"Stay in kasi 'yon, Emma. Dadalaw pa rin naman ako dito." Nilapitan ko ang dalawang malaking bags ko. Yun lang ang gamit ko. Yun lang naman ang dinala sa akin ni Sitti plus yung mga napamili kong damit in almost 2 months stay ko sa Maynila.

"Promise mo yan, ha?"

"Oo."

"Ililibre mo pa ako sa unang sweldo mo."

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Mamimiss ko ang gagang 'to. Malaki rin ang utang na loob ko sa kanya. "I won't forget that. Gusto mo ilibre pa kita papuntang Hong Kong e."

She rolled her eyes as she wrapped her arms around me. Inasar ko pa nga siyang 'clingy' pero hinigpitan lang niya ang yakap sa akin. "Mamimiss kitang gaga ka."

"Hmp! I won't miss you." But the truth is yes. Yun nga lang, maraming ways para makita ko siya since technically speaking, E.S pa rin ako ni Sir— este Arthur. And you know naman na magkatapat lang ang building namin.

Tinulungan niya akong mag-ayos ng gamit ko hanggang sa marinig namin na may bumusina sa labas. Sumilip si Emma sa veranda at bumalik sa akin na may malaking ngiti sa labi. "Yun na siguro ang service mo. Bongga ah! Naka-Expedition talaga?"

Nakumpirma kong si Arthur nga yung bumusina nang sumilip din ako. Hinila ko si Emma pababa. Mamaya nalang yung bagahe. Magpapatulong ako kay Arthur.

Pagbukas ko ng gate, bumungad sa akin si Arthur na nakatayo sa gilid ng sasakyan niya. As usual, looking as dashing as ever with matching sunlight pa sa kanya na akala mo'y nagsilbing spotlight. Kuminikinang tuloy siya. Pfft!

"Hello!" I greeted, catching his attention.

He turned to me and pocket his phone. "Let's go."

"Wait lang," sabi ko at hinila si Emma mula sa likuran ko. "Let me introduce to you my friend, Emma. Emma, si Arthur. Boss ko."

Lumapit si Arthur para makipagkamay, kaso ang bruha, hinila ang kamay nito at bumeso pa. Sa ngiting nakapaskil sa mukha niya, halata ang kilig ng gaga. I mentally rolled my eyes nga.

"Nice to meet you, Emma," he curtly said.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Emma sa akin kaya hinawakan ko yung siko niya. "Are we leaving?" I asked.

"Yeah... tara na."

"Wait, yung gamit ko. Saglit lang."

"May kukuha dyan para ihatid sa unit—"

"KO?" putol ko sa kanya. Don't you ever say the word 'mo' or else magkaka-issue. Baka mapag-isipan pa ako ni Emma na makiki-live in kay Arthur which is true naman. Haayyy! Basta. This will keep as a secret dapat.

"Yes," at buti matalino siya dahil nakisakay siya. He opened the door on the passenger's side for me.

Bineso ko si Emma at binigyan siya ng mabilis na yakap. "Thanks for everything. Babawi ako," I whispered and she just smiled at me in return.

Nang makasakay na ako sa passenger's side, pinili kong manahimik nalang. Nakakalungkot pala na mag-move out from Emma's place. Sana hindi ko 'to pagsisihan.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya chineck ko ito. It was an sms from Emma saying;


'Matandang mataba na uugod-ugod pala ha?'


I can't help but to giggle at her text. That's one of the reasons why I love that b1tch. Mahiig siyang mang-asar pero hindi yung asar na nakaka-offend.

"What's funny?" Arthur asked. Tinago ko ang phone at nagkibit-balikat nalang. "Nga pala, I'll drop you at my friend's boutique."

"Why?"

Let's Talk About Us [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt