SIMULA

12.2K 498 170
                                    

SIMULA:

Perfect.

That’s how people see me, or maybe that’s how they want me to be.

I came from a very religious family; we belong to the upper class, and I am a well-known model, and a public figure.

“Miss Olivia Zera, nababalita pong may bago kayong project? Maaari po ba namin malaman kung tungkol saan ito?”

Tipid akong ngumiti sa interviewer  na humarang sa akin, sunod-sunod na ang pag-ilaw ng camera, iba’t ibang hugis ng mic ang itinapat sa mukha ko.

My guards were alerted, but I immediately signaled them to stop blocking.

Geez, chill.

“Oh, sure! This one is very special to me; I want to use my voice for those who can’t or are afraid to speak up; this advocacy is for those who are victims of bullying and other forms of abuse,” I stated while looking at the camera.

“Wow, that’s very impressive, Miss Olivia. Do you have any messages for the victims or the targets?”

Sandali akong natigilan, ni minsan ay hindi ko naisip na dadating sa punto na tatayo ako at ipaglalaban ang dating iniiwasan ko.

“No one deserves to feel worthless. We are here, I am here to break the silence. You don’t have to fight your battle alone.”

Nagpalakpakan ang mga nakapaligid sa akin, sunod-sunod ang pag-ilaw ng mga camera na nakatutok sa akin.

“We are all rooting for you, Miss Olivia. For last question na lang po, may plano na po ba kayong magkaroon ng baby?” nakangiting tanong niya.

Nagulat ako sa kaniyang tanong, pinanatili ko pa rin ang ngiti sa aking labi.

Alam ko naman hindi maiiwasan ang tanong na ito, hindi ko gustong pag-usapan ngunit hindi ko na ipinahalata pa.

I chuckled seductively. “Let’s see about that... oh, what’s your name kasi?" I ended that topic.

Nakita ko ang pamumula ng mukha ng baguhan na nag-i-interview. Sa dalas kong makasalamuha ang mga reporters ang kabisado ko na ang mga mukha nila kaya alam ko kung sino ang bago at dating makukulit.

“Roly, M-Miss. Uh, intern po ako sa ZRN Channel. I’m a big fan of yours po, nasubaybayan ko po kayo!”

I gave the young man a tap on his shoulder. “Oh, really? Thank you! And good luck to your career, Roly. I am so sorry, but I need to go.”

“Ah, sure po Miss Olivia! Thank you so much po sa pagsagot sa amin!”

Nagpaalam na ako sa ilang media na nag-aabang, kumaway pa ako sa kanila at pinaunlakan ang ilang kuha ng larawan bago tuluyan pumasok sa aking van na nakaabang na.

My smile instantly fell as I entered my tinted van. I signed Manong Osme to leave the area.

Thank goodness, I am so exhausted.

Pumikit ako’t isinandal ang aking ulo upang mag-relax, hindi ko maiwasan maalala ang mga sinabi ko sa interview. Hindi na ako magtataka kung sakaling makarating sa kanila ang balitang ito, at wala na akong pakielam pa.

Sa kabila ng mga magaganda at mababangong salita na idinidikit sa aking pangalan, ay hindi ko pa rin naman naitatago ang nakaraan.

Maybe I can fool other people, but I can’t deceive myself.

I am still the old Olivia Zera Escalante.

“Magandang gabi po, Ma'am, kakain na ho ba kayo, maghahain na po ako?” bati kaagad ng kasambahay pagkarating ko sa bahay.

Conrad Series 3: The DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon