PROLOGUE

162 4 0
                                    


"This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental."


PROLOGUE


"Have you heard about twin flames?" walang gana kong tanong matapos kong ilapag ang highlighter pen na hawak ko.


Bigla kasi akong tinamad sa binabasa ko kaya siguro lumabas sa bunganga ko ang tanong na 'yon. Dahil magkaibigan naman kami, idadamay ko na lang siya sa katamaram ko. Hindi naman ako papayag na ako lang ang babagsak 'no! 


"Twin flames? was it like Soulmates too?" hindi niya siguradong tanong nang makuha ko ang atensyon niya.


Ano pa nga bang aasahan ko rito? Puro pagaaral lang naman ata ang alam nito. Kahit ata guluhin ko siya at wala siyang mareview ngayon, ako lang ang babagsak saming dalawa.


"Nah! Soulmates are destined to be together while, twin flames on the other hand have a strong attraction to one another, but are not actually that compatible because they are too similar." pagtama ko sa kanya. Baka kasi mamaya lumabas 'to sa exam namin. Edi konsensya ko pa kung hindi ko siya tinama, diba?


Agad niya namang binaba ang ballpen na hawak nang mapansin kong para siyang naging interesado sa usapan namin. Nakuha pa ngang ngumiti nang nakakaasar.


"Hmm, really? why bother torment yourself when you can simply live a happy and healthy relationship with your soulmate?" mapang-asar niyang tanong. "at saan papunta ang usapan nating 'to, Xientell?"


Well, may point naman siya. For the record, palagi siyang rational mag-isip kaya nakakainis siyang ka-debatehan minsan. Pero para sa'kin kasi I can only achieve real love and contentment if we overcome the toxic mirroring effect of twin flames. After all, wala kami sa disney or fanfiction books na puro happy at kilig lang. 


Isa pa, saan nga naman ba papunta 'tong usapan namin? sa dami kong problema, eto pa talaga ang iniisip ko. Hindi ko na nga alam kung paano pa ako aabot next month dahil hindi pa bayad ang renta ko sa dorm ngayong buwan. Umpisa na rin ng final exam namin next week at nagagawa ko pa talagang isipin 'to?


"Alam mo, nakakainis 'yong pagiging on-point mo!" irap ko. "Pero that's the beauty of love for me, eh. No matter how toxic it can be, you'll both find yourself fixing it together and learning to grow with it." and his teasing smile turned into a sweet genuine smile.


Ilang segundo lang siyang nakatitig sa'kin matapos kong sabihin 'yon. Hindi naman siya mukhang nang-aasar pero ako na ang bumitaw sa titigan namin at binaling na lang ang atensyon uli sa binabasa ko kanina. Siguro pinagtatawanan niya na talaga ako sa utak niya.


"I see; then what do you think about me? Am I worthy to be your twin flame?" agad naman akong napanganga sa tanong niya.


 Is he serious? napa-angat pa ang tingin  ko sa kanya para makumpirma kung seryoso ba siya. Ilang segundo rin siyang nakatitig sa'kin nang seryoso at muntik pa akong sumagot sa tanong niya pero napansin kong bumalik lang uli ang ngisi niyang nakakaasar. 


Damn you and your ways! bakit ba kasi in-open ko pa 'to sa kanya? 







Twin FlamesWhere stories live. Discover now