Chapter 6

34 3 0
                                    


"I hate you, Xientell!" nakabusangot na reklamo ni Hav.


Natatawang napa-iling na lang ako at nagpasalamat kay Kitt. Mabilis na natapos ang shoot ng kambal lalo na nang hindi na masyadong nakielam pa si Ridge. 


"Ayan ang napapala ng mga nagtatago. Anyway, babawi talaga ako sa inyo, guys. Kung hindi lang big project 'to, I will really ditch this." malungkot na paalam ni Kitt. 


"Okay lang, Kitt. Ako nga dapat ang bumawi sa inyo sa dami nang natulong niyo samin ng mga anak ko. Hayaan niyo babawi ako pag nakahanap ako ng bantay ng kambal."


"I think hindi ka na mahihirapan." nakangising sambit ni Fly habang nakatingin kay Ridgen na kasama na pala ang mga bata.


"Sira!" 


"Anyway, Fly and I have to go. Pag-isipan mo uli Tell kung ano pang kaylangan ng kambal sa birthday party nila. I won't allow na wala talaga akong ambag. I will hate you for life, promise." 


Napa-iling na lang ako at sabay sabay na kaming lumapit kina Ridge. Mabilis na nagpaalam ang mga ito sa kambal at kay Ridge. Ngayon ko lang din napansing buhat-buhat na pala ni Ridge si Cassie. 


"Cas, bakit ka naman nagpapabuhat kay Ridge. Mabigat ka na anak." akmang kukunin ko na sana siya nang pigilan ako ni Ridge.


"It's fine, Tetel. She's tired and sleepy. I think we should go too." 


Hindi na ko nakipagtalo pa at hinayaan na lang siya. Hinawakan ko na lang din si Ion at binuhat ang gamit nila. Halata ring pagod na ang anak kong lalaki pero ayaw naman nitong magpabuhat. 


Nang makarating sa sasakyan niya, eh, dahan dahan niya namang binaba si Cassie sa likod. Inalalayan ko na rin si Ion na makasakay at mabilis niya namang tinabihan si Cassie. 


"Thank you, Didi and Daddy p-pogi?" nauutal at hindi pa siguradong sabi ni Ion. "I'm sorry. I don't know how to call you po. So I use what Cassie is calling you." 


Sa gulat ko, napatingin na lang ako kay Ridge na gulat din sa sinabi ni Ion. He put their seatbelts on and pats Ion's head. 


"You can call me whatever you're comfortable with, Lion. Daddy would be cool too!" 


And my jaw literally dropped. Nang maayos niya ang kambal sa likod ay mabilis naman siyang sumakay sa driver's seat. Nilingon ko pa uli ang kambal at mahimbing na ang tulog at nakayakap na si Ion kay Cassie.


"What was that, Ridgen?" 


"What? suggestion lang naman." 


Napailing na lang ako sa sinabi niya. May suggestion pa siyang nalalaman, siya naman talaga ang tatay. 


"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko nang makaalis na kami.


Twin FlamesWhere stories live. Discover now