🍎 CHAPTER 17🍎

Start from the beginning
                                    

"Hala! Umiiyak si Linolapid!"

"Hindi noh!"

Makikita sa Mukha nila Ang pag aalala sa kalagayan ni Xhyl na mahimbing na natutulog sa bed, kahit madaming pasa Ang Mukha Niya makikita mo parin Ang kagwapuhan Niyang taglay.

"Hoy! Angkol Hansley! Ano ba talaga Ang totoong nangyari?"

Sabay sabay silang napatingin Kay Hans na nakatulala sa Isang tabi habang nakatingin sa pwesto ni Xhyl.

"Lane! Diba magkasama kayong dalawa kanina? Dahil Ang Sabi ni Xhyl magpa practice raw kayo"

Nagtinginan silang lahat sakin sa tanong na iyon ni sofia kaya Dahan Dahan akong tumango!

"Iha! May nangyari rin ba sayo? May masakit ba sayo?" Nag aalalang wika ni Tita at hinarap Ako pero umiling lang ako kaya napanatag Ang loob Niya.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit si Xhyl Ang napuruhan Ng malala?"

"Dahil Siya Ang pakay Ng mga ito!" Napatingin ulit kami sa pwesto ni Hans na malalim Ang iniisip.

"Baka dos por dos gang Ang may pakana nito!"

"Oh kaya naman Ang Irish University?"

"O yong mga lalaking nabugbog natin nong nakaraan pang araw?"

Napakunot Ang noo ko na marami na pala silang nakalaban kaya Hindi na nakakapagtaka na Ganito Ang nangyari Kay Xhyl.

"Una si Jemuel tapos ngayon si boss naman? Hindi na talaga natin Palalampasin to! Mga demonyo Ang gumawa nito Kay boss" May inis sa tonong wika ni Nathan habang nakatingin sa pwesto ni Xhyl na Hanggang ngayon Wala paring malay.

Inaamin Kong nag alala Ako sa kaniya kanina nong kalabanin niya Ang mga lalaking nakaitim pero Ang ipinagtataka ko lang bakit parang Ang bibilis yata Ng mga lalaking yon ni Hindi ko nga Nakita na ilang ulit nilang binugbog si Xhyl, don ko lang napansin na babarilin nila ito kaya Hindi ko maiwasang Hindi sumigaw Ng malakas at Paulit ulit na sinisigaw Ang pangalan ni Xhyl at paglabas ko Ng kotse puro pasa na Ang Mukha nito.

Ang Hindi ko malilimutan yong lalaking nakahawak Kay Xhyl dahil may bigla siyang binulong sakin kung Hindi Ako nagkakamali natatandaan ko pa iyon.

Samang han!

Paulit ulit niyang sinasambit sakin yon kahit Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin, sobrang natakot Ako sa lamig Ng boses Niya para akong nabingi sandali dahil Hindi Ako nakagalaw Ng ibulong Niya iyon sa akin.

"Woy! Gumalaw Ang kamay ni boss! tingnan niyo Dali!"

Nagsilapit sila sa bed habang tinatawag Ang pangalan nito.

"Tangina ka soybeans wala naman! Manloloko ka talaga!"

"Tadyakan kita diyan ehh.... Wala naman Pala!"

"Gumalaw nga! Hindi niyo naman nakita kaya wag niyo akong sisihin Kong napakalayo niyo!"

"Haysss! Putragis ka! Akala Namin nagising na! Kung makasigaw ka Akala mo nasa ibang universe kami!"

"Mga Bata! Magpahinga na kayo ako na bahalang magbantay kay Xhyl"

"Nako tita! Ayos lang PO na dito na kami matulog lahat! Hindi po Namin iiwan si boss"

"Baka hinahanap na kayo Ng mga magulang niyo"

"Nagpaalam na po kami tita, dadalaw Rin sila rito bukas"

Apple's in Boys Section-Part IWhere stories live. Discover now