🍎 CHAPTER 30🍎

Depuis le début
                                    

"Oh siya, papunta na Ako riyan apo, Ako'y mauuna na sayo iha, tinatawag na Ako Ng makulit Kong apo"

Tumango Ako sa kaniya Bago Siya tumalikod sa pwesto ko ngunit nabigla ako Ng unti unti siyang yumuko sa harapan ng mansion na para bang malaki Ang respeto Niya sa may Ari nito bago sinalubong Ang bata na biglang kumaway sakin, Nakita Kong pumasok sila sa kasunod na Bahay na katabi lang Rin Ng inabandonang mansion.

Hindi ko na gets yong sinabi niya kanina pero nasisiguro kong may masamang nangyari sa Bahay nato dahil Hindi naman to iiwan kong wala! Namatay kaya Ang pamilyang sinasabi Niya? Basi Kasi sa pinakita Niyang emosyon kanina ay mukhang iyon nga Ang nangyari!

Tulad ni Lolo ay niyukuan ko Rin Ang mansion, natatakot Kasi akong baka may multo at Hindi Ako tinatantanan kapag Hindi ko sila nirespeto.

Naniniguro lang!

Bumalik Ako sa dinaanan ko kanina mabuti nalang at kabisado ko pa Ang daan pabalik dahil kung Hindi ay baka dito na Ako mag Umaga, nasa kalagitnaan na Ako Ng daan papunta sa Irish University Ng may maalala Ako.

May sinabi sakin si Sir Angelo.

FLASHBACK

"Mayie! Pwede ba kitang makausap muna?"

"Ano ho yon sir?"  Inilapag ko muna Ang mga bote Bago hinarap si sir Angelo Na seryoso Ang Mukha.

"Kailangan mong sumama bukas Kay Apple, bantayan mo Siya alam mo naman kung anong pinagdadaanan Niya Diba? madalas siyang binabangungot at ayokong mangyari ulit yong nangyari dati na halos mawalan na Siya Ng buhay"

Tumango Ako sa sinabi niya, first time ko pang Nakita si Mi na halos Hindi na Siya makahinga kapag binabangungot, Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan Niya pero ayokong mangyari ulit yong pangyayaring yon, naaawa Ako sa kaniya kaya naiintindihan ko Ang pagmamalasakit ni Sir Angelo sa kaniya.

"At may ipapakiusap sana Ako sayo Mayie"

Napatingin ulit Ako sa kaniya habang nag aalinlangan Ang Mukha na para bang Nagdadalawang isip Siya kung sasabihin ba niya sakin.

"Sana hindi Siya mawala sa paningin mo"

Takang tiningnan ko siya.

"Bakit ho sir? May problema ho ba si Mi?" Hindi ko mapigilan tanong sa kaniya pero umiling lang Siya.

"May mga bagay na hindi niyo na kailangang malaman tungkol sa buong pagkatao niya Mayie, isa lang ang masasabi ko sayo hindi basta basta ang pinagdadaanan niya ngayon hindi ko nga alam kong paano ko siya matutulungan kasi pati ako ay hindi kaya ang sitwasyon niya, sobrang hirap ng pinagdadaanan niya at hindi ko alam kung saan ako magsisimula para matulungan siya Kasi kung Ako Ang nasa kalagayan niya baka kinuha ko narin pati Ang Buhay ko."

Nakita ko Ang pagpahid Niya sa Mukha na para bang umiiyak Siya.

"Sige na Maiwan na kita Mayie"

"Sige ho sir"

END OF FLASHBACK

"Mi! Nandito kalang Pala? Naligaw pa Ako kanina dahil Akala ko nagpunta ka sa bandang yon!" Tinuro ko pa Ang daan kung saan Ako nanggaling.

Nilapitan ko Siya at tumabi sa kaniya na nakaupo sa gilid Ng gate, may Isang bench Kasi Ang nakalagay sa gilid.

Where are you going? I've been waiting for you

Apple's in Boys Section-Part IOù les histoires vivent. Découvrez maintenant