Chapter 1

147 6 0
                                    



"Didi! help, Didi!" agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ko ang matinis na boses ng anak ko.


Kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto at tumambad sa'kin ang naglalawang mini table ng kambal dahil sa natapong gatas doon. Napasapo na lang ako ng noo at huminga nang malalim.


Good Morning, Xientell! May anak ka nga pala.


"Cas, you're so loud! You don't have to call Didi naman, eh. I told you, I can handle it." masungit na sabi ni Ion kay Cas matapos kunin ang hawak nitong karton ng gatas.


"Eh, ikaw kasi kuya, eh! If you just let me put it on my own cereals edi sana hindi natapon, hmp!" nakabusangot namang sagot ni Cas dito.


Hindi ko alam kung bakit ako parang napako sa kinatatayuan ko pero hindi ko mapigilang mapangiti na lang. Ang bilis ng panahon, mag-aapat na taon na ang kambal ko sa susunod na buwan. Parang dati lang ay naiiyak pa 'ko sa tuwing sabay na umiiyak ang dalawa lalo na sa madaling-araw. 'Yung tipong hindi ko na alam ang gagawin sa tuwing hinahanap nila ako dahil kaylangan ko rin pumasok sa trabaho.


Laking pasasalamat ko na nga lang dahil nandiyan sina Fly at Jong na napag-iiwanan at nakakatulong ko sa pag-aalaga sa kambal. Ako na nga lang ang nahihiya sa dalawang 'yon dahil palagi ko na lang silang nai-istorbo. Ultimo paghatid sundo sa school, sila na rin ang umaako. Kaya hangga't kaya ko silang isama sa trabaho, ginagawa ko.


Natinag lang ako nang mapansin kong may tumulo na palang luha sa pisngi ko. Ano ba 'to! ang aga aga nagda-drama na naman ako. Agad ko 'yong pinunasan gamit ang palad ko at nakangiting lumapit sa dalawa.


"Good Morning, my babies! Bakit naman ang aga aga nag-aaway kayo?" nakanguso kong tanong nang pantayan ko sila ng upo.


Agad namang napakapit si Cas sa kuya niya na para bang humihingi ng tulong. Mas lalo ko tuloy hindi napigilan ang ngiti ko sa itsura nilang dalawa.


"I'm so-" nakayukong panimula ni Cas. "I'm sorry, Didi. I accidentally spilled the milk because I tipped over. It's not Cassie's fault." pagpapalusot ni Ion.


"It's okay. Pero next time please call Didi instead, okay? I'm sorry too since I overslept." I said while pinching their cheeks.


"Don't say sorry, Didi! We don't want to wake you up po talaga kasi Tito Fly said it's your rest day today. Also, Kuya Ion and I plans to make you breakfast po kasi Tito Jong taught us how to make sandwich which is super dali." Cas excitedly said.


Saka ko lang napansin ang nakahandang tinapay at mayo spread sa table. Oh God, bakit pakiramdam ko ang bilis lumaki ng mga anak ko and I'm not yet ready for it!


"Do you wanna try, Didi? I can finish doing it so that you can eat, too." pagpresinta ni Ion dahilan para mapakagat labi na lang ako dahil pakiramdam ko tutulo na naman ang mga luha ko ano mang oras.


"Ofcourse! I would love to, pero you have to eat first na and let me do my own sandwich, okay? We have to maximize the day kasi it's Didi's rest day and I promise to bring you outside, right?" pagpapaalala ko sa kanila.

Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon