CH55

381 6 0
                                    

Napakasama ng tingin ni Sol kay Tabbi ng mga oras na iyon dahil nabanggit na niya sa kaniya ang mga bagay na dapat nila ikonsidera.

"Naririnig mo ba mga sinasabi mo ha Tabbi?"

asar na tanong ni Sol sa kaibigan.

"Sinusubukan ko lang naman ibalanse lahat. Aminin mo man saken o hindi, alam kong kaya gusto mong makuha si Lily dahil gusto mong maging lehitimo kang tagapag mana ng Ahlssam at Morte."

"Wala akong planong angkinin amg ahlssam."

"pero Morte meron."

hindi agad nakasagot si Sol.

"Walang pake si Lily sa Mafia. Hindi siya interesado sa mundo natin kaya bakit pa ba natin siya pipiliting umalyado saten?"

"Dahil ibinilin siya saten ng mga Mafia Lord! Kaya gusto kong tuparin yun!"

"Sige. Kukunin natin si Lily, Ililigtas natin siya. Gagamitin natin si Spade. Pero ang kapalit, kay Spade si Lily."

diretsong sagot ni Tabbi kaya uminit ang ulo ni Sol.

"Bakit sa kaniya si Lily? sa atin siya! tagapag mana siya ng ahlssamorte!"

"Ayaw niya sa atin Sol. Ayaw din niya sa mundo natin. Kahit pa makuha natin siya kung  si Spade parin hahanap hanapin niya, wala parin tayong laban. Wala naring pakealam si Spade sa Mafia,ang importante lang sa kaniya ay makasama si Lily kaya walang kwentang pagaksayahan pa natin siya ng oras na patumbahin. Shadow ang kalaban natin hindi si Spade. Kung gusto nating lehitimo at maayos na proseso ang pagangkin natin sa ahlssam at Morte, kailangan nating bawiin si Lily. Kailangan natin siyang ipakilala sa mga tao natin at kailangan nilang makita ng transparent ang paglipat saten ng mga dapat ay sa kaniya."

panunulsol ni Tabbi kay Sol na napaisip.

"Alam nating pareho na iniingatan natin ang mga kinalakihan nating buhay at mundo. Naging mabuti satin sila Boss Abdelrhaman at Boss Leonardo kaya dapat lang na suklian din natin sila ng maganda. Hindi man natin maipakita sa kanila, kahit sa anak lang nila tayo bumawi. Irespeto nalang natin ang gusto ni Lily. Kung gusto niyang sumama kay Spade, wala na tayong magagawa jan."

Hindi umimik si Sol ngunit nagisip ito.

"Ilang araw bago mo gustong makuha ang sagot ko?"

seryosong tanong nito.

"Tatlong araw. Pero mas makakabuti sana kung magdamag mo lamang itong pagisipan. Tumatakbo ang oras, nasa alanganin si Lily sa Shadow."

Napapikit si Sol at napayuko. Pagiisipan niya ng mabuti kung pababayaan na ba niya ang tagapagmana ng Ahlssamorte at ipagkakatiwala sa ibang tao.

♠️♠️♠️♠️♠️♠️

Tahimik na ang paligid. Wala ng ingay at tanging mga huni na lamang ng mga kuliglig ang naririnig ni Lily. Hindi pa nakakauwi si BoE at Vipe galing sa pageescort nila sa cargo shipment kaya naman todo kabado siya dahil walang magbabantay sa kaniya.

Dahil inaantok narin naman na siya, hindi na niya naantay pang dumating sila BoE at Vipe. Agad din naman silang pumapasok sa kwarto niya pag nakarating na sila kaya pakiramdaman na lang niya ang dalawa.

Kakapikit pa lamang ni Lily ng kaniyang mga mata ng maramdaman niyang may nagbukas ng pintuan ng kaniyang kwarto at pumasok.

Gusto niya sanang imulat ang kaniyang mga mata ngunit di na niya nagawa dahil antok na antok na ito.

"BoE?..."

tawag ng dalaga na nakapikit ngunit hindi ito sumagot. Napakunot ang noo nito at iminulat ang kaniyang mga mata ngunit laking gulat niya ng makita niya si Kao Lun na nakatayo sa tabi ng kaniyang kama at napakasama ng tingin sa kaniya.

THE MAFIA'S LOVE STORY [ COMPLETED ]On viuen les histories. Descobreix ara