ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3

Magsimula sa umpisa
                                    

"S-salamat sa tulong mo, at pwede bang pakibantayan ang aking kakambal at hihingi lang ako ng tulong sa loob?"

Kita kong tumango lamang ang batang Miragh habang dahan dahan niyang inilagay sa kanyang kandungan ang ulo nong kakambal ni Zeus.

Agad naman nawala si Zeus na parang bula na ikinalaki ng mga mata ni Miragh.

Hehehe ang cute naman niya magulat.

Hindi ko mapigilang mapahagikhik at hindi ko inasahang muli na ako maka galaw.

Agad naman akong lumapit sa pwesto nila at hahawakan na sana ang pisngi ni Miragh para laruan pero tila naging multo lang ako dahil tumatagos ang kamay ko sa kanyang pisngi.

O.M.G na matay ba ako at pumunta dito sa nakaraang buhay ni Miragh?

Hindi pwede ito dahil sisingilin ko pa ang halik na ninakaw nung damuhong ninja.

"Kahit kailan talaga Miragh ay napaka sagabal mo sa plano ko. Pero ayos narin ang ginawa mo para makuha ko ang loob ni Prinsipe Lawrence at ni Prinsesa Neerya."

Napalingon naman ako sa batang babaeng nag sasalita at nakita ko ang batang Quinta na naka ngisi habang nakahulokipkip.

Naka suot ito ng ibang kulay na damit habang naka taas ang buhok.

So inborn pala ang kapangitan ng mukha niya hanggang ugali?

Agad akong tumayo at lumapit upang tadyakan ang batang Quinta para mabali ang kanyang likod pero kahit anong tadyak ko ay tumatagos lang ang paa ko.

Bwesit naman oh.

Bakit hinayaan pang lumaki ang kapangitan nito.

Nilingon ko ang batang Miragh upang sabihan na siya nalang ang tumadyak sa pangit na Quinta na ito pero puro takot lang ang nakikita at nababasa ko sa kanyang pagmumukha.

Lalo nang dahan-dahang naglakad ang batang Quinta papunta sa kanya at hinila ang kanyang buhok.

"A-aray ate Quinta, a-ang sakit p-.."

Naputol nalang ang ginawang pagdaing at reklamo ng batang Miragh ng sampalin siya ng malakas ng batang Quinta sa mukha.

"Wala kang karapatan na tawagin akong ate dahil hindi kita kapatid isa pa tawagin mo akong Prinsesa, inutil."

Gusto ko tulungan ang batang Miragh dahil pinag sasampal na ito ni Quinta at sinasambunutan pero wala akong magawa dahil tumatagos lamang ang lahat ng mga ginagawa ko.

Nanggi-gigil na ako sa sobrang inis ng umiiyak lamang si Miragh habang pino-protektahan ang kakambal nong itlog dahil tinatadyakan din ito ni Quinta.

Bwesitt talaga, napaka sama ng ugali sarap gilitan ng leeg.

"Hubad at magpalit tayo ng damit. Bilisan mo ang kilos mo, inutil."

Nakita kong hindi agad kumilos si Miragh dahil sa kaka iyak pero agad na naman siyang tinadyakan ni Quinta kaya wala na siyang nagawa kundi ang mag hubad at mag palitan sila ng damit ni Quinta.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon