"Ano ba 'yan. Ang lakas mang-asar, kalbo naman pala."

 

"Bokals!"

 

Sige, magbulungan kayo! Hahahaha! 'Yan ang gusto ko sa klaseng ito, magaling mang-asar at mangchismis! Hahaha!

Pagtingin ko sa Impaktita..

HUH! Konti na lang kakapit sa mukha ko ang kanyang kamay!

Parang slowmo.

3..

2..

Pipikit na lang ako! Wala ng panahon na umilag!

1..

Huh? Bakit parang walang lumapat?

"WOAH?"

 

Ano 'yun? Buong klase napatigil.

Pagmulat ko ng mata ko si AIDAN hawak ang kamay ni Sydney!

Woah! My Knight in Shining armor?

Erase!

My Kwago in kinakalawang na armor? Hahaha! Ayun mas maganda.

"BITIWAN MO KO AIDAN! SASAMPALIN KO ANG BABOY NA YAN!"

 

Hindi ko na pinansin ang panlalait ni Sydney. Ang nasa isip ko ay magkakilala sila?

At..

Pinagtatanggol niya ako?

"Hindi ko bibitawan 'to. Tama na ang kaartehan mo. Sobra ka na sa panlalait mo. Nakakasakit ka na."

 

"Pero siya ang nagpahiya sa akin!"

 

"Alam kong ikaw ang nag-umpisa ng lahat. Kung hindi ka gumawa ng eskandalo, hindi ka mapapahiya."

 

"SO GANUN! Pinagtatanggol mo siya? Porke't nakipag-break ako sayo?"

 

Huh? Naging sila? Weh? Di nga? Chismis to men! Hahaha!

"Hahahahahahahaha!" Hala tumawa ang gago. Epekto ng pakikipag-break? "Tingin mo ba dahil "nakipag-break" ka sa akin kaya kita inaaway?"

 

"Exactly."

 

"Huwag mong masyadong ginagawang importante yang sarili mo. Sa totoo lang, naunahan mo lang ako sa pakikipag-break sa'yo. Naawa na kasi ako sa'yo at sa totoo lang sawang-sawa na ako sa kaartehan mo at ayaw ko sa babaeng kung makaapi akala mo walang mailalait sa kanya."

 

Wow! Nakakapanood na ako ng teleserye sa harapan ko. At alam kong buong klase pareparehas lang ang iniisip.

AYOS! PARANG TELENOBELA! HAHAHA!

Tumingin ulit sa akin ang impakta, "Hindi pa tayo tapos! Humanda ka sa akin, Iexsha!"

Ayos ah! Linya talaga ng mga looseeers na kontrabida!

Sabay walk-out!

At dahil nga ako ay si tanga, "Ohh, I'm scared! Hahaha! Huwag kang mag-alala, girl scout ako laging handa!"

Sinamaan ulit ako ng tingin ng gaga.

"Nga pala, Sydney." Si Aidan.

Tumigil ang impakta, "Bakit kakampihan mo na ako? Bhe?" May pagpungay pa ng mata. Eww!

"Hindi. Ang sasabihin ko lang sana, tabingi yang wig mo. Baka malaglag. Lalo pa nila malaman na kalbo ka."

At dun na nga nag-walkout ang gaga!

Pagkalabas ng Impakta, "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Hagalpakan na buong klase. Umupo na kami ni Aidan sa upuan namin at dun ko lang narealize.

Sandali.

O_O

O_O

Wag mong sabihing?!

O_O

O_O

HOLY FRENCH FRIES!

KAKLASE KO NA NAMAN ANG KWAGONG ITO?! OH NO!

Imperfectly in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon