Chapter 12

103 5 0
                                    

"Baklaaaaaaa!" kulang na lang magtakip ako ng tenga ng marinig ko ang boses na yun.

'Anak ng tokwa bakit ba sobra ingay nito'

"Hoy bestie kanina pa kaya kita tinatawag iniignore mo ako hmpp!" nakanguso nitong sabi sakin.

"Ashley noon bang baby ka may nalunok ka like-" paputol ang sasabihin ko ng magsalita ulit ito.

"Like what"

"Megaphone or speaker something like that"

Nakita ko sumimangot ang mukha nito hindi ko alam pero nataranta ako dahil doon.

"K-kasi ano ahmm... napansin ko sobra ganda ng boses mo sa tuwing tinatawag mo ako grabe ang parang high notes ahh e-ehem ganun n-nga" nakangiwi kong sabi dito.

"Talaga ba? hihi alam mo kasi nagbabalak talaga ako sumali sa singing contest buti napansin mo bestie! " masigla nito saad sakin.

"Oo tama yan sumali ka sa singing contest magaling kang sumayaw eh" pabulong bulong.

Pero mukha pinagsisihan ko ang sinabi ko dahil nagsimula na sya magpractice sa harap ko. Gusto kong matakip ng tenga.

'Mahal ko sya bilang kaibigan ko pero ang panget talaga ng boses nya hayss'

Sana naman hindi mabadag ang eardrums ko. Napabaling ang tingin ko sa cellphone ko ng makita ko itong umiilaw.

From: Unknown

Good morning ali nagbreakfast kana ba?  Pupunta kami dyan sabay tayo kumain ha. See yah mwahh❤.

Ali? Baka wrong send.

"Hi mga Kuy's" nakangiting bati ni ashley

"Hmm grabe bosee mo lil sis nasa hallway pa lang kami rinig na rinig ka na"

"Sorry kuya pinapractice ko lang yun boses ko sasali ako sa singing contest." nakangiting nito sabi

"Arrrkk Aano nga yun" halos sabay sabay silang nasamid dahil sa sinabi ng kapatid nila

'HAHAHAHA ang epic sayang hindi ko napicturan'

"Sasali nga ako sa singing contest"

"Alam mo ashley mas ano amm mas magaling kang sumayaw t-tama sumayaw ka na lang diba mga pre"

"Oo sayaw ka na lang mas okay yun" nakangiwi sabi ni albert

"Kawawa magiging judges pagnagkataon maawa ka" sabi ni Chris

"Pero sabi ni bestie maganda daw boses ko" nakanguso sabi nito.

Agad akong nasamid sa sinabi nito. Napatingin naman ako sa kanila ng makita kong nakatingin din sila sakin.

"Oh ano?" maangas kong sabi dito

"Sinabi mo yun hindi ba sira yan tenga mo? " sabi ni Kaden

"Ahmn kasi" lumapit ako ng konti dito at bumulong "nadulas ako kaya nagpalusot na na lang ako alam mo na"

Lumapit din ito at bumulong.
"Kahit na, tignan mo mukha naniwala na sayu toh"

Napatingin naman ako kay Ashley. Mukha nga naniwala sya eh anong magagawa ko. Napabugtong hiniga na lang ako pero napadako ang tingin ko kay Aiden.

'Problema nito panay ang ngisi aso ba sya'

"Alam mo... what the" napatigil ako sa pagsasalita ng maramdam kong may humahaplos sa paa ko pataas sa binti ko.

Palihim ako sumilip at nakita kong paa ni aiden ang salarin. Agad kong itong tinignan ng masama

'Anak ng nanay mo anong ginagawa mo?' gusto kong isigaw yun sa kanya pero baka makahalata sila.

"Aherm guys may Girlfriend na ako" pag aanunsyo ni Aiden

'May nagtanong, punta ka sa labas hanapin mo pake ko'

"Girlfriend lang pala....A-anong girlfriend baliw ka"

"Buti may pumatol"

"Hindi kana virgin"

"Tuli kana pre sa wakas"

Malalakas na sigaw ng mga tropa nya. Ang tatalino mga sir*ulo eh.

"Oo meron na akong girlfriend ali ang tawagan namin" nakangiti nitong sabi

Pero wala akong pake ang problema ko ang paa nito patuloy parin gumagapang sa binti ko. Manyakis pati binti ko ginagapang.

"Ali? " sabay sabay nilang tanong

Teka ali? Diba yun hayss anak ng talong sya ba yun nagtext kanina. Ano yun

Alimango...... Alitaptap..... Alikabok.....

Alika dito masusuntok kita Aiden ka.

"Ali means Aiden Love Irish" nakangiti sabi nito habang nakatingin sakin.

Agad ako napalingon ng makita nakatingin silang lahat sakin.

'Lord please kunin nyu na si Aiden kahit wag mo na ibalik wala na syang pakinabang sa mundo pabigat pa.'

Fall in love with An AgentWhere stories live. Discover now