CHAPTER 30

5 0 0
                                    

CHRISTINE POV

"Sorry.. pero hangang kaibigan lang ang tingin ko sayo. Sa totoo lang maganda ka matalino. Pero hindi kase ikaw ang gusto ko. Hindi ikaw yung mga tipo ko" Sambit ni Jhay-Ar.

"San ka galing?" Takang tanong ni Bianca saakin nang makita niya ako pababa nang hagdan.

"Sa classroom bakit?" Pag sisinungaling kong sambit sa kaniya at saka ngumiti nang pilit.

"Classroom.. we ba? Galing kame sa classroom natin kanina wala ka nga doon" pang babarang sambit ni Romelisa saakin.

"Boba. May sinabe ba ako sa classroom naten?" Pagtataray kong sambit sa kaniya.

"Ay wow galit yarn" Pang aasar padin saakin ni Romelisa samantalang tahimik lang sila Bianca at Zyra.

Kung hindi ko lang to kaibigan at kababata na sampulan ko na tong bruha na to kanina pa nang bu-bwisit eh.

"Teka si Limeway?" Pag tataka kong tanong sa kanila.

"Mauna na lang daw tayong umuwi mag pa-practice daw kase sila ni John Dave para sa up coming intrams slash pageant keme bombom" Sambit ni Zyra kaya natawa na lang ako sa kaniya. Nahahawa na ang isang to kay Romelisa.

"Oo nga pala nag kita ba kayo ni Jhay-Ar?" Biglang tanong ni Bianca saakin kaya napatingin ako sa kaniya bigla.

"Huh bakit?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.

"Ay oo nga pala hinahanap ka kase niya kanina" Sambit naman ni Romelisa

"Sabe ni Romelisa baka bumalik ka daw sa classroom kaya umakyat ulit pa balik si Jhay-Ar" Sambit naman ni Zyra saakin.

"Hindi nakita ko siya kanina may kausap na babae sa kabilang hallway" Sambit ko sa kanila  kaya nga sa kabila na lang ako dumaan nang makita at marinig ko silang na uusap.

Kung saakin sinabe ni Jhay-Ar yun sobrang saakin nun syempre gusto mo yung tao tapos ilang araw o oras mo pinag isipan at nag ipon nang lakas nang loib para lang umamun sa taong gusto mo tapos ganun lang sasabihin niya sayo masakit kaya yun.

Kung saakin nang yari yun lilipat na ko nang ibang school or di muna ako papasok pwede rin namang iwasan ko na lang siguro siya.

"Woi.... Natulala kana diyan be" Hinampas ni Romelisa ang balikat ko kaya bumalik na ako sa wisyo ko at sinamaan siya nang tingin.

"Kanina pa kame nag sasalita dito at ayun na ang sundo mo tulala ka eh ano bang iniisip mo?" Pagtatakang tanong ni Romelisa saakin.

"Iniisip ko kung paano- sige una na ko" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang makita ko si Jhay-Ar na papalapit sa puwesto namin kaya dali-dali na kong nag paalam kila Bianca at sinabihan ang driver namin na umalis na agad

"May iniiwasan ka ba ija?" Pag eechos na tanong ng driver namin.

"Meron po. Baka po next time ipapabanga ko na sa inyo HAHAHAH chariz lang" Pag bibirong sambit ko sa kaniya. Kahit gusto ko siya ayoko naman na masaktan siya no. Hindi naman ako bitter na tao para gawin yun sa kaniya. Dahil lang hindi niya ako gusto.

Pag dating ko sa bahay naabutan ko si kuya na may kausap sa phone boses babae at mukhang nag aaway sila halata sa mukha niyang na momroblema siya.

"Hi mom" sambit ko kay mommy nang makita ko naman siyang nag aayos nang mga curtain sa may gilid nang sala.

"Oh you here na pala anak how is your school?" Tanong ni mommy saakin habang inaabot niya kay yaya yung isang pair nang kurtina.

"Okay naman po walang bago" ngiting sambit ko sa kaniya at naupo ako sa couch. Tinignan ko lang si kuya nang umupo ito sa harapan ko habang may kausap padin.

My First CrushWhere stories live. Discover now