Kabanata 02: Aqua City

30 3 0
                                    

RAMDAM ko ang kabog ng dibdib ko habang tumatakbo kami papalabas ng mansyon. Surprisingly, bukas ang main door namin at doon, may nakita akong isang lalaki na may hawak din na shotgun.

"Baba!" sigaw niya ng seryoso so we ducked and as soon as we did, he pulled the trigger of his shotgun.

'BANG'

'BANG'

'BANG'

Mula sa likod ko, narinig ko ang pagsigaw ni Candace at paglingon ko, nanlaki ang mata ko kasi one inch ang layo niya sa akin which means, she almost dragged e!

"Takbo!" sigaw 'nung lalaki. Dali-dali kami na tumayo saka tumakbo.

Tumakbo kami palabas at ito ang pinakaunang beses na nakalanghap ako ng hangin sa labas pero hindi ko maenjoy, knowing that a monster is after us.

"Magtago tayo sa emergency underground" sabi ng dad ko. Sinundan namin siya sa garden at sa may gilid, biglang bumukas ang pintuan.

Ano pa ba ang mga tinatago ni papa mula sa'kin? Once na safe na kami, marami akong itatanong sa kanya.

My dad, the stranger and I jumped inside with no hesitation. We landed on something soft. Foam siguro. Makes me wonder kung bakit hindi nilagyan ng hagdanan.

As soon as my dad closed the door, biglang nag auto-switch ang ilaw. My eyes widened after seeing the place. Hallway siya na gawa sa bakal at may nakita din ako na ventilator para makahinga kami sa ilalim.

I faced my father and asked, "Dad, ano ang nangyayari sa labas? Who is that monster?"

"She's...she's your elder sister" sabi niya in almost a whisper. To say that I was surprised is an understatement.

"Pero dad! Akala ko ba, only child ako? Tinago mo ang ate ko?!" gulat kong sabi.

"Hindi ko sinabi sa'yo dahil hindi na siya normal at ayoko na mapahamak ka." paliwanag niya.

"Kailan pa? Kailan pa siya naging.. ganun?" ramdam ko ang mga luha na nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. Ito ba ang nangyayari sa labas kaya ganun ka-strikto si papa?

"10 years ago, nagsimula ang isang virus breakout at unfortunately, nakagat ang ate mo ng isang infected," panimula niya habang iniisip ang nakaraan. Kita ko ang sakit at lungkot sa mukha niya and I stayed silent. "Gusto niya na paslangin ko siya pero hindi ko magawa kaya ikinulong ko na lamang siya sa ilalim ng basement at umasa ako na baka may gamot na madevelop pero sa kasamaang palad, wala pa din hanggang ngayon."

"Dad...I'm sorry you had to go through the pain and sadness," sabi ko din ng malungkot. "How about si mama? Asan na siya?"

"She was infected too at bago pa siya mawala sa katinuan at maging fully infected, she ..." kahit na hindi niya naituloy, alam ko kung ano ang sasabihin ni papa. We both burst out into tears as we landed on our knees.

Maya-maya ay biglang tumayo si papa. "I made my final decision."

Tumayo din ako. "Anong final decision? Dad, ano ang gagawin mo?"

"I...I am going to end your sister's life." sabi niya. Ang sakit pakinggan non pero alam kong mas masakit para sa magulang na nasasaktan ang anak nila and worse, sila ang papatay mismo sa anak nila.

The stranger suddenly stepped in. "Kaya mo ba?" agad akong napatingin sa kanya. I almost forgot about him. "Kaya kong gawin 'yun, kung hindi mo kaya. We need to end her bago siya maging high level na infected."

"High-level?" pag-ulit ko. "What do you mean?"

"'Yun ang pinakamataas na evolution ng infected meaning, mas malakas sa low and mid type at mas mahirap talunin ang ganoong uri," paliwanag niya. "Kung papaabutin pa natin 'yun, baka tayo ang mawala."

"Kaya ko," sabi ni papa. Tumingin siya sa estranghero.

"Jake, ikaw na ang bahala sa anak ko. Dalhin mo siya sa Aqua City."

"What? Pa! Anong gaga —"

Bago pa man ako umapela, I felt a chop on the back of my neck and everything went black.

☠ 

NANG IMULAT ko ang aking mga mata, ang una kong nakita ay ang hindi pamilyar na puting kisame. Bumangon ako mula sa malambot na kama kung saan ako hinihigaan at minasahe ang aking sentido, habang pilit na inaalala kung ano ba ang nangyari sa akin bago ako mapadpad sa lugar na ito. Habang sinusubukan kong alalahanin, nagsimulang sumakit ang ulo ko kaya hindi ko pinilit ang sarili kong mag-isip.

Bumaba ako sa hinihigaan kong kama at inunat ang katawan habang nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ito. Nagulat ako nang makita ko ang nasa kabilang parte ng pinto ng kwarto.

Paglabas ko, nakita ko ang isang napakalaking aquarium na may mga sirena na lumalangoy.

'Saan ang lugar na ito?'

Sa pagkakaalala ko, tumakas ako sa aming mansyon at nang makapasok ako sa basement, nakita ko si Candace, ang hindi ko alam na kapatid ko na ngayo'y isa na ding infected. Nang nakaalala ko, hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko sa lungkot.

'Makikilala ko na nga lang ang kapatid ko, sa ganung sitwasyon pa,'

Then I found myself sobbing like a baby. Sa pagkakatanda ko, hinabol kami ni dad ng kapatid ko at napadpad kami sa loob ng garahe ng mansyon. Pagkatapos ay dumating si Jake para iligtas kami. Didn't take long before I remembered that Jake chopped the back of my neck, making me unconscious.

"That little –why did he do that?! At nasaan ang tatay ko?! Kailangan kong mahanap ang tatay ko!" Pinunasan ko ang mga luha ko. Wala akong mapapala kung magmumukmok ako dito. I need to find my dad. He's in trouble, that's for sure.

Nagsimula akong mag-jogging nang hindi sinasadyang may nabunggo ako. Babagsak na sana ako sa lupa pero isang pares ng malalakas na braso ang sumalo sa akin at tinulungan akong tumayo.

"Hindi ba ikaw ang dinala ni Jake dito?" sabi sa akin ng isang lalaking may itim na kulot na buhok. Biglang pumasok sa eksena ang isang babaeng maikli ang buhok, na mukhang kasing edad ko.

"Oh, she's awake," reaksyon ng dalaga at ngumiti.

"Mukhang kilala mo ako. Sino ka?" tanong ko habang papalayo sa binatang ito na sumalo sa akin bago ako nahulog.

"I'm Orion and this girl next to me is Tessa," nakangiting pakilala niya. "Kami ay mga kaibigan ni Jake at hiniling nila sa amin na bantayan ka."

"Nasaan ako?"

"Nasa Aqua City ka," tugon ni Tessa. "Nasa ilalim ka ng dagat."

☠ 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The InfectedWhere stories live. Discover now