ZTUP - C H A P T E R : 6 5

Comincia dall'inizio
                                    

Dahil sa galit ako sa mga nakita ko sa sinapit ni Miragh sa aking panaginip ay hindi ko pinag buksan ng pintuan si Radya na katok ng katok mula sa labas.

Ayaw ko muna siyang kausapin at makita dahil baka mapagbuntungan ko siya sa aking inis sa pamilya ni Miragh.

Napatulala nalang ako na naka tingin sa kisami habang naka dipa at nakatihayang naka higa sa aking kama.

Mataas na rin ang sikat ng araw pero wala akong balak na bumangon dahil baka ano pa ang magawa ko sa kanila.

Gusto ko sanang puntahan yong lugar kung saan ng mula ang itim na usok kahapon pero tila wala akong lakas at wala ako sa kondisyon na lumabas sa Akademyang ito.

Baka kasi pag hindi ko na mapigilan ang mabigat na emosyong nararamdaman ko ngayon ay baka makapatay ako ng wala sa oras.

Kaya mas mabuti na siguro kung magpa lamig muna ako ng ulo ko.

Umiikot ako sa aking kinahihigaan at pumikit ulit dahil balak ko sanang kausapin si Miragh sa aking isipan pero napamulat nalang ako ng pabalibag na bumukas ang pintuan sa aking silid.

"Prinsesa Xhandria. Ayos lang po ba kayo?"

Halos lumabas ang usok sa aking ilong dahil sa inis kay Radya ng binuksan talaga niya ang pintuan ng silid ko.

Agad akong bumangon at umupo sa aking kama habang naka yuko at kinuyom ng mahigpit ang aking mga kamay upang pigilan ang galit na raramdaman ko kay Radya.

"Prinsesa Xhandri-.."

"Paano ka naka pasok at bakit ka pumasok?"

Buong lamig na pagkakatanong ko sa kanya at hindi na nag angat pa ng tingin dahil alam kong maiiyak lamang siya sa takot sa akin na baka mas lalo lamang magpa inis sa akin.

"D-dahil nasa a-akin po ang susi? at nag alala po kami say-.."

"Lumabas kana dahil maliligo na ako at huwag ka muna magpakita sa akin sa umagang ito dahil ayaw kong saktan ka, Radya."

Agad naman siyang tumakbo palabas pagkatapos niya humingi ng pasensya sa akin na ikinabuntong hininga ko nalang at inis na ginulo ang aking buhok ay pinag tatapon ang mga unan at kamot sa sahig.

Ayaw kong mag basag ng gamit dito sa aking silid dahil sayang kaya yung hindi nalang mababasag ang itatapon ko para safe.

Tumayo nalang ako ng medyo ma satisfy ako sa ginawa ko at kumuha ng tuwalya para maligo.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis lang ako at hinayaang naka lugay ang mahaba kong buhok dahil sa basa pa naman ito.

Buti nalang din at sinunod ni Radya ang aking sinabi na hindi magpa kita dahil si Navah lamang ang nakita ko sa sala na nag lilinis at yumuko lamang ito sa akin at hindi na nag salita pa.

Buti naman at marunong na siyang makiramdam hindi tulad ni Radya na nakaka inis minsan.

Dahil sa tinamad akong maglakad pababa sa aking dormitoryo ay tinalon ko nalang ito pa baba at rinig ko ang sigaw at singhapan ng mga nakakita sa akin na ipinag sa walang bahala ko lamang.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora