"I won't! Magluluto na lang ako!" Sigaw niya pabalik kaya tumawa ako.

"As if naman marunong ka maghiwa ng mga sangkap sa pagluluto!" Sigaw ko ulit dahil ang bilis niya maglakad.

"There's an instant food duh!" Sigaw niya ulit bago tuluyang nakapasok sa loob kaya natatawa na lang akong sumunod sakanya.

*****

Dumating ang hapon at nandito ako ngayon sa malaking garahe ko dito sa US kung saan hinahanda ang ang gagamitin kong sasakyan para sa laban sa susunod na araw.

The race will be an Open Wheel Racing or Formula Racing, so I'm going to use an open-wheel single-seater car or the formula one that commonly known as F1.

Open wheel car has a four to six wheels, and umaabot eto ng around 1759 pounds and also sa fuel niya, it's either gasoline, electric or hydrogen. And I choose F1 as my car dahil mabilis at mas komportable akong gamitin 'yon kaya ngayon 'yon ang inaasikaso ng mga engineer pati na ng mga mekaniko namen.

Pinaghahandaan ko talaga 'to lalo na't hindi ko alam kung kailan ulit mangyayare eto. Kadalasan kasi ay tumatanggi din ako sa mga offer ng ilan at hindi ako dumadalo ng race dahil pinagpapahinga ko din ang sarili ko pati na ang mga katrabaho ko.

Hindi lang rin naman ako ang napapagod, sila din naman at mas doble nga ang pagod nina papa dahil sila ang nagpo-provide ng mga gagamitin ko at talagang doble trabaho ang ginagawa nila para lang magamit at tumakbo ng maayos ang sasakyan. Kaya ang tanging ginagawa ko na lang ay ang patakbuhin ng maayos ang sasakyan at ipanalo ang laban.

"Ok, Break time everyone!" Sigaw ng papa kaya ginilid naman nilang lahat ang mga hawak nilang tools. "The lunch is ready, don't forget to wash your hands before eating" sabi ulit ni papa bago lumapit saaken.

"Hindi ba masyadong pulang-pula naman yata ang kulay ng sasakyan 'pa?" Kunot noo kong sabi habang nakatingin sa sasakyan ko.

"Hindi. Mamaya mo na problemahin 'yan dahil may magandang dilag ang naghihintay sa 'yo sa labas" sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kaliwang kilay. "Ayon ohh, pinaghihintay mo na naman siya" sabi niya at ginamit na panturo ang nguso niya kaya lumingon naman ako.

Nakita ko namana ang sinasabi niyang maganda kaya agad naman akong ngumiti ng makitang binabati siya ng mga tauhan namen at mukhang ilan sakanila ay kilala siya kaya kumuha pa sila ng litrato kasama siya kaya sumigaw ako para marinig nila ako.

"Enough of that! And don't post anything that includes her, understand?" Sabi ko kaya nagsitango naman sila bago dumiretso sa labas.

They know the rules, once na may nakita silang tao na pumunta dito, sikat man o hindi, wala silang ilalabas na picture or impormasyon tungkol sa taong 'yon.

Mabuti nang nag-iingat dahil masyadong banta para saaken ang makita ang pagmumukha ko sa frontline ng news.

"Hey" bati saaken ni Brielle kaya naglakad naman ako papalapit sakanya.

"Sumunod ka na lang, Miggy" sabi ni papa bago ako nilagpasa. "Sumunod na lang kayo sa labas iha" sabi niya naman kay Brielle kaya tumango eto.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko may pupuntahan ka?" Tanong ko sakanya.

Nagpaalam kasi siya kanina saaken na may pupuntahan daw siya since dito naman talaga siya nanggaling kaya sigurado akong alam niya ang pasikot-sikot dito pero pinasamahan ko pa rin siya sa driver ni papa.

"Uhh, I changed my mind" sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Ohh ehh anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong.

"Nakakaistorbo ba ako sa 'yo?" Biglang tanong niya kaya napakurap-kurap ako.

Ano na naman ba ang problema neto at biglang nagtatanong ng ganito?

"Hindi naman, break time naman dahil kakain muna sila. Kumain ka na ba? Tara samahan mo na–"

"No. I mean, nakakaistorbo ba ako sa 'yo?" Putol niya sa sasabihin ko kaya napakamot ako sa ulo ko habang nakakunot ang noo ko.

Hindi ko maintindihan.

"W-what do you mean?" Nagtataka kong tanong.

"Ever since I met you, I've been too much of a burden for you, haven't I? Sinama mo pa ako dito dahil sa gulong meron ang buhay ko" sabi niya saka siya yumuko kaya napatitig lang ako sakanya.

"Diba sabi ko sa 'yo, tutulungan kita. Hindi ka nakakaabala saaken, Brielle" malumanay kong sabi sakanya bago ako lumapit pa ng kaonti sakanya.

Tiningala niya naman ako kaya kinuha ko ang dalawa niyang kamay saka ko hinaplos-haplos 'yon.

"At hindi ako nagbibiro pagsinabi kong crush kita, Brielle" seryoso kong sabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. "Malay mo ako pala talaga ako ang para sa 'yo kaya nandito ka ngayon sa tabi ko. Malay mo lang ha, di ko pa sure" sabi ko at sinubukan kong magtunog na nagbibiro kahit seryoso ako sa sinabi ko.

"Then what if you're wasn't for me?" Tanong niya.

"Ipilit naten" sagot ko bago tumawa kaya tumawa din siya bago niya ako pabirong sinuntok sa tiyan. "Tsaka hoy! Hindi libre ang pagkupkop ko sa 'yo 'no!" Sabi ko sakanya na ikinakunot ng noo niya.

"What? Anong pinupunto mo?" Nagtataka niyang tanong. "I can give you money whenever you want" kibit balikat niyang sabi kaya nginiwian ko siya.

"Mas marami akong pera sa 'yo kaya 'wag mo ibabalandra sa harapan ko ang pera mo tch" sabi ko kaya inirapan niya ako.

"What is it nga?" Tanong niya.

"Saka ko na sasabihin" masungit kunware kong sabi bago ko isinakbit ang braso ko sa braso niya kaya sinubukan niyang lumayo saaken pero niyakap ko na ang braso niya gamit ang braso ko.

Inambahan niya naman ako ng suntok pero inilapit ko ang mukha ko sakanya dahilan para matigilan siya. Pero mayamaya lang din sinuntok niya ulit ako sa tiyan kaya napadaing ako dahil mesyo malakas 'yon.

"Aray ko! Hoy! Ang sama talaga ng ugali ng babaeng 'to! Hoy bumalik ka dito letche ka!" Tawag ko sakanya ng iwanan niya ako dito sa loob.

"Sinong leche?" Tanong niya at ngumiti ng pagkalapad-lapad saaken kaya para na namang matutunaw ang puso ko.

"Leche? May sinabi akong leche? Lecheflan ang sinabi ko ehh" sabi ko bago tumayo ng maayos saka ako tumakbo papalapit sakanya pero agad naman siyang tumakbo palayo kaya tumawa na lang ako.

Hay. At least napapatawa ko na siya ngayon, at medyo nagiging close ko na din siya paunti-unti.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now