[W.O.S] CHAPTER 1: THE HEROES

Magsimula sa umpisa
                                    

"Isang paraan narin ito para pahinain ang loob natin. Alam niya na napamahal na tayo sa mga familiar. Sinadya niya talagang burahin sila sa buhay natin. Hindi siya titigil hangga't hindi tayo nauubos." sabi niya.

Siguro nga. Siguro nga kailangan ko ng tanggapin. Pero darating pa kaya ang araw na makikita ko uli siya?

Tumingin ako kay Kiro at ngumiti nalang sa kanya.

"Nandito pa naman ako. Nandito lang ako. Hindi ako mawawala." sabi niya.

"Bakit ka ba ganyan?" tanong ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" taka niyang tanong.

"Ang bait mo kasi ngayon." sabi ko sa kanya.

"Mabait naman kasi talaga ako." sabi niya.

"Hmm ewan ko sayo." sabi ko sa kanya at mahinang sinuntok ko siya sa braso.

"Kinilig ka naman." sabi niya. Aba at!

"Hindi no!" sigaw ko. Hindi naman talaga eh!

"May iba akong gusto." bigla niyang sabi. Bakit parang may kirot sa puso ko nang sabihin niya 'yun?

"H-hindi ko naman tinatanong ah. Bakit, akala mo ba gusto kita? No way! Hindi kita type no." sabi ko at tumalikod sa kanya. Ang sakit parin.

"Mas lalong hindi kita type." sabi niya. Ouch naman. Double kill.

"Napakasama mo talagang nilalang." sabi ko sa kanya at tinawanan niya lang ako.

Bigla kaming nilapitan ng mga tao sa kalagitnaan ng pagtatalo namin. Nakatitig lang sila na para bang may gusto silang sabihin. Lumapit ang babae sa amin at hinawakan ang kamay namin ni Kiro.

What's happening? Nagkatinginan kami ni Kiro at nagtaka.

"Salamat sa inyo." sabi niya sa amin.

H-ha?

"B-bakit po?" taka kong tanong.

"Nakita ko ang ginawa niyong pagtulong at pagligtas sa amin. Kung walang mga taong katulad niyo, baka hindi na kami magkakaroon pa ng chance na mabuhay." sabi niya at tumingin siya sa akin.

"Hindi ka nagpalamon sa takot kahit na nabigo ka man doon sa bata. Nakitaan ka namin ng lakas ng loob kaya na-inspire kami sa'yo. Dahil sa'yo, hindi namin nagawang sumuko." sabi niya.

"Oo nga!" sigaw naman nung iba.

"Maraming salamat sa inyo!" sabi ng iba. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Ngayon lang ako na-appreciate ng iba ng ganito.

"Hindi naman po natin matatapos ang WOM kung hindi rin dahil sa inyo kaya, salamat din sa inyo." nakangiti kong sabi sa kanila.

Walang tigil ang pagsigaw nila ng pangalan namin ni Kiro. Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang balikat ko. Tinanguan ko siya at umalis na kami.

"Sana magtagumpay kayo Asky!" sigaw nila at tuluyan na kaming nakalayo.


*****


"Salamat. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa'yo." sabi ko sa kanya.

"Para saan naman?" taka niyang tanong.

"Dahil hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa'yo." sabi ko.

"You don't have to. Ikaw naman ang nakatuklas nun ng sarili mo." sabi niya.

"Pero basta, salamat parin. Sobrang laki ng naitulong mo sa akin. Wag ka ng tumanggi." sabi ko sa kanya.

"Bahala ka." sabi niya. Ngumiti nalang ako at hindi na kami nag-usap.

Lakad dito, lakad doon. Tahimik lang, hindi kami nag-uusap. Maya-maya napagdesisyunan kong basagin na ang katahimikan.

"Kiro... bakit nga ba nandito ka lang sa tabi ko?" tanong ko pero hindi ako nakatingin sa kanya.

"Bakit nga ba? Alam mo, hindi ko rin alam eh." sabi niya.

Tahimik ulit.

"Ewan ko. Gusto kitang kasama. Ayaw kitang iwan." biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Parang kakaibang Kiro ang nasa harap ko ngayon. Minsan nga nakakalimutan ko na si Kiro number one.

"B-bakit?" tanong ko. Nauutal ako kasi nagwawala nanaman 'yung damdamin ko.

"Kailangan ko ba talagang sagutin? Teka bakit ba ang dami mong tanong?" inis na siya niyan.

"W-wala. S-sige wag ka na sumagot." sabi ko. Hays! Bakit nga ba curious ako?

Katahimikan uli.

"Siya nga pala, ang tagal na nating magkasama hindi parin kita naa-add sa friends list ko." sabi niya. Huminto muna kami at pinindot niya ang blue button.


[Kiro added you as friend. Accept? OYes ONo]


In-accept ko kaagad pero meron pang kasunod.


[Kiro invited you to party. Accept? OYes ONo]


Napatingin ako sa kanya. Bakit kailangan pang mag-party eh magkasama naman kami?

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Bilis naman maubos pasensya nito.

Pinindot ko na 'yung yes.

"Subukan mo lang mag-leave." sabi niya.

"Hindi po boss, nakakatakot po kayo eh." sabi ko naman sa kanya.

"Good. Simula ngayon, lagi na tayong magkasama at walang pwedeng humiwalay." nagulat ako nang sabihin niya 'yun.

Alam niyo, naguguluhan na talaga ako sa kanya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon