Chapter Eight

1.4K 48 13
                                    


DALAWANG taon na rin ako rito sa Cabana-tuan pero ngayon lang ako nakapasok dito," ani Perry, inikot ang paningin sa buong restaurant. "Hindi ko inisip na may disenteng kainan sa lugar na ito."

"Dapat ay nag-iikot-ikot ka, pare," sagot ni James. Hindi na nag-abalang isalin sa baso ang beer at mula sa bote'y ininom iyon.

Nagkibit ng mga balikat si Perry. Si Karen ay abala sa pagkain ng haluhalo nito. Si Mackenzie, bagaman sumusubo nang pakaunti ay tensiyonado pa rin.

"Ano ang pinagkakaabalahan mo, pare?" patuloy ni Perry.

"Magbubukid na lang ako ngayon." Sinamahan ng binata iyon ng matabang na tawa at sinulyapan si Mackenzie na agad nagbawi ng tingin at nilingon ang nobyo.

"May pataniman ng kalamansi ang pamilya ni James, Perry."

Umangat ang mga kilay ni Perry. Muling nagkibit ng mga balikat. Dinala sa bibig ang baso ng beer. Kaswal na ang usapan sa sumunod na mga sandali. Manipulado ni Perry ang lahat ng topic. Si James ay nagkokomento lang paminsan-minsan.

Nasa washroom ang dalawang babae at naghihintay sa labas ng restaurant ang dalawang lalaki nang may pumaradang owner jeep. Isang babae ang bumaba mula roon na malapad na ngumiti nang makilala si Perry.

"Oh, hi," malambing nitong bati. "Ano ang ginagawa mo rito?" Hinagod nito ng tingin si James mula ulo hanggang paa. "Ipakilala mo ako sa kasama mo.

"Si James. Pare, si Cindy," pakilala ni Perry na ang isang kamay ay ikinawit sa may balakang ng babae.

"Hello, gorgeous." A suggestive smiled played her lips.

Magalang na tumango at bahagyang ngumiti si James. Pagkuwa'y nilinga ang loob ng restaurant. "What's taking them so long?"

"May mga kasama kayo?"

Ngumiti ang binata. "Perry's fiancée at isa pang kaibigan."

Lumabi ang babae. "Well... see you. May naghihintay sa akin sa loob." Tinapunan nito ng makahulugang sulyap si James bago pumasok sa loob.

Nakangising sinundan ng tanaw ni Perry ang babae. "Champion si Cindy, pare. Noong nakaraang gabi lang kami magkasama. Ibibigay ko sa iyo ang phone number niya kung gusto mo." Nasa tono nito ang pagyayabang.

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. "May nobya ka at ikakasal na. Hindi ba dapat na—"

"Don't be so self-righteous," putol ni Perry sa sasabihin ni James. "Hindi ang klase ni Mack ang pumapayag sa extramarital affairs, that is why I am marrying her." Nagkibit ito ng mga balikat at ngumisi. "But I love women in general. That thing between their legs made such difference between a man and a woman."

Kung ano man ang isasagot ni James ay hindi na nito nasabi nang matanawan ang dalawang dalaga. Matiim ang tinging ipinukol nito kay Perry bago humakbang patungo sa sasakyan at doon hinintay si Karen.


"DO YOU like your wedding gown, Mrs. Perry Orbe?" tanong ni Perry sa kasintahan habang pauwi na sila.

Nang maghiwalay silang apat sa restaurant ay sa bahay nito nagtuloy ang dalawa upang ipasukat ang wedding gown kay Mackenzie.

Hindi sumagot si Mackenzie. Sinisikap niyang huwag mairita sa pagkakayari ng damit-pangkasal niya. Husto ang fitting sa kanya subalit hindi niya gusto ang pagkakalagay ng mga sequin at beads. Bukod pa roon ay tila lamang iyong isang ordinaryong gown na nilagyan lang ng sequins at beads.

All-Time Favorite: Mackenzie & JamesWhere stories live. Discover now