03

13 4 1
                                    

Lakas talaga ng trip ng tadhana. Kanina ko pa gustong umuwi pero ang tagal naman ng sasakyan papunta sa lugar namin. Kakairita. Alas singko na pero wala paring dumadaan.

Napagdesisyunan kong maupo lang muna pero nagulat ako ng biglang may makita akong mineral water at dalawang burger sa harap ko kaya napatingala ako.

Nakangiting mukha ni March ang tumambad sa akin habang hawak ang binili niya.

"For you, para hindi ka magutom. Mukang matatagalan pa tayong makuwi since wala pang sasakyan ang dumadaan." Sabi niya. Ang seryoso niya habang sinasabi iyon.

"Tanggapin mo na dahil gusto ko pang mabuhay" Ano daw? Gusto niya pang mabuhay? Ayoko sanang tanggapin pero dahil nagugutom ako ay kinuha ko nalang.

Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko kaya umusog ako dahilan para muntik na akong mahulog pero dahil mabilis siyang kumilos dala ng pagiging criminology niya ay kaagad niya akong nahawakan sa may bewang!

Shuta parang may kakaiba akong naramdaman ng dahil doon. Parang may koryente na dumaloy sa buong katawan ko at di ko alam, ngayon ko lang kasi naramdaman ang ganitong pangyayari kaya hindi ako sigurado.

Bigla tuloy akong napaupo ng maayos.

"Dahan dahan kasi. Dapat kung mahuhulog ka, sa akin nalang para di ka masaktan" Natatawang sabi niya. Bigla tuloy napatingin sa gawi namin ang ibang tao na nandun sa waiting shed na kagaya namin ay naghihintay din ng sasakyan. Napatingin din ng masama sa amin yung kasama niya. Grabe may galit yata talaga si koya sa akin!

Mabilis tuloy akong napaiwas ng tingin tsaka ipinagpatuloy ang pagkain.

"Dahil kinain mo yan, ibig sabihin ay kayo na"
Habang kumakain ay bigla tuloy akong nabulunan dahil sa sinabi niya. Bigla niya naman akong inabutan ng tubig na kaagad ko ring tinanggap

"Anong sabi mong, kayo na?" Tanong ko kahit medyo di pa ako nakakainom ng maayos. Kami? Nino? Ang gulo ng baliw na'to!

Nakita kong tumawa siya bago nagsalita, "What I mean is, tayo na, let's go. Ito na ang sasakyan natin" Sabi niya sabay turo sa bus na kararating pang siguro.

"Ikaw ha? Gusto mo ba maging tayo, ayiee" sinamaan ko lang siya ng tingin at tumayo na rin ako. Pagkapasok sa loob ay wala ng upuan. Napatingin naman ako kay March at sa kaibigan niya. Mukang standing position kami nito. Pero laking gulat ko ng biglang tumayo ang lalaking nasa harapan ko. Isang estudyanteng lalaki galing sa isang kilalang university ito nag aaral.

Shuta ang igop!

Pero syempre hindi ako nagpahalata.

"Ah miss, Ikaw nalang maupo" nakangiting sabi niya sabay hawak nalang sa hawakan ng bus para hindi siya matumba. Nahihiya man ay nakangiti akong umupo doon sa inupuan niya kanina.

"Thank you" Sabi ko nalang. Narinig ko namang nag "Tss" yung kaibigan ni March. Problema niya na naman?

Bigla akong nakaramdam ng antok kaya hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising ako ng may maramdamang tumatapik sa balikat ko kaya kahit inaantok pa ay unti unti kong binuksan ang mga mata ko at laking gulat ko ng mapagtanto na nakasandal na pala sa balikat ni March. Kaya mabilis akong napabangon.

Shuta baka mamaya, tumulo pa ang laway ko nito, nakakahiya!

"Chillax, ako lang 'to. Future boyfriend mo" nakangiting sabi niya kaya bigla tuloy akong natawa. Pero napatigil ako ng makitang napatigil din siya.

"Bakit?" Tanong ko

"Mas maganda ka pala pag tumatawa ka. Ano ba yan, mas lalo tuloy akong nahuhulog sayo" sabi niya. Takte! Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman?

Pareho kaming nagulat ng biglang magsalita yung kondoktor ng bus.

"Ano ba? Bababa kayo o bababa nalang kayo?" Grabe naman 'tong si kuya! Kaya dali dali kaming bumaba. Nakita ko namang nauna na palang bumaba yung kaibigan niya. Kilala ko siya eh, transferee siya nung Senior High School kami. Ano nga ba ulit ang pangalan niya? Vel-Vielkaizer? Ewan! Basta Royales yata apilyedo niya.

Nang makababa ay mabilis kong hinanap si papa. Alam ko kasing susunduin niya ako eh. Pero hindi ko siya nakita kaya naupo lang muna ako sa waiting shed.

"Wala pa papa mo?" Nagulat ako dun sa nagsalita. Paano niya naman nalaman na susunduin ako ni papa? Sabagay, sa ilang years ba naman naming school mates. Hayst. Pero teka, bakit hindi pa umaalis 'to?

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko sa kanya at I don't know pero bigla din akong napatingin sa kaibigan niya, ang sama parin ng tingin. Grabe!

"Kasi nandito ka pa?" Patanong na sagot niya.

"Alam mo ang kulit mo. Tsaka wag ako, alam kong nantitrip ka lang" sabi ko. Totoo naman eh, malay ko ba kung nantitrip lang siya. Hello, feelings ang pinag uusapan dito 'noh?

"Believe me or not, I'm serious. Seryoso ako siya nararamdaman niya para sayo. Oo alam kong mabilis pero ngayon lang talaga siya nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo lahat ng ito. He really like you Chrysanthemum Vue." Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang pagiging sincere sa sinabi niya. Tila ang sarap din sa pandinig ang mga sinabi niya. Pero teka, sino namang siya? Baliw na nga yata tong kausap ko!

"Impossible yang sinasabi mo! Tsaka sinong siya?!" sabi ko at tumawa pa kunwari. Grabe naman 'tong araw na'to!

"Di ako nagjojoke. Walang impossible. Lalo na kapag ginamit ko ang Alas ko" natatawang sabi niya kaya napakunot ako ng noo. At doon ko lang naalala ang nangyari kanina sa van! Takte naman yun!

"Pinagsasasabi mo jan?" Kunwari ay nakalimutan ko na kahit ang totoo ay fresh na fresh pa sa utak ko iyon!

"Remember, the one that you're reading earlier. Yung... Bumaba ang kam-" Shuta mabilis ko na namang tinakpan ang bibig niya.

"Seryoso ako, tututuhanin ko yun pag di ka pumayag ngayon." Nakangising sabi niya dahilan para mapa irap ako sa kanya

Ano na ba ito? Pagbibigyan ko ba? O-oo na ba ako? Eme eme lang naman siguro ito ano? Para lang manahimik siya? Pero teka? Bakit naman ako magpapadalos dalos diba? Bahala siya!

"Wala akong pake sayo!" Sabi sabay tayo na. Sakto naman na kararating lang ni papa kaya kaagad na akong sumakay sa motor.

Excited na talaga akong umuwi sa amin at miss na miss ko na rin ang kwarto ko.

Mabilis na natapos ang sabado at ngayon ay linggo na ng hapon. Ngayon din ang balik ko sa dorm namin. Grabe ang bigat ng mga dala. May dala din kasi akong saging, kamote at malaking bag. Takte naman. Nahihilo pa ako sa van na sinakyan ko. Mabuti nalang at mabilis din akong nakarating sa dorm namin.

Pagkabukas bukas ko ay nakita ko si Carl na nakaupo sa sala ng dorm namin. Nakangiti siyang tumingin sa akin. Well sanay naman na akong ngumingiti siya sa akin pero kasi ngayon parang may kakaiba.

Shuta don't tell me, sinabi na ng baliw na yun?!

"Hi Chrysan" bati niya ngumiti lang ako ng tipid saka dumiretso sa room namin. Upang ayusin ang mga dala ko.

VAN (Completed)Where stories live. Discover now