00

18 4 1
                                    

Kring!!! Kring!!! Kring!!!

Takte! Napabalikwas ako nung marining ko yung tunog ng alarm ko sa cellphone ko. Shuta, naman oh! Kaya agad ko itong pinatay at tiningnan yung oras. Anak ng! Alas siete trenta na pala!

Dali-dali akong bumangon at inayos ang higaan ko pati narin ang sarili ko. Tulog pa ang katabi kong si Jhassy, tulog mantika kasi 'to kaya hinayaan ko nalang muna. Sinaksak ko yung heater upang magpakulo ng mainit na tubig dahil magkakape muna ako bago maligo. Hindi nalang ako kakain! Sanay naman na ako dun!

Habang naliligo ay panay ang ngiti. Para akong nababaliw dito sa loob ng cr. Bigla ko kasing naalala yung nangyari kagabi.

Flashback ~

Nandito kaming apat sa loob ng room namin dito sa dorm. Ako, si Jhassy at yung dalawang babaeng roommate kong criminology. Nagbabardagulan kami ngayon at syempre dahil maganda ako, hindi ako magpapatalo sa kanila noh!

"Sus, crush mo kasi yun kaya dikit na dikit ka dun" si Jesse kay Rhanie kaya kaagad naman siyang binatukan nito.

"Anong ako? Sino kaya sa atin dito yung pa-fall? Ha?!" Sagot naman ni Rhanie. Nakapa meywang pa ang ferson na animong ayaw talaga magpatalo.

"Hindi nga ako pa-fall! Sinasakyan ko lang yung mga trip nila." Depensa naman nitong si Jesse. Well, sa opinion ko, may point naman kasi itong si  Rhanie. May pagkapa-fall din itong si Jesse sa caretaker ng dorm namin. Madalas niya din kasing sabihan ito ng "I love you, Darling" eh sinong hindi aasa dun, hindi ba?

"Bakit ba puro nalang ako? Ibigay niyo nalang yun kay Chrysan at ng magka jowa na!" Tumawag pa ng malakas ang baliw kaya kaagad akong nag react

"Nananahimik ako dito, wag niyo akong inaano" kunwari galit galitan ang ferson para masaya.

"Sus bitter lang yan si ate Chrysan! Tama, sa kanya nalang si kuya Natoy! Hahaha" isa din 'tong siraulo si Rhanie. Like duh ako? Kay kuya Natoy? Tsk! I-close ko nalang yung mouth ko!

"Nagwawattpad ako, wag kayong maingay jan! At tsaka, Wattpad lang, sapat na," Sabi ko tapos kunwari hindi na ako interested making sa kanila.

"Sus bitter kalang! Magjowa ka na kasi Chrysan!" Sabi ni Jesse. Like ako? Magjojowa?! Hayst, sa Wattpad lang kontento na ako, bakit ko pa kailanganin ng jowa? Daming ebas tss.

"Kulang lang kayo sa tulog, itulog niyo nalang yan" sabi sabay talikod sa kanila. Habang nagbabasa ako ay bigla akong napaisip sa sinabi ni Jesse. Magjowa na daw ako? Lol! Impossible! Ang taas-taas ng pader na hinarang ko para jan! Impossible yan. Kung hindi mala-wattpad, wag nalang!

End of Flashback~

Pagkatapos kong maligo ay dali dali din akong nagbihis ng white polo at slacks na itim. Shuta late na yata ako nito!

"Bai," tawag ko sa kaibigan ko na nakahiga at nanonood ng video sa cellphone niya. Gising na pala ang gaga. Hindi siya lumingon pero alam kong nakikinig siya.  "Aalis  na ako, Ikaw nalang bahala sa mga nilabhan kong damit ha?" Sa pagkakataong ito ay nilingon niya na ako.

"Okay, okay" sagot niya kaya kinuha ko na yung bag ko at nagmadaling tumakbo papunta sa school. Well buti nalang malapit lang kaya pwedeng takbuhin lang. Muntik ko pang makalimutan yung ID ko, nakakaloka naman talaga. Mga officers pa naman ang bantay sa gate ngayon.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa may entrance at may dalawang bantay na officers. Hindi ko sila kilala pero parang pamilyar sila sa akin. Lalong-lalo na yung isa dahil school mate ko siya nung highschool at magkalaban din ang strand namin which is HUMSS and STEM. HUMSS ako, at siya naman ay STEM kaya nagtataka ako kung bakit naging Criminology siya dito. Well, ako nga HUMSS pero naging HM, tss!

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang isang ngiti na ipinakita niya sa akin bago niya ako pagbuksan ng gate.
May saltik na'to? Oo aaminin ko, medyo gwapo siya, ay mali! Gwapo pala siya pero sorry, mataray ako ngayon dahil forda late na ako.

"Good morning, ma'am" nakangiting sabi niya. Nakita ko namang parang wala lang reaction yung kasama niya pero hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad papuntang HM laboratory.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong, wala pa si ma'am. HME 1 namin ngayon o Bread and Pastry kaya naman kinakabahan talaga ako dahil wala akong kaalam alam sa subject na'to. Buti sana kung TVL cookery ako nung Senior High School ako. Hayst, kairita.

Mabilis akong pumasok sa loob at naghanap ng mauupuan. Kahit kinakabahan ay mas pinili kong maupo sa unahan. Mas gusto ko kasi dito eh kesa sa likod.

Mabilis natapos ang klase namin ng wala akong natutunan kundi "Subscribe my YouTube channel" charot! Eme lang.

Mabilis akong lumabas ng room kaya mabilis din akong nakarating sa may gate. At grabe, sila padin yung bantay?! Kanina sa may entrance sila tas ngayon, sa may exit sila din? Iba na yung bantay sa entrance ngayon. Baka magpalit na sila ng pwesto. Well I don't care. Kaya mabilis akong naglakad suot-suot ang walang emosyong mukha ko. Madalas talaga ito ang pinapakita kong emotion kaya napagkakamalan akong tahimik, snob at mataray. Tss.

Mabilis akong pinagbuksan nung officer kanina na kung makangiti sa'kin feeling close.

"Good bye, ma'am" Sabi na naman niya bago pa man ako makalabas ng gate pero hindi ko nalang iton pinansin. Papansin amp! Ano nga ulit apilyedo niya? Sup-Supremo? Tss! Feeling niya naman supreme siya, eh kung masapak ko siya?! I dunno pero everytime na papasok ako ng campus at siya ang officer na bantay sa gate, he always smiles me. Parang tanga diba? May saltik ba siya? Simula nung first semester hanggang ngayon, paligi akong nginingitian nun. Lalong lalo na nung Senior High School ako, pagbinibisita namin yung friend naming kaklase niya, palaging siyang nakangiti sa akin. Yung isa namang kasama  niya, walang emotion. Para ngang may galit sa akin everytime na nakikita ko eh. Hayst! Mga siraulo talaga sila!

Badtrip akong bumalik sa dorm namin. Mamayang hapon ay uuwi ako sa amin. Aayusin ko muna yung mga gamit ko at aalis na ako. Buti nga nakapaglaba ako kahapon eh kaya hindi na masyadong marami ang aking gagawin.

Naabutan kong wala dito yung dalawang crim kaya malamang umalis na naman yun. Si Jhassy lang ang nandito, nanonood na naman ng video  kaya nag asíkaso muna ako.

Alas tres na ng hapon kaya aalis na ako. Dali-dali kong kinuha yung dadalhin kong bag pag uwi. Nakasuot lang ako ng white jacket with hood at sinuot ko na rin pala yung ID ko para sure na may discount sa pamasahe.

Minsan kasi pag umuuwi akong walang suit na ID, napapamahal ang pamasahe ko eh, akala yata hindi ako student, tsk!

"Jhas, aalis na ako, ikaw nalang bahala sa mga damit ko ha? Salamat." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"At pakisabi narin sa dalawa na umuwi na'ko" dagdag ko.

"Okay, mag-iingat ka" Sabi niya sabay balik sa pinapanood niya kaya lumabas na ako ng room at dumiretso sa sakayan ng van. Sakto namang may nakaparada kaya kaagad akong sumakay. Pinili ko yung upuan sa likod dahil komportable ako doon at mas gusto ko din na malapit sa may bintana para nakikita ko yung dagat pag dumadaan na kami.

Nang tuluyan ng makaupo ay in-open ko kaagad yung cellphone ko upang i-chat si mama at yung pinsan ko na nakasakay na ako ng van pero di pa ito umalis dahil kulang pa ng sakay.

Since boring naman dito, I think magbabasa lang muna ako. Kaya binuksan ko yung Wattpad app ko at nagsimula ng magbasa.

VAN (Completed)Where stories live. Discover now