CHAPTER 38 - Selene's Confession

30K 726 1.1K
                                    

Warning: R18. Read at your own risk. Sulitin niyo na. 🙂

"I hate my parents." Cypress spat out randomly.

Napatingin ako sa katabi ko na bumibili ng taho habang nakahanda ang aabutin n'yang bayad sa nagbebenta. Nandito kasi kami ni Cypress sa Quiapo dahil sabi ko sa kanya ay mag-date kami dahil wala namang pasok ngayon.

Eh ayoko naman sa mga expensive restaurants. Nakakasawa kaya, I wanted to try new things like this.

"You— what?"

"I hate my parents." She repeated.

"W-What do you m-mean?" I can't understand what she's trying to say right now. She's so random and I got worried about what she suddenly uttered. "We should go, malalate na tayo sa first mass."

"Here, you like this Filipino silken tofu, right?"

"Yes, thank you, my love." Malawak ang aking ngiti habang tinatanggap ito sa kanya. Naglakad kami habang iniinom ang taho na binili namin. "What do you mean about the uhm- I hate my parents thing?" I asked, careful with my words.

"Oh, you mean what I said earlier?" She moved her head sideways to look at me with her lips stretched into a thin line.

"Yes." I answered and looked around with my hands covering the top of my eyes from the rays of sunshine emitting towards me. There are also a lot of people here and they also sell a lot of items like different kinds of food and clothes.

Mamaya ay pupunta kami ng Intramuros dahil malapit lang raw yun dito.

"Nothing. Just forget about it."

"Varsha!!!" I called her name to complain. "Alam mo naman siguro na nalimutan ko na halos ang nakaraan mo, bakit ba ayaw mong ulitin pa muli ang kuwento mo sa akin?"

Kumunot ang aking noo at ngumuso. Wala s'yang sinabi at tumawa lamang ng mahina, grabe, kahit ang munting pagtawa lamang niya ay sobrang gandang pakinggan, nakakapang-hina ng tuhod.

Nakakakilig.

Hinalikan nito ang aking kamay at bumulong. "Soon, love, I'll tell you."

I pouted and grumbled. I walked away and stick out my tongue in a mocking way at her. Hindi ba niya alam na bigla akong nag-alala sa kanyang binigkas?

"Love, don't walk too fast! You're leaving me behind!"

Hindi ko s'ya pinansin at patuloy lamang sa paglalakad, ang aking mga braso ay naka-krus.

Tatlong linggo na ang nakakalipas matapos kong buksan ang regalong hindi ko inaasahang matanggap, hindi ko tinext or pinansin ang number na binigay nito sa'kin kahit nakakatukso.

Hindi ako mag-sisinungaling pero ang pangyayaring iyon ay hindi ko pa rin maalis-alis sa aking isipan; lahat ng mga salitang nakatala sa sulat na iyon ay nakakalito at hindi kapani-paniwala.

Hindi kapani-paniwala? Or do I just refuse to accept it?

I mean... who the fuck is my mother? Iisa lang naman ang nanay namin ng ate ko. Imposibleng ako ay isang ampon sa kadahilanang magka-mukha kami ni ate Alex na halos kami ay parang pinag-biyak na bunga.

Parehas din naming nakuha ang aming magagandang mala-berdeng mga mata sa aming ama.

Kaya... ano ang ipinaparating ng sulat mula sa regalo na iyon?

Sino rin ang estrangherong nagsulat no'n?

Wala muna akong balak alamin ang totoo sa ngayon, pero unti unti akong binabalot ng sakit ng ulo habang iniisip ang puntod na sinasabi ng taong 'yon?

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Where stories live. Discover now