Chapter 4: The girl who came out from no where

72 1 0
                                    

~Samantha~

"Sino kaya sya?" narinig kong sabi ng isang tinig.

"Hindi sino dapat ano?" isang boses ulet ng lalaki.

" Teka Shane sure ka ba na sa sleeping forest mo sya nakita?" sabi ng kundi ako nagkakamali ay yung unang boses ulet

"Oo" sagot ng isa pang lalaki.

Pero teka lalaki?

Dali-dali akong bumangon at...

O.O?!

May tatlong gwapong lalaki ang nakatingin sakin. Kaagad ko namang tiningnan yung sarili ko. Napa hinga naman ako ng maluwag ng makita kong nakadamit pa naman ako.

Pero teka sino tong mga to?

Tiningnan ko ulet sila na ngayon ay talagang nakatitig na sakin.

May dumi kaya ako sa muka bakit ganyan sila makatingin?

Nakakatakot yung mga tingin nila na para bang tumatagos sa buo kong katawan. Para silang mga predator na handang kainin ang kanilang prey lalo na yung kulay brown ang buhok.

"Sino kayo? Anong kailangan nyo sakin? Mga kidnappers ba kayo?" matapang kong tanong kahit ang totoo ay nanginginig na ako sa takot.

"Wag kang mag-alala hindi kami masama at wala kaming gagawin na masama sayo " sabi nung lalaking kulay blonde ang buhok masasabi kong sya yung unang boses na narinig ko.

"Sya wala pero ako depende" sabi naman nung lalaking kulay brown ang buhok at nag smirk.

Nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi nya.

Takte! Anong binabalak ng isang to?

Pero agad ding nawala yung nararamdaman kong takot ng makita kong siniko sya nung blonde ang buhok sabay ngiti sakin.

"Aray naman yung abs ko" reklamo nung brown ang buhok at sya naman yung pangatlo so ang ibigsabihin sya yung Shane. Ang cute nilang tingnan nung blonde ang buhok.

"Ano ka?" Biglang tanong nung lalaking kulay white ang buhok. Sya yung pangalawa.Pero teka ano raw ako? May saltik ba ang isang to?

"Ummm tao"

'Duh! Hindi ba halata?!' gustong ko idugtong sa sagot ko pero minabuti ko na lang na hindi sabihin dahil sa mga mata nya na napakalamig kung tumingin. Para bang sinasabing na isang maling galaw ko lang o sagot ay patay na kaagad ako.

Nung marinig nya yung sagot ko ay biglang kumunot ang noo nito. Napansin ko rin na natigilan din yung dalawa pang lalaki na kanina pa nakatingin at pinanunuod ako.

Bakit may mali ba sa sagot ko? Pasimple ko namang kinapa yung pang upo ko. Wala naman akong buntot ah.

Pero bago pa man may makapagsalita samin ay malakas na bumukas yung pinto na akala mo ay masisira na.

O.O?!

At pumasok ang isang napakagwapong lalaking nakalagay ang parehas na kamay sa kanyang magkabilang bulsa. Magulo rin ang kulay pula nitong buhok na para bang bagong gising lang.

Nangilabot ako ng mapatingin ako sa mga mata nya. Mga matang puno ng misteryo, mga matang nakakatakot kung tumingin, mga mata na kung tumingin ay parang isang lion.

Masasabi kong mapanganib banggain ang isang to.

Bigla itong pumikit at huminga ng malalim at umakto sya na para bang may inaamoy. Ganun na lang yung gulat ko nang  sa pagmulat nya ay ang dating kulay itim na mga mata ngayon ay kulay pula na. Kung kanina nakakatakot na ngayon mas lalong nakakatakot ang kanyang mga mata.

"You're not from here" bigla nitong sabi.

Nagulat ako sa boses nya dahil kung pakikinggan ay napaka kalmado pero mapanganib.

"Grey, close the door" sabi nito at sa isang iglap ay nasa harapan ko na sya bigla ring sumarado yung pinto kahit na wala namang sumara dito.

Anak ng tinapa! Sino ba ang mga lalaking to?

Nagulat ako ng amuyin ako nitong lalaki sa harap ko.

"Hmm"

Sino ba tong lalaking to?

"S-sino ka?" grabe katakot naman nito. Nagulat pa ako ng pati yung tatlong lalaki ay tumabi na rin sa kanya. Wow ah grabe nanliliit ako sa mga to.

"Hindi sya taga rito" sabi nung blonde

"Kaya pala iba ang amoy nya" sabi naman nung Shane.

Ano raw? Iba ang amoy ko? Pasimple kong inamoy yung sarili ko. Hindi naman ah.

"Hehe" yun na lang ang nasabi ko. Wahhh naku po ano ba tong pinasok ko?!

"Mortal" sabi naman nung white ang buhok.

Teka mortal daw? Malamang may tao bang hindi mortal? Kanina pa tong isang to. Una tinanong nya kung ano raw ako? Tapos ngayon mortal naman. Takas ata sa mental to.

Tumango-tango naman yung Shane at yung blonde ang buhok na para bang sinasang-ayunan yung sinabi nung white ang buhok. Yung red naman nakatitig parin sakin na para bang sinusuri ako.

Napaatras naman ako ng lahat sila ay sabay-sabay na tiningnan ako mula ulo hanggang paa at umikot sakin. Napalunok naman ako ng wala sa oras.

"Ano kayang ginagawa ng mahinang mortal na kagaya mo dito sa mundo namin?" Tanong nung Shane.

Mahina? Aba ginagalit ata ako ng isang to.

"Hoy kung maka mahina ka dyan wagas ah. Kapal ng muka mo para sabihin yan. At kung maka mortal ka dyan bakit hindi ka ba mortal HA?!"

Sigaw ko sa kanya habang dinuduro-duro yung dibdib nya impernes ang tigas at ang lapad.

"Feirce" sabi nung pula ang buhok.

Napansin kong napangiti yung blonde ang buhok. At naningkit naman yung mata ng white ang buhok.

Patay nakalimutan ko tong mga to.

"But stupid" sabi nung white ang buhok. Hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila nitong mga to lalo na tong white ang buhok nato.

Napabaling ulet yung attention ko kay Shane ng mag smirk sya. Bakit nag smirk ang isang to?

"Yeah I'm not a mortal, I'm a werewolf" seryosong sabi nya pero teka werewolf?

-_____-

Sino bang niloko ng isang to?

"Bakit hindi ka ba naniniwala?" tanong nya sakin

"Duh!" hindi ko napigilang sagot.

Napataas naman yung kilay ng white ang buhok. Bakla ata to eh.

"Hmmfff hahahaha"

Nagulat pa ako ng biglang tumawa yung blonde.

Baliw na ata to eh?

Ano ba tong napasukan ko?

Napansin kong nag smirk ulet yung Shane...

-___-

Bakit kaya?

---------

The Monsters' PossessionWhere stories live. Discover now