Sugarbunch 😘❤️: Or, just leave it to me. Ako na ang mag eenroll sayo and your friends.

Ako: huwag na, nandito naman na ako eh. byebye na po, mwa mwa ka sakin! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)

Pumila na ako sa pilihan at nag-hintay na tawagin ako. Umihip ang malakas na hangin dahilan upang tangayin ang iilan kong dalang papel. Napamura ako dahil marami akong bitbit sumabay pa talaga.

Wala pa naman ang mga kaibigan ko dahil nasa ibang lane sila, hindi kami same course, kaming dalawa lang ni Clifford ang sa engineering tapos late pa ang gaga, pero na sa akin na ang papers n'ya. JC wants to take education. Si Sandra, hindi dito mag cocollege, tourism ata kukunin n'ya, si Richel, balita ko gusto n'ya maging Psychologist.

May early enrollment na nagaganap kaya habang mas maaga pa, pumasa na kami ng requirements. Sabi ni Sir Wrath ay sinadya iyon para sa mga susunod na buwan para hindi matatambakan ang mga registrar sa dami ng estudyanteng magpapa-enrolled.

"Here." Nagulat ako dahil may nag-salita sa likuran ko. Inabot n'ya sakin ang nahulog kong mga papers. Agad kong tinanggap iyon.

"Oy, Mr. Ferwell. Thank you!"

"Drop the formality, Cruise will do."

"Sige ba. Engineering rin kukunin mo?"

"Yeah." Maikling guton niya kaya "Ilang months na kayo ni Kuya Grit?"

"H-huh?" Napalingon ako sa mga taong nakatingin at malapit samin.

Sinenyasan ko s'ya na manahimik. Nakuha n'ya naman agad. "Oh, low-key?"

"Parang ganon na nga, shhh ka lang."

"My bad. So, ano na? Ilang months na kayo?"

Wala naman sigurong masama makipag-chismisan ako kay Cruise diba? Magkakilala naman sila ni Sir Wrath. Hindi naman siguro mag-seselos si Sir Wrath kay Cruise? Hindi 'yon. Napatingin ako sa sout n'yang civilian, black trouser and a simple tuck-in white polo shirt.

Matangkad s'ya kaya para sa edad n'yang ito. 17? Pareho lang ata kami ng edad.

Kung nandito lang siguro si Clifford, namamatay na iyon sa kilig. Nasaan na ba s'ya?

"Almost two years."

"Two years?!"

"Oo, and correction we're not officially together yet. Nanliligaw pa lang."

Nalaglag ang panga n'ya at hindi makapaniwalang tumingin sakin. "Kuya Wrath, waited you. . . for almost two years?"

"Oo, bakit?"

"I was just shocked. Si Kuya Wrath kasi 'yong tipo ng tao na hindi nag-seseryoso. But well, I guess he already changed. . . for you."

"Nga pala, kilala mo na ba ako? Bakit hindi ka nagulat na nandon ako sa office ni Sir Wrath noong nakaraan?"

"You're ate Wrena's bestfriend, I often you saw with her in the cafeteria and I had heard about you from Kuya Ravis that Kuya Wrath has a minor girlfriend which is you."

Napatango ako. "Pero, grabe naman sa minor girlfriend."

"You're still minor? 17, am I right?"

I nodded. "Oo, ikaw rin ba?"

"Nah. I just turned 18 last month."

Natigil ang pag-uusap namin dahil tinawag na ako ng registrar. Nakita ko narin si Clifford na papalapit na sa gawi namin ni Cruise. Napatigil s'ya sa paglalakad at dahan-dahang sinuri si Cruise. Unti-unti nanlaki ang mata n'ya at walang ingay na tumili.

Fire Burning Where stories live. Discover now