CHAPTER 24

4.7K 92 0
                                    

Chapter 24: Their moments

"DADA?" patanong na tawag ni Markiana sa Daddy niya.

"Yes, love?" malambing na tanong naman ng lalaking ito.

"Markiana, puro ka Dada Dada. Ako naman ang tawagin mo. Say Mommy... Ma...mi... Sige na, baby ko..." nakangusong sabi ko sa kanya. Humilig siya sa dibdib ko at saglit niya lang akong sinulyapan.

Natawa ang kasama namin dahil tuwang-tuwa sa atensiyon na ibinibigay sa kanya ng anak niya.

"Dada... Dada..."

"Yes, love..." Napairap ako nang makita ko ang pagngisi ng engineer. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay.

"Favoritism," I murmured na mukhang narinig pa niya dahil bigla siyang humalakhak.

Tinanggal niya ang seatbelt niya at humilig para lang kintalan ng halik ang pisngi ni Markiana. Dahil sa tuwa naman ng baby ay hinawakan ang magkabilang pisngi niya at humalik din pero nag-iwan pa ng laway.

"You're just five months old, love. Pero kaya mo nang tawagin si Daddy. I'm so proud of you..." he said and I rolled my eyes.

Bumalik siya sa puwesto niya at sinukbit ang seatbelt sa kanyang katawan. Nagsimula na rin siyang magmaneho.

"Daan muna tayo sa Jollibee para bumili ng snack at kainin natin along the way?" suhestiyon niya na tinanguan ko na lang.

Siya lang ang lumabas para bumili ng makakain namin sa biyahe at dalawang plastic bag na ang dala niya pagbalik niya.

Sa kalagitnaan ng aming biyahe ay binuksan niya ang stereo niya at nagpatugtog. 'Sakto pa na rock ang kanta kaya ang hyper na baby na kasama namin ay mas gumalaw sa lap ko.

"Markiana..." Mariin na napapikit ako at mahigpit na hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko naman tinanggal ang baby bag niya pero talaga naman, eh...

Hindi lang katawan niya ang gumagalaw at pati ang matambok niyang legs ay sumisipa sa hita ko. Patagilid siyang nakaupo para mabigyan ng laya na pagmasdan ang Daddy niya.

"She's hyper..." ngiting-ngiti na sambit ni Markin.

"Noong bata pa ako ay hindi ako ganito! Baka sa 'yo ito nagmana," panunumbat ko sa kanya.

"I'm behave, kulot," tanggi niya.

"Hindi naman siya ganito, eh. Behave lang din siya... Markiana, stop that..." parang maiiyak na sabi ko at ang maliliit niyang braso ay tumatama sa mukha ko.

"I-turn off mo na nga ang stereo mo," sabi ko. Umiling lang siya dahil natuwa siya sa pagsayaw ni Markiana, eh ako lang ang nahihirapan dito.

Dahil sa inis ko ay ako na ang nagpatay ng stereo. Huminto na ang kanta at napatitig pa sa akin si Markiana. Hindi naman siya kumibo at humilig ulit sa dibdib ko.

Tumunog na naman ang phone ni Markin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis.

Huwag mong sabihin na si Leighton na naman 'yan?! One call away pa naman ang lalaking ito.

Ipinatong niya ang phone niya malapit sa stereo at sinagot ang tawag pero naka-connect ito kaya maririnig namin ang boses ng kausap niya mula sa kabilang linya.

"Yes?" sagot ni Markin.

"Where have you been, Kuya? Kanina pa ako rito sa opisina mo't naghihintay. Pero hindi ka naman dumarating," sagot naman ng kausap niya.

Kuya? May nakababatang kapatid pa ba siya?

"Hindi ako papasok ngayon sa trabaho. Why?"

"Kailangan ka namin dito. Wala si Kuya Markus. Hindi namin siya ma-contact," sabi ng lalaki.

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now