Chapter Seven

1.3K 43 13
                                    


TININGNAN ni Mackenzie ang numero sa may pinto ng silid. Sa ibaba niyo'y ang pangalan ng pasyente at ang doktor. Mahinang katok ang ginawa niya. She was about to turn the doorknob nang bumukas ang pinto. Sumungaw si James.

"H-hi," alanganing bati niya.

Bahagya lang ang ipinakitang pagkabigla ni James nang makita si Mackenzie. Agad ang pagngiti nito at pinapasok siya. Nagulat pa ang dalaga nang makitang nasa loob si Karen at kausap ang pasyente.

"Mack!" bati nito.

"H-hi, Karen." Inabot ng dalaga ang basket ng prutas kay James. Nagpasalamat ito. "Naoperahan na ba ang mama mo?" tanong niya at inilipat ang mga mata sa matandang babae na curious na nakatingin din sa kanila. May nakakabit pang dextrose sa braso nito.

"Kahapon pa ng umaga." Lumakad ito patungo sa mesa sa tabi ng hospital bed. Inilapag doon ang basket ng prutas at niyuko ang ina.

"'Ma, si Ken. Siya iyong ikinukuwento ni Marianne sa inyong nakatira sa bahay ni Mrs. Alquiza. Magkaibigan sila ni Karen."

"K-kumusta po kayo?" Tipid siyang ngumiti sa matandang babae.

"Mabuti naman, hija," sagot nito. Pagkuwa'y nangunot ang noo sa pagkakatitig sa kanya. "Nagkita na ba tayo? Tila pamilyar ang mukha mo sa akin."

"Naipakilala ko na siya sa inyo, Tita Clemen. Kasama ko si Mack na nag-ayos ng mga bulaklak sa hotel," pagpapaalala ni Karen sa matandang babae.

Sandaling tumalim ang mga mata ng babae sa huling sinabi ni Karen. Pagkuwa'y tipid na ngumiti. "Salamat sa pagdalaw, hija."

"Have you had lunch?" si James bago pa makapagsalita si Mackenzie. "Tara muna sa canteen."

Niyuko ng dalaga ang pasyente. "A-ang mama mo? Kumain na ba siya?"

"Sige na, hija. Katatapos lang akong pakainin ni James," pagtataboy ni Mrs. Moraga. "At narito naman si Karen."

Alanganing niyuko niya ang kaibigan. "Ikaw?"

"Magkasabay kaming kumain ni Tita Clemen." Pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila. "Sige na kayo. Nasa basement ang canteen."


"DINALAW mo lang ba ang mama kaya ka lumuwas?" tanong ni James matapos maka-order ng pagkain.

Tumango siya. "H-how is she?"

"Lalabas na siya bukas," wika nito. Pagkuwa'y matiim siyang tinitigan. "More than two weeks na lang at kasal mo na. Nakahanda na ba ang lahat? Wala na bang kulang?"

She smiled. "Nagbigay na ng deposito si Perry sa may-ari ng restaurant. At nakipag-ayos na rin siya sa magkakasal. The invitation cards were distributed yesterday, according to him. At least, siya naman ang may maraming kaibigan at kakilala. While I only have you and Karen. Of course, kasama ang kapatid mo at ang mama mo." Inabot niya ang bag at mula roon ay kinuha ang imbitasyon at ibinigay sa binata. May kasamang libro iyon.

"Tungkol sa pagtatanim ng mga citrus?" ani James nang makita ang pamagat ng libro.

She smiled shyly. "Baka... makatulong sa iyo sa kalamansian."

Matagal siyang tinitigan ni James. Nagyuko siya ng ulo.

"Salamat, Ken," halos bulong nitong sabi, kasabay ng isang marahang buntong-hininga. At pagkuwa'y ibinaling naman nito ang pansin sa invitation card. Wala sa loob na inilabas mula sa sobre ang card. Dinaanan ng mga mata. A sudden loneliness crossed his eyes.

All-Time Favorite: Mackenzie & JamesWhere stories live. Discover now