Chapter 15

45 10 0
                                        

Kashienne's Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kashienne's Point of View

Maaga akong nagising—gumising para ihanda lahat ng gamit ko. 3:30 AM palang ay inaayos ko na ang damit na susuotin ko at ang mga dadalhin kong gamit mamaya. Ngayong araw na ang pasukan namin kaya naman hindi ako magkanda-ugaga sa pagpili ng susuotin. Wala namang uniform ang college kaya kahit ano pwede isuot, maliban nga lang sa croptop, tank top, at kung ano-ano pang maiikling damit na kita ang tiyan. Bawal din ang sobrang ikling palda, mid-waist ay pwede pa. Pwede namang maxi dress kung gusto mong agaw-atensyon ka.

Hindi naman ako ganoon kaya mag t-shirt lang tayo.

"Ito nalang kaya?"

Kinuha ko 'yong sky blue na v-neck shirt sa pinakailalim ng durabox. Siguro ito nalang ang susuotin kong pantaas. Kakulay ito ng building namin tapos ang cute pa ng design. Pusa kasi ang nakaprint sa damit na may hawak na lobo tapos may hearts pa na nakapalibot. Maong pants naman ang gagawin kong pambaba.

Ayos na siguro ito.

Tumayo ako nang matapos ko ang inaayos. Nag-stretching lang ako nang kaunti dahil nangalay ako kakakalkal ng damitan ko. Balak kong magluto ng almusal namin ngayong umaga. Alas otso pa naman ang pasok ko at sure na tulog pa sina Mama at Kuya.

Bumaba na ako sa kusina. Dala ko rin ang cellphone ko para may music akong papakinggan habang nagluluto. Random na playlist ang pinili ko sa youtube para maiba naman. Hininaan ko ang sound, 'yong sakto lang na maririnig ko at hindi aabot sa taas para wala akong mabulabog.

Now playing: Antukin by Rico Blanco

Binuksan ko ang ref at tinignan kung anong pwedeng lutuin. May nakita akong tapa at isang dosenang itlog.

Hmm. Ito nalang siguro.

Kumuha ako ng anim na itlog at 'yong pack ng tapa. Tapsilog nalang ang lulutuin ko dahil may tirang bahaw pa naman kami kagabi. Baka masayang lang kung hindi ko isasangag.

Sasalubungin natin ang kinabukasan.
Nang walang takot at walang pangamba.
Tadhana'y mayro'ng trip na makapangyarihan. Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, palaging mayro'ng paraan.

Sinasabayan ko ang kanta habang nagpiprito. Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang kanta ni Rico Blanco. Parte siya ng bandang Rivermaya. Bihira lang akong makinig ng OPM songs dahil puro kanta lang ni Taylor Swift ang pinakikinggan ko. Ewan ko ba kung bakit. Halos lahat naman ng kanta niya tungkol sa Love na 'yan at sa naging ex-boyfriend niya. Although, hindi naman lahat ng kanta niya ay tungkol doon. Isang beses ko lang napakinggan ang kanta ni Avril Lavigne, Complicated ang title no'n. Parang buhay lang, it's complicated. Ang hirap tuloy.

Long as we stand as one, ano man ang ating makabangga. Nothing will ever break us. Wala talaga, as in wala.

Unti-unti kong naiintindihan ang liriko habang dinadama ito. The song Antukin talks about love without boundaries within, love without begging them to love you, love that can make you feel safe and comforted, and the person who will always make a way for you. Ang ganda lang isipin na ganito ang ipinapahiwatig ng kanta. Lalo na 'yong gagawa siya palagi ng paraan para sa 'yo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Equation Where stories live. Discover now