CONSTANCIA V

0 0 0
                                    


Jacinta Hospital? Kung minamalas nga naman bakit ba palaging konektado sa mga Jacinta ang pamilya namin?!

Ano na ang gagawin ko ngayon?

Si Lola...

“Miss,alam niyo po ba kung nasaan ang room ni Rosalinda Paican?" Tanong ni Constancia sa babaeng nurse.

Bumyahe si Constancia pabalik sa kanilang lugar ngunit nasa sentro na dahil dito nakatayo ang building ng ospital. Malapit ng maubos ang kanyang pera ngunit isinawalang bahala niya muna dahil mas importante ang mabisita ang lola.

“Sa room 56 po miss, are you blood related with the patient po ba?"

“Opo." Constancia

“Just sign this muna po then you can go visit na miss." Kahit naiirita sa paraan ng pagsasalita ng nurse ay sinunod na lang niya agad ito upang matapos na.

room 56 room 56 room 56 room 56

Paulit ulit na sambit ni Constancia sa loob ng kaniyang utak upang hindi ito makalimutan.

Ah! Eto na!

Pinihit niya ang pintuan ng dahan dahan bago pumasok at nasa loob nga ang kanyang lola nanghihina itong napalingon sa kaniya.

“Apo, pasensya na." Gumaralgal ang boses ni Rosalinda

“Akala ko kaya ko pang magtrabaho sa umahan Tansyang ngunit hindi na pala. Bilang umatake ang aking altapresyon at nadala ako rito sa mamahaling ospital. Sabi ko naman kasi kay Onor na wag nalang."  Rosalinda

“La, wag na po kayong mag alala sa mga bayarin dito sa ospital ako na po ang bahala. Maayos at malaki ang sweldo ko la kaya naman magpahinga ka na lang."

Wala na akong ibang choice, kailangan kong bumalik duon at magtrabaho.

Malaki ang suweldo..

Mababahala si lola kung malaman niyang nagtatrabaho ako sa anak ng may ari nung factoria kaya ayaw ko muna itong ipaalam.

“Mag ingat ka la, si Nanay Onor muna ang magbabantay sainyo. Kailangan ko na po kasing bumalik sa trabaho" Nahihiyang pamamaalam ni Constancia kay Rosalinda

“Walang problema apo, mag iingat ka."

Naubos na ang pera ni Constancia dahil pinangbayad niya ito sa bayarin sa ospital.

Paano ako nito makakabalik?

Buti nalang at dinala niya ang selpon dahil nakaipit dito ang numero ng kanyang amo.

She dial the number and swallowed her pride.

“What do you want? I know it's you Constancia." Ammanuel

“G-gusto ko po sanang magpatuloy sa trabaho s-sir." She gripped hence of her shirt tightly.

“Then come back."

“Nanaisin ko man po sir kaso n-naubos na ang perang mayroon ako.Mahal po ang bayarin sa ospital."  Pinagtapat ni Constancia.

Siguradong alam na nito ang dahilan kung bakit siya nagmamadali kanina dahil nagpaalam siya kay Nanay Agnes.

“Where are you?" Ammanuel

“Sa Jacinta Hospital po s-sir malapit sa sitio nami-" Hindi na natapos ni Constancia ang sasabihin ng bilang naputol ang tawag.

ubos na ang load

Umupo na lang siya sa waiting shed malapit sa ospital at hindi na dinamdam ang gutom. Tanging ang amo nalang ang kanyang pag asa niya ngayon.

Sana naman ay dumating siya

Apat na oras ang nakalipas at nakatulog na si Constancia habang nakaupo. Kanina pa siya naghihintay ngunit wala, kaya naman ipinikit na lang niya ang mga mata at umidlip dahil sa pagod na nadarama.

“Wake up Constancia."

 ConstanciaWhere stories live. Discover now