Chapter 43

9.2K 82 4
                                    

Scarlet's POV

"Scarlet! Have you seen LJ?"

Matapos tanggihan ang singsing na ibinigay ni Kyrous ay tumakbo ako palabas ng kwarto nila habang nanlalabo ang mga mata dahil sa nagbabadyang luha.

"Scarlet! I'm talking to you!" iritadong boses ni Anastacia.

Pinunasan ko ang mga luha at marahas na binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "I don't! Pwede ba, 'wag ka munang epal? Nagda-drama ako rito, e!"

"Then where is he? Kayong dalawa na lang ang wala ro'n!"

Hindi ko inaasahan ang pagsunod niya sa akin. Nasasaktan ako kanina pero ngayon, naiirita na ako dahil sa prisensya niya.

"Bakit ba sa akin mo hinahanap ang asawa mo?! Kasalanan ko pang 'di mo siya binabantayan?" 'di ko na rin mapigilang tumaas ang boses.

Kita kong napaglunok niya. Naging malikot din ang mga mata, tila naghahanap ng isasagot.

"D'yan ka na nga!"

Akmang babalik na ako sa harap ng isla kung nasaan ang mga tent namin nang muli niya akong pigilan. "Let's find him!"

"Ikaw na lang!" pagtanggi ko.

"You're his friend! Aren't you concern about his disappearance?"

Doon ako napahinto. Nawawala siya?

"Come on!" Hinila niya ang kamay ko pero hindi ako nagpasunod.

"Wala na siya rito. Umalis na," mahinahong sagot ko. Lumuwag naman ang hawak niya sa akin.

"What?! That impossible, Scarlet. The instructors are not allowing us to leave without permission!"

"Well, baka may permit siya. Ang sabi niya kasi, mag-drop na raw siya," pagkikwento ko at pinagkrus ang braso habang pinapanood siyang magulat. Kumislap rin ang mga mata niyang nasilawan ng araw.

Umiling siya at mabilis na pinahid ang gilid ng mata. "That's not true! He'll not leave me here, alone!" Tinalikuran niya ako at naglakad papunta sa puno para maghanap.

"LJ!" sigaw pa niya, nag-eecho ang boses sa tahimik na paligid. "L-LJ!"

Naiinip ko siyang nilapitan imbes na iwanan. Naalala ko kasi ang sinabi ni LJ sa akin kanina.

"'Pag wala na 'ko rito, pwede bang bantayan mo si Anastacia? Wala na kasi 'yong mga dating kaibigan niya. Kayo na lang ni Lyn."

"Hoy, Ana! Wala nga siya sabi, e!" Hinarang ko siya para pigilang lumayo pa. "Umalis na siya kasi gusto na niyang tigilan ang kahibangan sa 'yo! Napagod na siyang maghintay sa 'yo!" sigaw ko sa kanya, wala nang paki sa lapit namin sa isa't-isa. "At bakit ka naiiyak d'yan? Mahal mo na ba siya?" tanong ko dahil humagulgol ito at napaupo sa harap ko.

"No! I need him! Just like you, I'm am nothing without him." Nang mag-angat siya ng tingin sa akin, nanlilisik na ang mga mata niya sa galit. "Is it you who convince him to leave me? 'Cause if I knew it's you, I swear, I will tell everyone that you are Cara's mother!" Padabog siyang tumayo at pinantay ang mukha sa akin. "I will not let you steal LJ from me."

"Wala naman talaga akong balak agawin na siya sa 'yo," kalmadong sagot ko sa gitna ng kaba dahil sa pagbabanta niya. "Kinakabahan ka bang ako ang ipapalit niya sa 'yo?"

"Of course, not! You're just a cheap slut that is trying hard to steal everthing from me!"

Sa pananalita niya, nakikita ko ang sarili ko dati. Iyong 'di papatalo sa away at tipong gagamitin na lahat ang panlalait para lang manalo.

"Siguro nga. Pero, ano nga ulit 'yong pagkakapareha natin? Parehas tayong... user," pagdiriin ko at tumingin sa paligid na para bang nag-iisip. Halatang gigil na gigil na kasi siya. Gusto kong matuwa pero gusto pang asarin siya lalo.

Desiring His Ruthless WaysWhere stories live. Discover now