Chapter 3

9.8K 114 0
                                    

Scarlet's POV

"Ma, sige na kasi, ibalik mo na!"

Kagabi ko pa pinapakiusapan si mama na ibalik ang iPhone ko. Kinuha niya kasi iyon bilang kaparusahan sa mga bagsak na grado.

"Hindi! Isang buwan kang walang gadgets at walang gala, Scarlet!" pagmamatigas niya at ipinagpatuloy ang paghati ng rekados para sa uulamin namin mamaya.

Napanguso ako at napapadyak dahil sa sobrang inis. "Ma, naman! Kung kailan bakasyon na, tsaka mo kukunin 'yon! Nakakainis ka!"

"Mas nakakainis kang bata ka! Lumayas ka nga rito!" singhal niya pabalik.

Padabog kong tinungo ang living room. Naroon sila Ate Serenity at Kyrous. Nakaupo si ate samantalang nakahiga si Kyrous sa lap nito habang may nilalarong online game sa cellphone.

"Ate, kausapin mo nga si mama. Wala na akong magawa rito sa bahay," naiiyak na pakiusap ko sa kapatid. Napaupo sa couch si Kyrous at napatingin sa akin.

"Ayan ang napapala mo, Scarlet! 'Di bale, mamaya pupunta kaming Mall ni Kyrous. Gusto mong isama ka namin?" alok niya dahilan para umurong ang luha ko.

"O sige!" Napatingin ako sa katabi niya nang magsalita ito.

"Do you want to use my phone?" Kyrous asked and handed me his iPhone.

"Love, ano ba? Grounded si Scaflet! Bawal!" giit ni ate sa boyfriend.

Inilapag ni Kyrous ang iPhone sa ibabaw ng center table at niyakap ang bewang mi ate. "Hayaan mo na, love. Nakakaawa kasi ang kapatid mo," pagpupumilit niya rito.

Tumango si ate. "Isang oras lang," sagot niya sa akin.

"Tatlo na, 'te!" hirit ko.

"Isang oras o isusumbong kita kay mama?"

Napanguso ako at mabilis na kinuha ang cellphone ni Kyrous. Kaparehas no'n ang model na iniregalo nila sa akin ni ate. Kulay itim nga lang at puti ang sa akin.

"Your time starts now, Scarlet. Give me my phone when it's over," Kyrous reminded me before they started became sweet in front of me.

I rolled my eyes and went to my room. I checked Kyrous's photos and scan every albums he has, ignoring those sweet photos with my sister.

"Ang gwapo mo talaga!" puri ko habang iniisa-isa ang litrato niya. Iyon lang ang nagawa ko sa isang oras dahil hindi nakakasawa ang pagmumukha niya.

"Ano ba naman 'yang suot mo, Scarlet? Halatang napakalandi mo r'yan!" bulyaw ni Mama nang makita akong lumabas ng kwarto.

Bumaba ang tingin ko sa suot kong red spagetti strap crop top at denim shorts. "Ma, maganda naman e! Sexy naman ako," pagdadahilan ko at nakuha pang magpose na parang model.

Kinurot ni Mama ang hita at tiyan kong lantad. "Magpapalit ka o 'di kita papayagang sumama sa kapatid mo?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"Magpapalit na," labag sa kaloobang sagot ko at bumalik sa kwarto.

Hindi ko sinunod si mama, pinatungan ko lang ang damit ko ng denim jecket at ibinutones ang bandang ibaba upang matakpan ang puson.

"Tara na, ate! Excited na 'ko," anyaya ko sa kapatid na ngayon ay nakasuot ng puting sleeveless dress na hanggang itaas ng tuhod. Si Kyrous naman ay nakaputing longslevees na nakatupi hanggang sa siko niya at black pants.

Pasimpleng dumaan ang mga mata ko sa gitnang bahagi ng katawan ni Kyrous. Natuyo ang lalamunan ko nang makita ang umbok dito. Nakatuck-in siya kaya malayang nakikita ang parteng iyon.

Desiring His Ruthless WaysWhere stories live. Discover now