CHAPTER TWO. (THE PREPARATION)

Start from the beginning
                                    


5 years old si Sabina ng magpunta ng Saudi ang papa niya para makapagtrabaho. Every 3 years ito kung umuuwi. Naging maayos naman ang buhay nila habang nasa abroad ang papa niya. Nakapag aral siya nung maayos sa private school at natutugunan ang lahat ng pangagailangan nilang mag ina.


Pero dahil lumalaki na siya at mas lumalaki ang gastos sa pag aaral nag abroad din ang mama niya sa Macau nung 12 years old siya. Naiwan siya sa pangangalaga ng Tita Lucy niya kapatid ng nanay niya.


Minsang umuwi ang kanyang papa at mama noong 14 years old siya.

Masayang masaya siya dahil buo na ulit ang pamilya niya, pero may napansin siyang kakaiba sa papa niya, kung dati sobrang lambing nito sa kanyang mama sa tuwing umuuwi ngayon ay halos hindi na ito mag usap. May pagkakataon pang naririnig niyang nag aaway ang dalawa.


Sa tuwing magtatanong siya kung anong problema at nag aaway sila, lagi lang sagot ng mama niya "Maiintidihan mo din pag laki mo Sabina"


Yoon ang huling pagkakataon na magkakasama at buo silang pamilya.


When she turned 17, she found out na may iba ng pamilya ang papa niya sa Saudi. 3 years na palang hiwalay ang mama at papa niya.


Nalaman niya iyon ng minsang galing siya sa eskwela ay narinig niya ang pag uusap ang Tita Lucy at Mama niya nung umuwi ito sa kanila.


May nabuntis daw ang Papa niya sa Saudi at kailangan niya iyong pakasalan.


Doon din niya nalaman na hindi pala kasal ang Papa and Mama niya. Halos sumabog ang puso niya habang pinagmamasdan ang kanyang Mama habang naglalabas ng sama ng loob.


She's miserable. Who would it be? Ang pamilyang iningatan at tinaguyod mo ang ilang taon mawawala nalang sa isang iglap at ang masakit hindi naman pala talaga sayo.


Magmula noon bihira ng umuwi ang kanyang Papa. Tumatawag na lamang ito para kamustahin siya at itanong kung anong mga kailangan niya sa eskwela.


Nakapangasawa na din ng iba ang Mama niya sa Macau. At meron na din siyang dalawang kapatid doon. Mahirap man sa simula natutunan na din niyang tanggapin ang nangyari sa pamilya niya.


Natanggap na din niyang may ibang pamilya na ang mga magulang niya. At natanggap na niyang hindi na siya bahagi noon.


"May naghahanap sayo sa lobby Sabina" sabi ng isa niyang kaempleyado.

Nagtatrabaho siya sa isang Accounting Firm bilang isang Accounting Administrator. Dito na siyang nagsimulang magtrabaho after graduation.


Isang bouquet of red roses at nakangiting Victor ang sumalubong sa kanya pagbaba niya sa lobby.


"Anong kasalanan mo?" nangingiting sabi habang tinatanggap ang bulalak.


"Bakit? Dapat ba may kasalanan pag nagbibigay ng bulaklak?" nakataas ng kilay nitong sagot. "Hindi ko alam yun ahh. Now I know."


Hinampas niya ditto ang hawak niyang bulalak.


"Aray! Ito naman hindi na mabiro. War freak ka talaga kahit kelan. Battered husband ata labas ko nito." Pabulong nitong dagdag.


"Ano?!"


"Wala Honey! I love you so much" tyaka ngumiti ng pakatamis at hinalikan siya sa pisngi.


"I love you too! Thank you sa flowers"


"Minsan talaga bipolar ka noh?" biro ni Victor.


"Mahal mo naman"


"Sabi ko nga." Kamot ulong sagot ni Victor.


Nagpunta sila sa canteen ng building at doon nag usap.


"Bakit napadalaw ka?" bungad na tanong ni Sabina.


"Na-miss kita e." wala sa loob nitong sagot.


Napangiti nalang si Sabina sa sagot ng boyfriend niya. Very vocal ito pagdating sa nararamdaman para sa kanya at wala itong pakialam kahit sino ang makarinig ang mahalaga ay masabi nito iyon sa kanya.


"Kinikilig naman ako. Sana ganyan ka pa din kapag kasal na tayo"


"Don't worry, mas pakikiligin pa kita pag mag asawa na tao." Pataas taas kilay na sagot nito.


"By the way, kausap ko lang kanina si Mrs. Suarez about sa flower arrangement sa church and venue. Pwede na daw tayong magpunta sa kanya para mamili ng mga designs."


"That's great! Naipa-reserve ko na din yoong church. June 14 ung date gaya ng gusto mo my lovely June Bride" sabay haplos nito sa baba niya.


"Na -excite na ko honey! Finally one of my dreams will come true."


"Mas excited ako sa honeymoon." Sabay kindat nito sa kanya.


"Unggoy ka talaga." Nanlilisik na matang sagot niya.


"Buti alam mong unggoy ako. Sumasabit sabit ako sa puso mo."


"Corny mu!" hampas niya dito.


"Kinilig ka naman, kunwari ka pa" Matamis na sabi ni Victor.


"Oo na magtigil ka lang." nailing na sagot ni Sabina.


Pinag usapan pa nila ang ibang detalye para sa kanilang kasal. Ang schedule ang food tasting para sa reception pati na din and seminar at ensayo sa simbahan.


Matapos nilang mag usap ay agad ding nag paalam si Victor dahil kailangan nitong bumalik sa trabaho.


Hanggang sa pag uwi sa apartment ay ang kasal pa din ang nasa isipan ni Sabina. Finally, she's getiing married. Hindi man ito engrande at mamahaling kasal ang mahalaga ay si Victor ang papakasalan at makakasama niya habang buhay.


Simple lang naman ang pangarap niya ang makasal sa lalaking pinangarap niya. And it's happening right now. In three weeks' time she'll marry the man of her dreams and will start the happily ever after.




What else could go wrong?.

I'm His Accidental WifeWhere stories live. Discover now