Chapter 2: Butterfly

90 2 0
                                    

~Samantha~

On the way na ako pauwi pero naisip ko parin yung sinabi ni Sab kanina. Pagbubukas ng portal papuntang kabilang mundo? Tsk masyado na sya yatang naapektuhan nung pinanunuod nya. Napailing ako at tumingin na lang sa bintana.

Solar eclipse? Kailan kaya mangyayari yun? Nakalimutan kong itanong yun kay Sab kanina.  Nung uwian naman nagmamadali syang umuwi para mapanuod yung tungkol sa mermaid na yun. Hay si Sab talaga.

Ang totoo kasi nyan ay mahilig akong magbasa ng tungkol sa mga araw,buwan, bituin at iba pang mga bagay na matatagpuan sa kalawakan.

Natatandaan ko pa noong bata pa ako ay mahilig din akong magbasa ng tungkol sa mga magical at mystical creatures bago yung  nangyari yung 'accidente'.

Naputol yung pag-iisip ko ng magsalita si Kuya Rey.

"Nandito na po tayo ma'am Samantha"

Bumaba na ako sa kotse at nag deretso sa kwarto ko para magbihis.

Simula kasi noong nangyari yung 'accident' na yun ay hindi na ako naniniwala sa mga magical creatures na yan dahil kung totoo sila, nasaan sila ngayon. Oo nga maraming nagsasabi na totoo sila pero kahit isa sa kanila walang makapagpatunay na totoo nga sila.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lang ako ng may kumatok.

"Ma'am Samantha kakain na raw po ng dinner"

"Ah ok po." tumayo na ako at bumaba na para kumain.

"Si lola po?" tanung ko dahil hindi ko pa sya nakikita simula pa kanina.

"Hindi raw po sya makakauwi may mahalaga raw po syang aasikasuhin" sagot ni Manang Selna.

Sya ang pinakapinagkakatiwalaan ni Lola sa kanilang lahat.

Speaking of Lola.

Napailing na lang ako dahil ilang beses ko ng sinabi na wag syang masyadong magtrabaho.

Haayy...

Ang kulit talaga ni Lola.

Kumain na lang ako.

Pagkatapos kong kumain naalala ko yung tungkol sa solar eclipse.

"Manang Selna totoo po ba na may magaganap na solar eclipse?" tanong ko

"Sabi po sa balita at kung tama po ang pagkakatanda ko bukas po ito magaganap" sagot nya. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat. At umakyat na ko sa kwarto ko.

So totoo nga na may magaganap na solar eclipse. Pero sigurado ako na bukod dun hindi na totoo yung iba pang sinabi ni Sab.

*knock* *knock*

"Ma'am Samantha gising na po nakahanda na po yung pagkain nyo"

Napatingin naman ako sa orasan 7:00 na.

"Ah ok po magreready lang po ako"

Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay bumaba na ako at kumain.

So ngayon magaganap yung solar eclipse.

"Nandito na po tayo ma'am Samantha" narinig kong sabi ni kuya Rey

"Salamat po" sabi ko sabay baba at katulad ng dati pinagtitinginan na naman ako buti na lang at sanay na ako.

"best!!!" sigaw ko ng makita ko si Sab. Diba mag bestfriend talaga kami hahaha ^o^

"Hi best" sya sabay yakap sakin.

"Grabe hindi pa ba sila sanay na makakita ng prinsesa" sabi nya habang naglalakad kami

"Prinsesa?" tanong ko

"Oo ikaw prinsesa, princess sa English. Grabe araw-araw na lang lagi ka nila tinitingnan" sya sabay tawa natawa na lang ako sa kanya

"Baliw" sabi ko habang umiiling. Sabi kasi ng iba buhay prinsesa raw ako. Wala naman akong nakikitang kakaiba sa buhay ko. Oo, mayaman kami pero kaparehas ko rin naman ang iba at may mas mayaman pa samin. Hindi ko talaga sila maintindihan.

"Good bye ma'am" paalam namin sa teacher namin

"Tara cafeteria tayo" yaya ko kay Sab tutal vacant naman namin parehas kasi kami ng kinuhang subject para ngayong sem.

Tumango naman sya at bumaba na kami syempre dala namin yung mga bag namin. Pero nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya pinauna ko na sya. Papunta na sana akong c.r. ng makakita ako ng isang napakagandang butterfly. At dahil mahilig ako dito ay hindi na ako nagdalawang isip na sundan ito.

Maya-maya napansin kong unti-unting dumidilim ang paligid. Napatingin ako sa araw.

"Solar eclipse" mahina kong sabi tsaka ko lang napagtanto na nasa mapunong bahagi na pala ako ng school. Hindi ko alam pero ng dumilim na talaga ang paligid ay nakita ko ulit yun magandang butterfly na kung titingnan mo ngayon eh aakalain mong umiilaw ang magaganda at makukulay na pakpak nito. Na humaling ako sa ganda nito na kung titingnan ito habang lumilipad ay parang may kung anong nalalaglag dito na makukulay na dust. Maya-maya pa naramdaman ko na nagliwanag ang buong paligid ko at feeling ko unti-unti akong naglalaho.Tiningnan ko yung mga kamay ko at kitang kita ko kung paano ito naglalaho at lalong lumiwanag sigurado akong hindi ito galing sa araw dahil ito'y nanggagaling sa mismong harapan ko napapikit ako sa sobrang liwanag.

Anong nangyayari? Mamamatay na ba ako? Hala wag pa sana hindi pa ako nagkakaboyfriend.

The Monsters' PossessionWhere stories live. Discover now