🍎 CHAPTER 12🍎

Start from the beginning
                                    

Tumayo Ako at pumunta sa kusina para mag init Ng tubig sa stove, Nakita Kong nakasunod lang Siya sakin habang inililibot Ang tingin sa kabuuan Ng apartment ko.

"Paano ka nakakatiis sa Ganito? Masyadong maliit, yong banyo mo maliit Rin at itong kusina mo masyadong maliit, sa bagay mukhang sanay ka na sa ganitong uri Ng pamumuhay.... Bakit walang laman itong ref mo? Ayy Meron Pala dalawang mansanas lang? Obsessed ka talaga sa mansanas? Hindi na Ako magtataka kung bakit apple Ang pangalan mo!" Binuksan Niya Ang maliit Kong ref na minsan ko lang gamitin dahil Ang taas kumain Ng kuryente kaya tinitipid ko nalang minsan Hindi naman Ako mahilig mag groceries.

Nakita Kong pumasok Siya sa maliit Kong kwarto kaya sinundan ko Siya at makitang namamangha Siya Ng mapatingin sa buong paligid.

"Wow! Ang daming sticker note na nakadikit? A-anong mga language to? Bakit Hindi ko mabasa? Hindi ko rin maintindihan Ang nakasulat! Ang dami talaga! Kaya Pala obsessed Karin sa sticker note dahil Ang dami rin Pala sa kwarto mo!"

Hinayaan ko lang siyang tingnan Ang mga sticker note na nakadikit sa dingding dahil kampante akong Hindi Niya iyon mababasa, naka shuffle Ang mga letra at mga language kaya hindi niya iyon mababasa.

Nakita kong hinubad Niya Ang sapatos at parang batang tumalon sa kama ko at tumalon talon Ng ilang beses Bago umupo, May kalumaan Ang kulay Ng hinihigaan ko dahil Hindi Ako mahilig sa iba't ibang kulay Ng kama.

"Ahhhh..... Tangina! Kakatakot Ng pusa mo! Itim na itim Putspa! Wag Kang lumapit pusa ka! Ibabalibag kita! Tandaan mo Yan! Yan nga diyan ka lang sa lapag Hindi ka pwede rito!" Sigaw nito Kay Adi na mataman lang siyang tiningnan. "Ante Apple! Bakit ayaw mo akong kibuin? Ni Hindi mo Rin Ako binibigyan Ng sticker note mo para kausapin!"

Inakay ko si Adi papalabas Ng kwarto at iniwan siyang mag Isa sa loob habang nagsisigaw kung bakit ayaw ko raw siyang kausapin, pinatay ko Ang stove Ng makitang kumukulo na yong iniinit Kong tubig at nagtimpla Ng gatas sa cup Bago umupo habang humihigop, yakap yakap ko si Adi Ng lumabas Ang taong kanina pa Ako iniistorbo.

"Teka! Gatas ba Yan? Gatas lang yong hapunan mo? Gagi! Hindi ko kaya yan! Mamamatay yata Ako kapag Hindi nakakain Ng tatlong beses sa Isang araw! Wow! Anong klaseng bulaklak ba to? Bakit kakaiba? An----Arayyyyy! Bakit ka namimitik?"

Sigaw nito Ng pitikin ko Ang kamay Niya Ng akmang hahawakan Niya Ang bulaklak na naka display sa gitna Ng maliit Kong mesa, Mukha lang itong natuyot na pero Buhay pa ito namumukadkad lang ito Ng hating Gabi o kaya naman alas diyes Ng Gabi at tumitiklop kapag sasapit na Ang bukang liwayway, Ang bulaklak na ito ay napaka importante sa buong pagkatao ko inaalagaan ko ito araw araw at dinidiligan lage.

"Anong bulaklak to? Pa-parang pamilyar sakin Ang hitsura nito... Nakita ko nato sa flower shop ni Tita Temmy? Ayy Hindi magkaiba Pala yon!" Tinitingnan niya Ng maigi Ang bulaklak habang napapatingin sakin at Kay Adi na nakapatong na sa ibabaw Ng mesa, Nakita ko Ang takot sa Mukha Niya Ng tingnan Siya Ng pusa. "Ikaw lang ba mag Isa rito? Ang weird! Nakakatakot kaya mag isa! Pusa lang yong Kasama mo? Ano ba! Magsalita ka naman! Para naman akong baliw rito! Hindi kita makausap Ng matino! Tsk! Pipi ka nga Pala kaya wag nalang baka mamaya itong pusa mo na Ang makausap ko kakaripas talaga Ako Ng takbo!"

Tsk! Masyadong madaldal Ang lalaking to! Di nawawalan Ng sasabihin! Di Rin humihinto sa pagsasalita! Diba Siya hihingahin sa ginagawa Niya?

Pinanuod Niya lang Ako habang umiinom Ng gatas, nakikita ko Ang pangiwi Niya kapag humihigop Ako sa tasang hawak hawak ko.

"Yayyy! Wala ka bang kanin? Ulam Wala Rin? Kumain ka kaya! Ililibre nalang kita may malapit bang convenient store rito sa Lugar niyo? Pero wag mo akong isusumbong Kay boss ha? Ililibre lang naman kita ehh" Nakita ko na naman Ang immature niyang kilos habang nagpapacute sa harap ko, nakangiti na naman sakin Ang matambok niyang pisngi at maliit niyang labi at kahit maliit Ang height Niya Hindi mo aakalaing magbebente uno na Siya na sinabi niya Rin kanina, kulang nalang pati paglabas Niya sa palda Ng nanay Niya isiwalat Niya narin dahil sobrang daldal talaga Niya.

Apple's in Boys Section-Part IWhere stories live. Discover now