Chapter 15

14.7K 87 3
                                    

Scarlet's POV

"Morning!"

Napatigil ako sa pagre-review nang tumabi sa akin si Rave. Nandito na ako sa room namin. Kaninang madaling araw ay nag-review ako pero ngayon ay nakalimutan ko na 'agad lahat kaya inuulit ko na naman.

"Magbabagong buhay ka na, babe?" tukso sa akin ni Rave at kinulong pa ako sa braso niya.

"Oo! Kaya tigilan mo na ako!" Tinulak ko siya at inayos ang suot kong nagulo dahil sa kaharutan niya.

"Ang daya mo naman! 'Di mo 'ko sasamahang bumagsak?" tanong niya.

Ngumisi ako at mayabang na tumango. "Hindi! Kaya kong pumasa."

"Talaga?" Ngayon ay nakangisi na rin siya. "So, ako lang pala ang makakagamit ng mga sagot na nakuha ko sa isang source," deklara niya dahilan para maging aktibo ako at mapatingin sa kanya.

"Alam mo na 'yong mga-?" Pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paglapat ng labi niya sa labi ko.

"Whoo! PDA! Ang aga-aga," reklamo ng mga kaklase namin nang itulak ko si Rave.

"Gago ka talaga," puna ko sa kanya pero humalakhak lang ito.

"Shh ka lang kasi babe. Sa ating dalawa lang 'yon." Muli ay niyakap niya ang braso ko. "Ano, sasama ka na ba sa akin sa pag-angat at pagbagsak?" alok niya sa akin habang itinataas baba ang mga kilay.

"Sige," sagot ko na ikinangisi niya bago sinabi sa akin ang mga plano niya.

"So, boys will be the first one to take the oral quiz. I'll call you to my office one by one. And once you're all done, you will take the paper quiz in unison with Mrs. Latrine," Kyrous announced before he left in our classroom to go in his Office.

"Get ready, babe. Goodluck to us," Rave told me before he fall in line with the boys to follow Kyrous.

'Di ako mapakali habang nakaupo. 'Di ko rin alam kung saan tititingin. Kung sa libro o sa cellphone kung saan ako sesenyasan ni Rave para gawin ang plano naming dalawa.

Rave: Babe, susunod na ako. Mag-ready ka na!

Nang mabasa sa notification ang text ni Rave ay agad kong kinuha ang mga reviewer ko at earpods bago nagtungo sa isang cubicle. Walang tao roon pero malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Sinarado ko ang takip ng bowl at doon umupo.

Sinagot ko ang tawag ni Rave at sinuot ang earpods.

"Good morning, sir!" tinig ni Rave ang unang narinig ko.

"What are the main components of an aircraft?" It's Kyrous's deep and cold voice!

Napahinto ako roon dahil pumasok sa isip ko ang itsura niya tuwing galit.

"Uhmm..."

Bumalik ako sa reyaledad nang marinig ang boses ni Rave. "Can you repeat the question, Sir?"

Binuklat ko ang libro at hinanap ang tanong ni Kyrous. "Foselage, wings, empennage, power plant and landing gear." Inulit ni Rave ang lahat ng sinabi ko pagtapos kong banggitin ang mga sagot.

"Explain them one by one."

Napanguso ako dahil sa sungit ng boses ni Kyrous bago binasa ang libro. "Fuselage is the long hollow tube that holds passenger and cargo..." Huminto ako para pakinggan ang pag-uulit ni Rave sa sinabi ko at muling nagpatuloy. "Wings are generate the lifting force needed for flight."

"Empennage is the tail end of the aircraft. It helps with the stability of the plane and has two main components called the rudder and the elevator."

Pagkasabi n'on ni Rave ay nagsalita na akong muli. "Power plant is-" nabitin sa ere ang sasabihin ko nang marinig na magsalita si Kyrous.

Desiring His Ruthless WaysWhere stories live. Discover now