Puro Gulay. Maraming uri ng luto ng gulay iyon.

Uminom ulit ako ng gamot at magbibihis na ng pantulog dahil inabot na rin ako ng gabi kaya matutulog na naman.

That's when I realize na iba rin pala ang suot ko.

May nagbihis sakin!

Tiningnan ko ang undergarments ko, hayy buti nalang at hindi to sinama sa pagpapalit.

Ano?! Buti nalang?! pano kung manyak yun?! Pano kung lalaki yun?! At hindi ko kilala! Pano kung hinipuan niya ako nung tulog ako?!

My ghad! Hindi na ako virgin!

Kahit na naiinis at nababahala ay naituloy ko pa rin ang pagbibihis.

That's why I don't want a security like this. Baka yung staff rin ang pumunta rito. Para ano?!

Does someone told them to do it? May nag utos ba sa kanila na alagaan at palitan ang damit ko?!

I was knitting my nails, worried on what was really happened. I'm trying to remember what happened earlier pero wala talaga. Walang alaala na pumapasok sa isip ko.

Naalala ko ang room floor ni kuya. Pumunta kaya ako roon?

Baka siya lang naman yung pumunta dito, tapos nagpatulong siya.

Sana nga.

Ganon nga ang ginawa ko. So nag doorbell ako sa kwarto sa ibabang floor, katabing kwarto ng kahihiyan na nangyari sakin noon.

Sabi niya ito raw ang room niya. Pag ito mali na naman, naku Kuya Reo, mapapatay kita.

Walang bumubukas kaya nag doorbell ako ulit.

Wala pa rin kaya tinext ko muna si kiya Reo.

to: Reo tot

'Asan ka? My balak ka nman yata'ng pgbuksan ako no?'

from: Reo tot

'Huh? nasan ka ba ngayon?'

to: Reo tot

'Nandto aq sa tapat ng room mo.'

from: Reo tot

'Saglit lang'

Naghintay ako dun ng ilang minuto pa. Tumatae pa ata si kuya.

Napatingin ako sa kabilang room nang bumukas iyon.

Naks, si kuyang topless pala.

Pero hindi na siya naka topless ngayon. Mas lalo akong iniinitan dahil sa presensya niya. Nakaka curious 'tong lalaki nato. Hahaha.

Crush ko na siya. Hahaha, pero may girlfriend ata, gaya ng dati niyang sinabi. Yung Ginambala ko raw ang lambingan nila nung dati.

Gagi, nakakahiya. Bumabalik yung ala ala ko na yun.

Kasing bilis ng liwanag kung maglihis ng landas ang mata ko nung madako ang tingin niya sakin. Nakita ba niya akong nakatitig sa kanya?

"Hi Ley." anang boses na galing sa kinaroroonan ng lalaki. Napatingin ako dun at bumungad sakin si kuya Reo na lumabas ng pinto ng room na yun.

"K-kuya," makahulugan kong bigkas, hindi maintindihan ang nangyayari.

O my god! Di kaya. Di kaya bakla talaga si Kuya? at siya yung tinutukoy nung lalaki na yun na inabala ko yung moments nila?

Umatras ako ng hingal siyang lumapit sakin.

"A-anong ginawa nyo?" takang tanong ko.

Napatingin ako dun sa lalaki. Tumingin siya sa likod para iiwas ang tumatawang itsura sakin.

MINE, SIR [ ON GOING ]Where stories live. Discover now