CHAPTER 58

4.3K 74 8
                                    

Chapter 58: The warning

"MOM, anak ko po iyon. Hinding-hindi ko po siya pagdududahan... Sa akin po iyon..." Parang gusto kong umiyak sa mga oras na ito.

Dahil lang sa narinig na pagtatanggol ni Markin sa baby namin. Hindi niya itinanggi iyon. Matapang na sinabi pa rin niya sa Mommy niya. Wala talaga siyang kinakatakutan at mas gusto pa rin niyang ipaalam iyon.

"Nahihibang ka na, Markin... Alam mong isang gulo lamang itong pinasok mo..." disappointed na sambit ng kanyang ina. Baka ngayon ay sinasabayan pa rin niya ito nang pag-iling para mas maipakita niya na sobrang disappointed nga siya sa anak niya.

"Hindi po... paninindigan ko pa rin ang sa tingin niyong gulo lamang ito. K-Kahit hindi niyo siya matatanggap...ng pamilya natin... It's okay, Mom... Basta hindi ko po itatanggi ang a-anak ko. Sa akin pa rin siya nagmula, Mommy. A-Anak ko po siya... Anak ko iyon... Kahit ang mundo ay tatalikuran din siya ay hindi ako, Mommy... Tanggap na tanggap ko ang anak ko." Base pa lang sa boses ni Markin ay mukhang umiiyak na siya dahil nabasag na rin ang kanyang boses. Dinig na rinig ko rin mula sa kinakatayuan ko ang bayolente niyang paghinga.

"Ayusin mo ang gusot na ginawa mo, Markin. Huwag mong isipin na pabor ako sa pagkakaroon mo ng anak na lingid pa rin sa kaalaman namin, dahil ngayon nga ay hahayaan kita. You're wrong, my son. Siguruhin mo lang na walang makakaalam nito...kundi ako lang... Dahil alam mo kung saan ka pupulutin kung magigising ka na sa kabaliwan mong ito," pagbabanta pa nito at narinig ko na ang yabag nito na lumalayo na rin sa pintuan.

Nakatulalang bumalik ako sa kama at kasabay naman ang pagbukas ng pinto. Namumula ang mata niya at punong-puno ng luha ang kanyang pisngi. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko. Niyakap niya ang baywang ko at sinubsob ang kanyang mukha roon. May ngiti sa labi ko na hinagod ko ang malambot niyang buhok.

Para siyang bata na umiiyak sa Mommy niya. Parang iyon lang talaga ay iniyakan pa niya. Umalog ng husto ang balikat niya at mahihinang paghikbi lang din ang kumawala sa bibig niya.

"K-Kahit hindi mo sinabi sa akin noon na kung anak ko ba si Markiana...ay hindi ko pinagdudahan iyon, Rea... Nararamdaman ko na sa akin nagmula ang anak natin... Na ako ang daddy niya... Na anak ko talaga siya..." tila nagsusumbong na sabi niya. Marahan kong tinapik ang kanyang balikat.

"No wonder. Kamukha mo ang baby natin, eh. Hindi ko rin naman kasi iyon itinanggi sa 'yo, hindi ba? Ang lakas-lakas pa ng loob mo ng araw na iyon. Inangkin mo agad na sa 'yo ang baby," nakangiting saad ko. "Pero ano na ang gagawin mo ngayon? Sigurado ka ba na hindi ka na guguluhin--I mean, don't get me wrong, sure ka ba na hahayaan ka ng iyong ina? Sa nalaman niya..."

"I'm sorry kung itatago ko na naman kayo... Kasi alam ko kapag may iba na naman ang makakaalam no'n... Gagawa pa rin sila ng paraan... paghiwalayin lang tayo," seryosong sabi niya.

"Naiintindihan ko naman. Naiintindihan ko kahit hindi mo pa magawang ipakilala sa kanila ang anak natin," pagpapagaan ko ng loob sa kanya. "Hindi naman kita minamadali. Kaya pa rin naming maghintay ni Markiana at ayos lang din kahit hindi na kami matatanggap nito. Basta tanggap mo kami," sincere na saad ko.

"Pero kung hindi pa rin nila matatanggap si Markiana. Ako na lang ang kusang aalis, ayos lang sa akin kahit pagtabuyan pa ako ng sarili kong pamilya, Rea..."

Isa na iyon sakripisyo. Kaya sa tingin ko. Nanalo na si Markin. Nanalo na siya dahil nakuha na niya ang tiwala ko.

Tumagal pa ng isang buwan ang relasyon namin. Kahit na may nalalaman na ang Mommy ni Markin tungkol sa amin ay ipinagpasalamat ko pa rin dahil walang gumugulo sa amin sa mga nakalipas na araw. Hinayaan na nga nito si Markin o baka may pinaplano ito?

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now