ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2

Start from the beginning
                                    

"H-huwag m-mo a-akong iwan Rence. Pakiusap."

Agad kong hinatak ang kanyang pisngi papalapit sa akin at siniil ng halik ang kanyang mga labi.

Halos gusto ko na talaga mag diwang sa tuwa ng makomperma kong mahal parin talaga niya ako dahil nakita ko ang pagpikit ng kanyang mga mata at tinugunan ang aking halik.

Nag iinit ang katawan ko dahil hindi ko akalain na ganito na pala ako ka sabik sa kanyang mga halik.

Lalo na at humihigpit ang pagkakahawak niya sa aking bewang.

Kahit ayaw kong putulin ang aming paghahalikan ay kumalas ako upang masabi ko sa kanya ang nais kong sabihin.

"Mahal na mahal parin kita Rence."

Kita ko ang unti-unti niyang pagmulat at nabasa ko sa kanyang mga mata ang pananabik na may pag aalinlangan na nag bigay kaba sa aking dibdib.

"Pwede bang magbalikan nalang tayo, Rence? Dahil alam kong mahal mo parin talaga ako."

Dahil hindi ka naman siguro hahalik pabalik sa akin kung wala na talaga ako sa puso mo at sisiguraduhin ko talaga na sa gabing ito ay muli kitang maangkin ng buo.

Pero halos ilang minuto na ang nakalipas ay nanatili parin siyang tahimik na nakatingin sa akin pero bakit ganon na parang hindi ako ang kanyang nakikita at iniisip kahit sa akin siya nakatitig.

Hindi ko mapigilang masaktan at magalit ng maaisip ko na baka si Xhandria ang nasa isip nito.

Hindi pwede dahil ako lamang ang nararapat sa isang Rence.

Hinawakan ko nalang ang kanyang batok at muling pinalapit sa akin at hinalikan ng mas malalim pa kaysa kanina.

Halos gusto ko na umiiyak sa inis ng wala akong nakuhang tugon mula sa aking mga halik na parang tila hinayaan lamang niya ako.

Kinagat ko ang kanyang pang ibabang labi at hindi naman ako nabigo nang bumuka ang kanyang bibig at gusto ko narin sana ipasok ang aking dila pero bigla nalang niya akong naitulak palayo ng may biglang pumasok ulit sa silid at binalibag ang pintuan.

"Kuya, hindi ka pa ba matutulog? Malalim na po ang gabi, Isa pa po alam kong pagod na pagod po kayo sa nangyari kanina kaya magpahinga na po kayo dahil marami pa po kayong aasikasuhin bukas. At Ikaw naman Quinta kung may delikadisa ka pang natira sa katawan mo ay bumalik ka na sa sarili mong dormitoryo dahil nakakahiya na isang kang Prinsesa pero ikaw yung umataki sa tirahan ng lalaki para lang makipag landian."

Halos gusto ko na patayin si Zia dahil sa kanyang ginawang pang istorbo lalo na at sobrang sama ng kanyang pagkakatingin sa akin.

Wala siyang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan dahil mas matanda ako sa kanya isa pa pambabastos ang giniwa niya uutusan ang kanyang kuya na siyang susunod na mamumuno.

Kahit gusto ko man samaan ng tingin si Zia ay hindi ko magawa dahil kitang kita ako ni Rence at baka iba ang iisipin niya pag gagawin ko iyon sa kanyang bwesit na kapatid.

Tinignan ko si Rence upang magmamakaawa ulit pero parang wala ito sa kanyang sarili dahil sobrang tahimik niya.

"R-rence, d-dito lang ako dahil malalim na ang gabi at natatakot ako bumalik sa aking dormitoryo dahil baka may masamang mangyari sa aki-...."

"Tama si Zia at kailangan ko na matulog para makapag pahinga, Prinsesa Quinta kaya pasensya na at ipapahatid nalang kita kay kuya Haogu para ligtas kang makabalik sa iyong dormitoryo."

Halos dumugo ang mga kamao ko sa kakakuyom ng bigla nalang tumalikod si Rence sa akin at diritso-diritsong naglakad palabas ng silid at hindi man lang tinignan sa mata.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now