" Wag ka munang...pumasok " sabi nya na ikinataka ko.

Umupo muna kami sa isang bench upang pahupain na ang hingal nya.

" Ano ba meron Thea? " tanong ko na.

" Ang raming reporter sa may room kanina. Hinihintay kang dumating for interview. Kumalat na kasi 'yung picture nyo ni Cyrax na hinalikan ka nya kaya nagpuntahan sila dito para tanungin kung totoo ba 'yon. Ang mga Villarubia talaga. Konting galaw lang nila, kasunod kaagad ang mga reporter. Ang complicated ng buhay nila " mahabang paliwanagan ni Thea.

Bumuntong hininga na lang ako. Dapat expected ko na ito kasi nga tama si Thea, si Cyrax ay isang Villarubia. Hindi lang sila sikat sa Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa pero di ko inaasahan na ganto kabilis mangyayari lahat. Idagdag pa yung mga dead threath sa akin.

" Uy Ren! " gulat sa akin ni Thea kaya tumingin ako sa kanya. " Wag kang mag-alala. Magiging ayos ang lahat. Si Cyrax naman 'yon. Sure ako gagawa sya ng paraan para di ka guluhin ng iba " pagpapalakas loob nya sa akin.

Nginitian ko sya at tumayo na. Tama uli sya. Si Cyrax na ang bahala sa akin.

" Sige uwi na ako. Ikaw na bahala mag-explain sa mga prof natin. Bye " paalam ko sa kanya at tumakbo na ako ng mabilis papalabas ng school.

Pagkalabas ng gate, konti lang ang estudyante dito. Mabuti na lamang dahil kung hindi baka itinuro na nila ako. Naghintay na lang ako ng taxing dadaan ng may motor na papalapit sa akin. Mabilis ang pagpapatakbo nya na patungo sa akin kaya agad akong umiwas.

Napahiga ako lapag. Naramdaman ko ang paghapdi ng tuhod ko dahil sa pag-ilag ko.

Prrrrttttt! Pito ng gwardiya sa may motorsiklo pero hindi ito huminto. Nilapitan ako ng guard at inalalayan akong tumayo.

" Ayos ka lang bata? Gusto mo punta ka munang clinic para magamot 'yang sugat mo sa palad mo tsaka ireport natin iyon " sabi ng guard.

" Wag na po. Ayos lang po. Sige po aalis na ako. Salamat " sabi ko na lang at sumakay kaagad sa taxing huminto sa harap namin.

Pagkarating ko sa bahay ay kumuha ako ng first aid para gamutin ang sarili kong sugat. Nagkaroon lang naman ako ng gasgas sa palad at tuhod. Sayang ang maganda kong kutis.

Ring. Ring.

Napatingin ako sa phone ko. Agad kong sinagot ng si Cyrax ang tumatawag.

[ Where are you? ] agad nitong tanong.

" Nasa bahay. Bak--toot toot " kawalangya! Babaan daw ba ako ng hindi ako pinapatapos ang sasabihin ko.

Sino kaya yung walanghiyang driver ng motorsiklo. Kung makamaneho wagas at gusto ng paliparin ang motor nya. Di pa sya nabangga kanina. Sumbong ko sya kay Sailor Moon mamayang gabi.

Ilang sandali lang ay may nagdoorbell. Tumayo ako at nagtungo sa pinto. Pagbukas ko ng pinto bigla akong niyakap ni Cyrax at hinalikan.

" Are you ok? Wala bang masakit sa'yo " sabay hawak nya sa kamay ko kaya napangiwi ako dahil nahawakan nya ang sugat ko. " Anong nangyari dito? Napano ka? " nakakunot noong tanong nya.

" Na..nadapa kasi ako ka..kanina. Hindi ko napansin na may butas pala ang dadanan ko kaya napatid ako " pagsisinungaling ko. Ayaw ko pa kasi syang pag-alalahanin pa.

" Sa susunod kasi mag-ingat ka " sabay yakap uli nito sa akin. " I love you Ren "

" Mahal din kita Cyrax. Wag ka ng mag-alala sa akin ayos lang ako. Ikaw ang dapat mag-ingat palagi at huwag mong pababayaan ang sarili mo. " sabi ko sa kanya saka rin sya niyakap.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Where stories live. Discover now