"Ang pogi pa ni Tito!" Napangiwi ako sa sinabi ni Joy. "Siguro maraming nagkakagusto sakanya noong kabataan pa sila."

"Huwag mong iparinig kay Papa, Joy, baka lumaki ulo." Sabi ko sabay tawa. Nakipag-apir pa ako sakanya.

"Narinig ko 'yon!" Nagtawanan ulit kami ni Joy sa sigaw ni Papa na ngayon ay kausap ang mga iba kong kaklase na mga lalaki.

"Pinsan mo 'yon? Ang pogi, shit!" Hinila ni Janela ang kamay ko at tinuro si Kuya Joshua.

Pinsan ko sa side ni Mama. Close rin kami n'yan. Binati nya ako pag-pasok nila tapos ay dumiritso sila sa kabilang side ng living room. Katabi n'ya si Jefferson, kapatid n'ya. Magkasing-edad lang kami ni Jefferson.

"May jowa na si Kuya Joshua, katabi n'yan single pa. Jefferson Frenz Hendoza. Add mo sa facebook." Sabi ko.

Tuwang-tuwa naman sya habang tinatype ang pangalan ng pinsan ko. Magaganda talaga ang mga lahi namin. Kanya-kanya ng chismisan ang mga tao sa loob. Ang ingay. Ang iba mukhang nag-kakamabutihan na, nagpalitan ng mga social media accounts.

Natanaw ko si Wrena sa labas ng bahay kay nagpaalam ako saglit sa mga kaklase ko para sunduin s'ya. Ang ganda n'ya! Parang sya pa ang may birthday kesa sa akin. Pero mas maganda parin ako.

Pinagtitinginan tuloy s'ya ng iilang tao sa labas. Ang iba ay napatulala pa at nagbubulungan.

"Wrena girl, dito!" Napalingon naman sya sakin at ngumiti. May sinabi pa sya sa mga bodyguards n'ya bago ito tumalikod at bumalik sa sasakyan na dala nila. Bitbit nya ang regalo nya. Tatlo iyon, ang dami.

"Happy birthday, gorgeous from above! Oh God, why the hell are you so pretty!" Nakaka-agaw pansin sya sa iba.

Tinaasan ko sya ng kilay. Himala ang hindi bitch ang tawag sakin!

"Pretty mo mukha mo, inuuto mo lang ako kasi birthday ko. Parang ikaw ang may birthday sa sout mo, nahiya kapa, sana nag long gown ka nalang, beh."

"Hindi ah, ang ganda kaya ng ayos mo today! Sa sobrang ganda mo mapapatulala ang kapatid ko. Speaking of kapatid, nandito naba si Wrath?" Umiling ako. "Ay, hindi sya pupunta?"

"Hindi ko pa alam, wala pang reply eh."

"Bawas pogi points! Hanap ka ibang chupapi, sis."

"Ayoko. Sa Kuya mo lang ako, bleh."

Umakto syang nasusuka. "Eww!"

"Ang OA parang hindi nagkagusto kay Razrence Cansicio." Ganti ko.

She rolled her eye. "By the way, here is my gift. Where's Tito and Tita? May gift din ako for them."

Ay taray, ako lang naman ang birthday, bakit pati Mama at Papa ko mayroon din?

"Nasa loob nakikipagdaldalan. Alam mo naman ang mga iyon, super talkative. Marami narin kasing tao sa loob."

"Yeah, I know. May pinag-manahan ka nga talaga. Sa daldal mo ba namang 'yan."

Aminado naman ako na madaldala ako kaya hindi ako nainsulto. Talent iyon. Gift from above ang pagiging madaldal, dapat proud tayo.

Hawak kamay kaming pumasok sa loob. Lumapit naman si Papa at Mama ng makita nila si Wrena. Pinagtitinginan si Wrena ng mga tao sa loob dahil talaga namang nakaka-agaw pansin ang dalagita.

"Hija, anak, buti nakapunta ka!" Tuwang-tuwa tuloy si Mama. "Thank you! Nako nag-abala kapa." Nahihiyang sabi ni Mama nang iabot na ni Wrena ang gift n'ya.

"Sus, hiya ka pa mahal-aray!" Nagtawanan kaming apat sa sinabi ni Papa. Talaga naman 'tong Tatay na ito. "Salamat dito, Wrena."

"Small thing, Tito." Maikling guton ni Wrena.

Fire Burning Where stories live. Discover now