Chapter 5

8.7K 95 3
                                    

Scarlet's POV

"Hold this."

Hinawakan ni Kyrous ang kamay ko at pwersahang inihawak ang payong sa akin. Umikot siya at pumasok sa loob ng kotse. "Sakay na, Scarlet!" nagmamadaling utos niya.

Tinupi ko ang payong bago sumakay sa tabi niya. Inilagay ko sa ibaba ang payong at agad na niyakap ang sarili nang umihip ang malamig na hangin sa basang katawan ko.

"I'll turn it off," Kyrous uttered and clicked something on a remote of his car.

Kahit nagsimula siyang mag-drive ay palingon-lingon pa rin siya sa akin.

"Are you fine?" He holds my hand that is resting on my exposed leg and drived using only his one hand.

Kung kanina ay nanginginig lang ang katawan ko, ngayon naman ay bumibilis na rin ang pintig ng puso ko. "O-oo," mahinang sagot ko at marahang pinisil ang kamay niya.

Hinayaan niya akong hawakan ang kamay niya hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Ang resulta, mas bumagal dahil ingat na ingat siya sa pag-drive.

"Mabuti naman at dumating na kayo! Pauwi na raw si mama, pumasok ka na sa kwarto mo, Scarlet. Maligo ka at magpalit agad," ani Ate Serenity sa akin bago niya dinaluhan si Kyrous na nabasa rin ang suot.

Hinubad ko ang basang sapatos at binitbit iyon bago pumasok sa loob ng bahay. Nanginginig ang katawan ko nang hubarin ko ang suot at tumakbo patungo sa bathroom para maligo. Nagsuot ako ng hoodie jacket pagkatapos dahil nilalamig pa rin ko.

"Hi, ma!" bati ko sa bagong dating.

"Kakaligo mo lang? Anong oras na, ha?" tanong niya at nanliit ang mga mata.

"Malamig kasi, ma!" sagot ko at tinulungan siyang dalhin ang mga pinamili.

"Bukas na tayo pupuntang Maynila. Mag-impake ka na, Scarlet. Maaga tayo bukas."

Nanlaki ang nga mata ko sa sinabi ni mama. "Sige, ma, mamaya!" Malawak ang ngiti ko at kumuha ng makakain sa maliit naming refrigerator.

"Bakit napa-aga, ma?" kuryosong tanong ni Ate.

"May mahalagang aasikasuhin si Marivel kaya kailangan na ako ng boss namin sa Kompanya."

Nagtungo ako sa living room at nakakrus ang mga hitang kumakain nang mag-isa.

"Scarlet, ito na ang cellphone mo. Nagpaalam ka na sa mga tropa mo."

Napatayo ako at agad na kinuha kay mama ang iPhone na bigay ni Ate Serenity at Kuya Kyrous. "Ma, thank you!" Niyakap ko ang iPhone at muling umupo sa couch.

"Magpakabait ka, ha? Kung hindi, kukunin ko ulit 'yan," banta ni mama bago niya ako iniwan.

Kahit nakabukas pa ang TV ay hindi ko na ito pinansin. Sa iPhone na nakatutok ang atensyon ko. Binuksan ko ang mga social media accounts ko at sinagot ang ilang mensaheng natanggap ngayon at bago pinagdamot sa akin ni mama ang gamit na cellphone ko.

Sa huli ay binuksan ko ang tambak na mga friend request sa Facebook. Inisa-isa kong tinignan ang profile nila at kung nagandahan o nagwapuhan ako ay ina-accept ko na.

"Oh my gosh!" napatili ako nang nakita roon ang pangalan ni Kyrous. Halos mapunit ang labi ko sa kakangiti nang bisitahin ko ang timeline niya.

Nang ma-accept siya ay ni-refresh ko ang timeline niya. Umangat ang kilay ko. Mahigit tatlong daan lang ang friends nito ngunit libo-libo ang followers, likes, comments at share niya. Sorang sikat. Palibhasa, gwapo siya!

Kinalkal ko pa ang ibang post niya dahil wala akong nakitang kahit isang post niyang kasama si Ate Serenity. Binalikan ko ang itaas ng profile niya. "Bakit wala silang relationship status?" kuryosong tanong ko sa kawalan.

Desiring His Ruthless WaysWhere stories live. Discover now