#DJEAChapter9

14.9K 214 24
                                    

"M-mayor Simeon..." Bulalas ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalakeng nakatayo sa bintana.

Noong una ay tinatanggi pa ng utak ko kung sino siya dahil baka namamalikmata lang ako. Dahil huli siya sa listahan ng mga lalakeng iniisip ko bilang si Daddy Juan. Pero, hindi ako nagkakamali sa nakikita ko, si Mayor Simeon ang lalake sa loob ng kwartong ito.

"K-kayo po si Daddy Juan?" Tanong ko pa sa kanya.

Nag-iwas siya agad nang tingin sa akin at napayuko na tinignan lang ang sahig sa harapan niya. Ilang beses siyang huminga nang malalim na para bang balisa siya dahil nakilala ko siya. Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko pero hindi ko magawang sabihin dahil isang bagay lang ang pinaka-gumugulo sa utak ko, bakit siya ang lalakeng tutulong sa akin sa ganitong paraan?

Pamilyadong tao si Mayor Simeon, kilala ko ang anak niyang si Sancho at ang matalik niyang kaibigan na si Ginoong Gonzalo. Hindi lang iyon, ama siya ng bayan ng La Consolacion. Ilang beses na kaming nagkakasalamuha ni mayor, mabait siya sa akin at tinuturing ko siyang isang kuya na mapagbiro. Pero, ano 'tong pinasukan niya at ako ang pinili niya?

"Mayor...bakit?" Banggit ko ulit sa kanya.

Unti-unti namang umangat ang ulo ni mayor at napatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang mga mata niya. Hindi ko alam kung nagsisisi ba siya, hindi ko alam kung takot ba siya sa akin, hindi ko alam kung malungkot ba siya. Ewan.

"Clara..." Tawag niya sa akin at umalingawngaw ang boses niya sa loob ng maliit na kwartong ito.

Isang salita lang ang binanggit niya pero nanuot sa pagkatao ko ang boses niya. Sa totoo lang, may kakaibang pakiramdam sa akin sa tuwing tinatawag niya ako sa pangalan ko. Parang ang ganda-ganda ng pangalan ko sa tuwing naririnig ko iyon sa bibig niya.

Napakuyom naman ang kamao ko dahil pakiramdam ko ay trinaydor ako ng isang taong hindi ko lubos akalaing gagawin sa akin ito. Alam kong tinanggap ko ang kasunduan na ito pero hindi ko lang inaasahan na si Mayor Simeon ito. Dahil buong akala ko ay panatag ako sa kanya.

Humakbang na si Mayor Simeon palapit sa akin at nakatangin lang ako sa mga mata niya hanggang sa huminto siya sa harap ko. Napatingala ako sa kanya dahil mas matangkad nga siya sa akin. At dahil nasa harapan ko na siya kaya mas amoy ko ang pabango niya.

Sinubukang ngumiti ni Mayor Simeon pero seryoso pa rin akong nakatingin sa kanya dahil hindi niya ako madadaan sa pa-pogi niya! Iyong laging paghingi niya ng pabor sa akin sa munisipyo dahil lagi niya akong ginagamitan ng pagpapa-pogi ay hindi uubra ito sa akin ngayon.

"Clara, alam kong nabibigla ka sa mga nangyayari pero ipapaliwanag ko ang lahat sa'yo. H'wag dito, dadalhin kita sa tutuluyan mo, sa tutuluyan natin. Doon ko ipapaliwanag sa'yo ang lahat." Sambit niya sabay lahad ng kamay niya sa harap ko para ayain na akong umalis dito sa kwarto.

Napatingin naman ako sa kamay niya. Ilang beses ko ng nahawakan ito, at hindi ko itatanggi na may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing nahahawakan ko ang kamay niya. Iyong init ng kamay niya ay nagdudulot ng lamig sa pagkatao ko.

Muli naman akong tumingin kay mayor na hindi pinansin ang inaalok niyang kamay. "Bakit ako sasama sa taong pinagkatiwalaan ko pero ginawa sa akin ito?"

Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Huminga naman siya nang malalim bago muling magsalita. "Clara, bigyan mo naman ako ng pagkakataon magpaliwanag. Inaasahan ko ng magiging ganito ang reaksyon mo at masasaktan ka dahil sa uri ng scholarship na ina-alok namin. Pero pangako, ginagawa ko lang ito para tulungan ko at para mas makasama pa kita."

Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa huling sinabi niya. "M-makasama ako?"

Napatitig naman sa mga mata ko si mayor bago tumango-tango. Humawak pa ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi niya at hinaplos ako roon. "Oo, ang makasama ka, Clara. Iyong magkaroon tayo ng oras na dalawa, iyong maging akin ka."

Daddy Juan: El AdulteroWhere stories live. Discover now