school palang kami. Mahilig siyang tumawa, palangiti naman talaga at masipag din. Bonus na rin yung pagiging matangkad niya at pagiging good looking niya. I know matalino din siya since siya yung highest sa exam nila noon sa Math at Statistics.

Pero kahit na! Nanbibigla parin siya! I'm not ready tas, duh ngayon nga lang kami nagkausap eh!

"Ewan ko sayo." Sabi ko nalang. Maya maya ay malapit na kami sa waiting shed kaya naghanda na ako para makababa.

Napansin ko rin na gising na yung kasama niya at mukang ang sama din ng gising niya dahil nakakunot ang kanyang noo pero kahit ganun ay gwapo niya parin tingnan.   Nauna rin siyang makababa kaya naiwan kami nitong mokong na'to.

Akmang kukunin ko na yung bag ko ng biglang may nauna ng humawak doon.

"Ako na" sabi niya

"No, ako na. I can handle this" mataray na sabi ko at inagaw yung bag ko sa kanya.

"Sungit talaga, kaya bagay na bagay lang" rinig kong bulong niya pero sapat parin para marining ko. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala akong bumaba ng van.

VAN (Completed)Where stories live. Discover now