Agad na napabangon si Lily at akmang lalayo ngunit hinila siya ng matanda.

"Bitiwan mo ko! Anong ginagawa mo dito?! lumabas ka sa kwarto ko!"

sigaw ni Lily ngunit mas lalo lamang siyang hinawakan ng mahigpit ng matanda.

"Bitiwan mo ko sabi!"

pagpupumiglas niya ngunit biglang tinakpan ni Kao Lun ang bibig ng dalaga gamit ng isang paniyo.

Malakas pa si Lily na nanlaban ngunit unti unti itong nanghina dahil nakaramdam ito ng pagkahilo at bigla siyang inantok.

Nanghina ang dalaga at napabitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Kao Lun at tuluyang nandilim ang kaniyang paligid.

♠️♠️♠️♠️♠️♠️

"Nasan si Lily??"

Medyo kinakabahang tanong ni BoE kila Tyle nang makita niyang walang tao sa kwarto nito.

"Binuhat po siya kanina ni Boss palabas ng kwarto."

sagot ni Tyle kaya napapunas ng bibig si BoE.

"San sila pumunta? may sinabi ba siya?"

"wala naman. Ang sabi lang niya magpahinga na kami pero inantay ka pa namin kasi baka magtanong ka."

napamewang si BoE at nagalala. Saan nanaman siya dinala ng matanda?? Naikwento sa kaniya ni Vipe kanina ang nangyare kaya hindi niya maiwasang hindi magalala. Nangako siya kay Spade na aalagaan niya ang dalaga habang wala pa siya ngunit heto ang nangyare, hindi niya alam kung san siya dinala ng boss nila.

♠️♠️♠️♠️♠️

Nakaupo na sa kama si Spade kinaumagahan nuong binisita siya ni Sol sa Hospital facility ng Ahlssamorte.

Napalingon sa kaniya ang lalaki na kakatapos lamang tignan ang mga sugat niya.

"May sa pusa ka din ano. Ilang beses ka ng kamuntikang mamatay pero heto ka't buhay na buhay."

masungit na bungad sa kaniya ni Sol na sinuklian din ni Spade ng kasungitan.

"Kung may sasabihin ka sabihin mo na."

sagot nito.

"Magpagaling ka. Nakausap ko si Doctor Wun, ang sabi naghilom na mga sugat mo pero hindi pa gaanong puwedeng maisabak sa labanan. Aabutin pa daw ng limang araw para tuluyan kang gumaling."

"O tapos."

"Hindi ka namin binuhay para angasan mo kami ng ganiyan. Kung si Tabbi kaya mong tarayan ng ganiyan, puwes ako hindi. Bibigyan kita ng dalawang araw para ikondisyon ang katawan mo bago tayo sumugod sa Shadow."

tinignan siya ng masama ni Spade.

"Tayo?? sinong nagsabing makikipagtulungan ako sa inyo?"

"Alam mo kung ako ang tatanungin ayoko sayo. Ayaw kitang katrabaho at ayaw kitang kasama."

"Tss. eh bat mo ko sinasama ngayon?"

"Kung di lang dahil kay Tabbi at Lily malamang kinain ka na ng mga pating ngayon. Pero dahil ikaw ang gusto ni Lily na boss namin, sige. Bubuhayin ka namin. Walang mahalaga sakin kundi ang kaligtasan at kagustuhan ng boss namin. Kung ikaw ang mahal niya at gusto niyang makasama,May magagawa pa ba ako? Ang mahalaga na lamang sakin ay makuha si Lily sa shadow at maibalik siya sayo. Dapat nga matuwa ka pa dahil tinutulungan ka naming maibalik siya sayo."

"Bat ako matutuwa? Walang isang salita ang kahit na sino saten kaya bat ako magtitiwala sa inyo?"

"Hindi ka namin pagaaksayahang gamutin at gastusan ng pera para lang traydurin ka. Kung lumaki ka sa Shadow na puro pagdududa ang nasa paligid, puwes ibahin mo kami. Nasa teritoryo ka namin kaya kami ang dapat mong pagkatiwalaan."

THE MAFIA'S LOVE STORY [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now