Chapter 4

59 4 0
                                    


Maaga akong nagising para ayusin ang gamit ng kambal. Maaga rin kasi ang pasok ko ngayon dahil marami pa akong dapat asikasuhin bago ang event. We also received a late notice na dadalo rin daw si Ridgen dahil isa ang kompanya nila sa biggest donors ng bagong foundation sa city and he was the representative. 


Napaisip tuloy ako kung alam na kaya ni Hellion ng tungkol dito? Knowing what happened yesterday? parang ayoko na makasama uli ang dalawa sa iisang lugar. 


"Cas and Ion, please mag-behave po, ah? 'Wag niyong pahirapan ang Tito Fly and Tito Kitt, okay? I promise, susunod ako agad before you finish the shoot." sabi ko nang maupo ako sa harap nila.


They were eating their morning cereal. Tapos na rin naman silang maligo at mag-ayos kaya hinahayaan ko lang sila habang hinihintay namin si Fly. 


I looked at Ion na tahimik lang ding kumakain. "Lion, anak. Please look after your sister, ah? 'Wag kayong masyadong makulit doon kasi all equipments there are so expensive-"


"Don't worry, Didi. We'll be fine." pagputol sa'kin ni Ion na kinatango ko lang.


Somehow I felt relieved. Ion has always been a good brother to Cas, being the only princess in the family, you'll never want to mess up with Cassie especially if Ion's there. 


"I'm so excited to meet Tito Kitto, again!" tatalon-talong sabi ni Cassie nang makalabas kami ng building. Lion held Cassie's hand kaya agad naman itong kumalma.


Fly texted me awhile ago na nasa labas na kasi siya ng apartment kaya nagmamadaling lumabas na rin kami para hindi na siya umakyat. Nilibot ko ang paningin ko para sana hanapin ang sasakyan ni Fly, when I saw him beside a Lexus car. Iba sa madalas niyang gamit na Montero. He bought a new car again?


"Tito Fly!" masayang hiyaw ni Cassie at halos tumakbo na palapit dito.


Nang makalapit ang kambal sa kanya ay kaagad niyang binuhat si Cas at tinapik naman ang balikat ni Ion. Nakangiting tinanguan ko lang siya at babatiin na sana nang may lumabas mula sa driver's seat ng sasakyan.


My jaw dropped, it's been how many years simula noong huli kaming magkita. Kung hindi ako nagkakamali eh, noong binyag pa ng kambal.


"Hav! Oh my gosh, long time no see!" I said na para bang hindi pa rin makapaniwala. Mabilis ko siyang niyakap at pinasadahan ng tingin. Sobrang laki ng pinagbago niya, he matured a lot. Iba talaga ang hangin sa Australia.


"Yeah, I've missed you a lot. Lalo na ang mga bata. I think I need a lot of catching time." nakangusong sabi niya at napatingin naman sa kambal na halatang nagtataka rin.


Baby pa kasi ang kambal noong bininyagan sila. After that, ilang linggo lang eh, bumalik na uli si Hav sa Australia to manage their airline company. Kaya talagang hindi siya makikilala ng mga inaanak niya.


"Catching time ka diyan! Bumawi ka sa kambal. Ibili mo ng bahay at lupa, nang makabayad ka na sa ilang taon mong pagtatago." biro ni Fly na mukhang sineryoso naman nitong isa.

Twin FlamesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt