CHAPTER 36

18 0 0
                                    

JOHN DAVE POV.

"Elise.. please... Mag usap tayo hindi yung ganito!"

Sambit ko sa kaniya habang sinusundan siya at pilit na pinipigilan sa pag lalakad palayo saakin.

"Dave!!!.. ano bang hindi mo maintindihan!! Ayoko na.... Sawang sawa na ko sayo. Tama na pagod na pagod na ko!!"

Galit at pasigaw niyang sambit saakin.

"Ayaw mo na kase sawang sawa kana?, Ayaw mo na kase pagod kana?.. Elise. Ako ba hindi na papagod?. Elise naman... Ikaw yung inspirasyon ko diba tapos ganito?. Bakit dahil ba sa kaniya!!!... Alam kong may relasyon kayo ni Inigo!! Pero Elise naman bakit sa kaniya pa!!! Bakit kaylangan sa pinsan ko pa!!"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya nataasan ko siya ng boses. Ilang beses na nga ba niya ginagawa sakin to.

"Elise... please.... Wag naman ganito. Mahal na mahal kita alam mo yan lahat ginawa ko para sayo.. please wag mo kong iwan."

"Dave, ayoko na nga!!! Hindi kita mahal kaya pwede ba layuan mo na ako!!!"

Galit at pasigaw niya pading sambit at tuluyan na nga siyang umalis sa harapan ko samantalang ako ay naka tingin padin sa malayo...

Nag lakad na lang ulit ako pa balik sa parking lot kung saan naka park ang mottor ko. Sumakay ako at pinaandar ko agad ito ng mabilis bahala na kung saan  aabot ang gasulina ng mottor na ito.

Habang nag mamaniho parin ako. Lahat ng mga nangyari sa parking lot, lahat ng sakit, at mga binitawan na salita ni Elise ay nag eeco parin sa utak ko. Hindi ko na malayan na sobrang bilis na pala talaga ng takbo ko hanggang sa. Pag liko ko ay biglang may kotse akong naka salubong at saka ako bumangga at tumilapon.

"Tumawag na kayo agad ng ambulance!!!"

"Kawawa naman siya..."

"Hoy tulongan nyo siya!!!"

Hindi ko na alam ang susunod na ng yari saakin basta may naririnig na lang akong mga tao sa paligid. ko na humihingi ng saklolo at nakarinig din ako ng tunog ng ambulance hanggang sa mang dilim ang paningin ko at mawalan na ako ng malay ng tuluyan.

**************** 1 week Later*************

Nakakarinig ako ng kakaibang tunog. Ramdam ko sa sarili ko na may masakit sa katawan ko pag gising ko purong puti na lang ang nakikita ko at isang babae na naka yuko sa hospital bed..

"Eli---"

"JD? Gising kana? Wait tatawagin ko lang yung nurse at doctors mo"

Gulat at halata sa mukha niya yung saya ng makita niyang may malay na ako.

Agad lumapit ang mga nurse at doctors na tinawag niya chenek din nila ang lahat ng mga naka lagay sa akin...

"Miss okay naman na ang patient but need parin ng mga test para siguradong walang damage sa katawan lalo na sa ulo niya."

Sambit at bilin ng doctor sa kaniya agad naman lumabas yung mga doctor at nurse saka siya lumapit saakin.

"Ano bang nangyari?"

Pag tatakang sambit ko sa kaniya. Ang huling tanda ko na lang kase ay yung nakikipag break si Elise saakin sa Parking lot.

"Hindi mo maalala?. Tumawag kase ako sayo that time na na accident ka. Ang nakasagot ng call ko ay yung mga nag rescue sayo sinabe nila saakin kung saan ka nila dadahil. Kaya nag madali agad ako pumunta dito."

Paliwanag na sambit niya halata talaga sa itsura niya na sobrang nag alala siya sa nangyari saakin kelan ba ako na aksedente anong araw na ba?

"Anong oras na ba at anong date?

My First CrushWhere stories live. Discover now