Chapter 7

30 2 0
                                    


Apat na taon. Natatawang napa-iling na lang ako nang maalalang kinaya kong dalhin at palakihin ang kambal sa loob ng mahigit apat na taon. Hindi naging madali pero masaya akong kasama ko sila sa lahat ng bagay. Pero hindi ko akalaing mahihigitan ng araw na 'to ang lahat ng 'yon. 


For the first time, I feel free again. Hindi ata karayom ang hinugot sa'kin kung 'di kutsilyo sa sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Simula kasi nang sabihin ko ang totoo. Hindi na lumayo si Ridgen sa tabi ng kambal. Ganoon din ang mga Lolo't Lola nila. 


Hanggang sa hapag kainan, hindi mawala ang tingin at mga tanong nila tungkol sa amin. Akala mo ay tatakbuhan namin sila anumang oras. Magagawa ko pa ba 'yon kung sobrang saya ng mga anak ko sa piling nila ngayon? After all, I did all of these for them. Pagod na rin kasi akong takbuhan at itago sa kambal ang totoo. Lalo pa't matatalino silang bata. Kahit hindi nila sabihin at itanong, nararamdaman kong gustong-gusto nilang makilala ang ama nila. 


"Tetel." Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Ridgen. Napagod na siguro siya kakalaro sa kambal kaya naisipang lumabas din muna. 


Naupo siya sa harap ko. Bakas pa rin ang pagkamugto ng mga mata niya kaya hindi ko naiwasang bumungisngis. 


"I'm sorry. Napagod ka ata ng kambal." Sa mga oras na 'to may halong pangangamba na ang tanong ko. Kahit naman kasi ako hindi kinakaya ang energy nina Cas at Ion. 


"No. It's fine. Napansin ko lang kasing kanina ka pa rin nandito. Something's bothering you?" 


Mabilis naman akong umiling. "Wala naman. It was actually the latter. I didn't expect this day to come." It's true. Akala ko kasi habang buhay ko na lang 'tong itatago. "I'm sorry, Ridge. I don't mean to be selfish at itago sa'yo ang kambal. Ayoko lang talagang talikuran mo ang pangarap mo just because I got pregnant."


"I'm the one who should be sorry here, Tetel. After that day, when you left me the next morning, I gave up so fast after only one day of looking for you. I thought you hated me so much. Actually, even until today. Kaya takot na takot akong bumalik."  May pait ang mga salitang binitawan niya. 


Eto na naman ako. Para na naman akong ma-iiyak. How could I hate him? eh, ako itong lumayo. Tinanggalan ko agad siya ng karapatan without even asking him if he wants us to keep them. Kung tutuusin siya dapat ang magalit sa'ming dalawa. 


"You're making me feel more bad, Ridge. At least you're here. Let's just forget about it and move forward. Tungkol naman sa mga bata we can arrange our schedules naman kung gusto mo silang makasama. Hindi ko sila ipagdadamot sa'yo. Lalo na ngayon at mabilis gumaang ang loob ng dalawa sa'yo. Panigurado araw-araw ka na nilang hahanapin sa'kin." 


"About that. You may find it weird, but can all four of us live together?"


"Huh?" I blinked a few times. He said it so casually, na para bang it was the most common thing to do. 


"I mean. Don't families do that?" kamot-ulo niyang sagot. Siraulo ba siya?



Twin FlamesWhere stories live. Discover now