#DJEAChapter8

13.9K 221 31
                                    

"Daddy Juan?" Taka kong tanong sa kausap ko. 

Tumango naman ang matandang lalake na nakasuot ng itim na amerikana na halatang isang mayaman na negosyante. "Siya ang handang tumulong sa iba mo pang gagastusin sa Elyxium University, Binibining Clara. Alam mo naman na siguro na hindi basta-bastang unibersidad ang Elyxium. Mamahalin siyang paaralan kaya hindi kakayanin ng munisipyo na suportahan ng buo ang mga gastusin mo. Kaya kahati ang Daddy Society sa magiging gastusin mo at ang isang magiting na ama ang handang tumulong sa'yo, at iyon ay si Daddy Juan." 

Ang tagal kong inisip ang mga pagpapaliwanag ng kausap ko, hindi naman ako maliwanagan. Pero tama naman siya, hindi nga basta-basta ang gastusin sa Elyxium. Sagot ng munisipyo ang matrikula at ilang pangbaon ko pero dahil mahal sa Elyxium, kaya kailangan ko pa ring magtrabaho sa munisipyo para matustusan ang iba pang gastusin gaya ng mga libro, iba pang gamit, at mga proyektong aking gagawin.

Muli naman akong napatingin sa kausap ko. Wala naman akong magagawa dahil kung gusto kong makapagtapos ay kailangan ko talaga ng tulong ng Daddy Society. Ang panget lang kasi ng pangalan ng samahan nila. Ano iyon? Samahan ng mga tatay? 

"Ano po ang mga tuntunin sa Daddy Society na dapat kong sundin para sa scholarship na ito?" Tanong ko pa.

"Simple lang," Sambit niya sabay ngisi. "Aalagaan mo lang ang daddy na tutulong sa'yo."

"Aalagaan?" Pagtataka ko naman. "Ano po ba siya? Lumpo o may malubhang kalagayan?"

Natawa naman ang may katandaan ng lalake dahil sa sinabi ko. Ano'ng nakakatawa do'n e nag-aalala nga ako dahil aalagaan ko pa iyong daddy na tutulong sa akin? Malay ko ba'ng kaya niya tutustusan ang pag-aaral ko ay para ang kapalit ay alagaan ko siya. At kung magpapa-alaga pa siya sa iba, ibig bang sabihin ay wala siyang pamilya? Ang dami ko namang tanong.

Kumalma muna ang kausap ko bago niya ako sagutin. "Hindi siya iyong tipikal na daddy na nasa isip mo, Binibining Clara." Natahimik siya saglit para titigan ako na para bang sinusukat niya ang mga salitang babanggitin pa niya. "Alam kong mabibigla ka sa mga sasabihin ko pa, Binibining Clara. Ang ibig sabihin na aalagaan mo siya ay magkakaroon kayo ng relasyon ni Daddy Juan. Mananatili ang ganito niyong relasyon sa loob ng apat na taon at matatapos ito kapag ikaw ay nagtapos na sa kolehiyo. Kapalit ng pera ay ang pag-aalaga mo sa kanya."

Napakurap naman ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Ibig sabihin ay hindi lumpo o may sakit ang Daddy Juan na tinutukoy niya. Ang ibig sabihin ng aalagaan ay magkakaroon kami ng isang relasyon? Ako ay magkakaroon ng isang relasyon sa may edad na lalake? At bakit ganito ang panuntunan para sa scholarship nila?!

"Pero ang relasyon ay para lang sa taong nagmamahalan..." Sagot ko naman sa kanya.

Bakit naman nila kami ipapasok sa isang relasyon na wala naman kaming pag-ibig sa isa't isa. Pwede ba 'yon? Aarte lang kayong magnobyo-nobya kahit hindi niyo naman mahal ang isa't isa? Sabagay, ilang taon mula ngayon, may mga taong magmamahal kahit hindi sila mahal ng taong mahal nila. Lol.

Sinubukan namang ngumiti ng kausap ko at napatango-tango. "Iyon na nga ang maganda, Binibining Clara. Hindi kayo pwedeng mahulog sa isa't isa para matapos ang apat na taon ay madali niyong matatapos ang relasyon niyo. Sa loob ng apat na taon, magtuturingan lang kayong magnobyo, gagawin ang mga ginagawa ng magkasintahan pero hindi talaga kayo magmamahalan. Iyon lang ang tangi mong gagawin, ang magpanggap na nobya kay Daddy Juan."

Hindi ko pa rin maunawaan ang mga sinasabi niya. Naguguluhan pa rin ako. Talagang ipipilit nila ang pagiging nobyo-nobya namin kahit hindi namin mahal ang isa't isa? Na para bang nasa isang tanghalan kami at nagpapanggap lang na may relasyon? 

Napabuntong-hininga naman ako. "Gagastusan niya ako para maging isang nobya kahit hindi ko siya mahal? Hindi po ba parang may mali?"

Umiling naman agad ang lalakeng kausap ko. "Hindi mo mauunawaan sa posisyon ni Daddy Juan pero sa gagawin mo ay mapapasaya mo siya. Ikaw ang kailangan niya sa panahong hindi siya maayos, at hindi siya masaya."

Daddy Juan: El AdulteroWhere stories live. Discover now