#DJEAChapter20

12.3K 199 33
                                    

Nagising naman ako sa mabibigat na yakap ng mag-ama. Napansin ko na lang  na nasa gitna na ako ng mag-ama. Nasa likod ko si Simeon na nakayakap sa akin habang yakap ko rin si Sancho na nakayakap din sa akin. Para kaming isang pamilya na tabing natutulog.

Hinanap ko naman agad ang orasan sa kwarto ni Simeon at nakita ko nga na alas-kwatro na ng madaling-araw. Kailangan ko ng umalis dito bago sumikat ang araw at bago pa may makakita sa akin.

Dahan-dahan ko namang tinanggal ang braso ni Simeon sa akin. May mahihina pa siyang paghilik. Gumalaw pa ang katawan niya at tumihaya na lang sa paghiga. Sunod kong hinarap si Sancho at hinalikan pa ang ulo niya bago siya ilipat sa tabi ni Simeon. Linagyan ko pa siya ng unan sa gilid para hindi siya mahulog sa kama.

Bumango na ako sa kama at inayos ang buhok ko. Dumiretso pa ako sa banyo para magpalit ng damit. Iniwan ko na lang ang ginamit kong damit ni Simeon sa banyo. Sinilip ko pa ang mag-ama na himbing pa rin sa pagtulog.

Naglakad na ako papunta sa pinto at binuksan ito, sinilip ko muna ang labas kung walang tao. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil madilim pa ang bahay. Lumabas na ako ng kwarto at balak kong tunguhin ang bodega ng pinanggalingan namin ni Simeon kagabi para roon ako baba at tatagos sa kusina nila palabas sa likod bahay.

Saktong pagsara ko naman ng pinto ay siyang pagsulpot ng isang lalake sa may hagdanan. Nagtama ang tingin namin at nakadama ako ng takot dahil nahuli ako na lumabas sa kwarto ni Simeon ng kung sino mang ito. Ito na ang sinasabi ko kay Simeon na delikadong mahuli ako rito.

Kahit madilim ang paligid ay kita ko ang pagtataka sa mukha niya. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa akin at sa pinto ng kwarto ni Simeon. "Sino---"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinenyasan ko na lang siya ng h'wag maingay. Tinaas ko pa ang dalawang braso ko at lumapit sa kanya. "Hindi po ako masamang tao." Halos pabulong kong sambit sa kanya. "K-kaibigan lang po ako ni Ginoong Simeon. Delikado na ho kasi kagabi kaya dito na niya ako pinatulog. Kailangan ko na pong umalis."

Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa bago ako muling tignan sa aking mga mata. Kita ko naman na puyat siya dahil ngayon pa lang siya uuwi at matutulog. Lumingon pa siya sabay turo sa hagdan sa likuran niya.

"Halika, sasamahan kita palabas para maisara ko pa ang pintuan." Paanyaya niya sa akin.

Tumalikod na siya at nagsimula nang bumaba ng hagdan. Napabuntong-hininga naman ako at sumunod na lang sa kanya. Base sa itsura niya, mukhang nakababatang kapatid siya ni Simeon. Pareho silang matangkad, ang pinagkaiba lang ay mas maliit ang katawan niya kaysa kay Simeon. Siguro ay mas matanda lang siya sa akin ng ilang taon.

Dumiretso pa kami sa kusina at binuksan niya ang pinto sa likod ng mansion. Gumilid pa siya at hinarap ako. "Alam mo na ang daan? Mas ligtas kung sa bungad ka na lang dadaan kesa sa batis."

Umiling naman ako sa kanya. "Sa batis lang po ang alam ko."

Tumango naman siya at hinubad ang suot niyang tsaketa sabay abot nito sa akin. "Isuot mo 'yan. Malamig ang madaling araw."

"Hindi na po, kayo ko naman po." Pagtanggi ko naman.

"Para hindi ka rin makilala ng mga tao." Makahulugan niyang sagot sa akin.

Napalipat naman ang tingin ko sa kanya at sa tsaketang inaalok niya sa akin. Wala naman akong nagawa kung hindi kunin ito at isuot. Habang sinusuot ko ang tsaketa niya ay napa-angat ang tingin ko sa kanya dahil isinuot niya sa akin ang sumbrero niya. May alam ba siya sa amin ni Simeon?

"S-salamat..." Nahihiya kong sambit sa kanya.

Tumango lang siya at sinara lang ang pinto bago muling maglakad. Sumunod lang ako sa kanya. Madilim pa rin ang paligid pero mukhang kabisado niya ang daan sa kabila ng dilim.

Daddy Juan: El AdulteroWhere stories live. Discover now