"akala nga namin sa CU entertainment ka mapupunta, sa NY entertainment ka pala napunta." Ngumisi naman ako sa binulong ni javen. alam kong bakit niya binulong 'yon, baka maissue.

"Nag offer kasi una ang NY entertainment sa'kin." bulong ko din sakanya.

actually dapat sa CU Entertainment ang punta ko kaso nalaman kong Trainee na si Earvin do'n, pumunta nalang ako sa NY entertainment. natuwa pa ako dahil nandoon ang banda ni Juluis at si astraea. sila mga close ko sa Entertainment namin.

"Jav, our manager's calling you." Earvin said coldly, mabilis kami pareho ni Javen lumingon sa likod 'kung nasaan si Earvin.

"oh?! shoot ko na? Ang bilis naman." nagtatakang sabi pa ni javen. pati ako nagulat Wala muna bang pahinga? kakatapos lang namin kumain at ngayong ko lang nakita si Earvin dahil hindi ko siya nakita kumain. napansin kong sa Ayos n'ya, tapos na siya.

Kumunot naman noo ko nung umalis si Javen sa tabi ko, kaagad umupo si Earvin 'kung saan ang pwesto ni javen kanina. lumingon naman siya sa akin at inabot ang isang paper bag.

"What's that?" I asked him.

"Food." tipid lang niyang sagot sa 'kin.

huh? Bakit niya ako bibigyan ng pagkain? para saan 'tong Ginagawa mo Earvin? puwede naman ako bumili or kumain ako sa labas.

"Ako nagluto niyan." he said gently.

Marahan ko naman siya tiningnan ngayon, Pinigilan ko na kaagad ang sarili ko nandito ako para sa trabaho.

"Diet ako, ibigay mo nalang 'yan sa mga Staff for sure maappreciate nila 'yan." Sagot ko, umiwas na ako ng tingin pa dahil parang na guilty ako ngayon.

"Krizia change outfit kana." Mabilis naman ako lumapit kay francesca. nagpalit na ako ng Damit sinuot ko ngayon 'yung dress, Habang nag shoot kami sa First song ng album nila nasa Bahay ako. doon ang shooting sa Kanta nila pag break time kinakausap ako ni jav, natapos na namin ang Day 1 tuwang tuwa si tito maygo kinakausap siya na mga Big boss ang company ng Relarco.

Hindi ko pinansin si Earvin kinakausap ko lang siya pag kailangan sa Shoot.

"Look! binigyan na ako autograph ni Earvin." tiningnan ko naman si francesca kinikilig habang pinapakita niya sa akin mga merch napirmahan ng Relarco. hindi ko na pinansin mga sinasabi ni francesca.

hanggang nasa Van na kami tahimik lang ako, nakatingin lang ako sa Salamin ng van.

"Sayang hindi ko nadala 'yung hoodie e'di sana pala pinapirma ko na din." narinig 'kong sabi ni tito maygo. pinagmamayabang kasi ni francesca lahat ng merch niya may pirma na.

"bawi ka nalang next life." Pang-aasar ni francesca kay tito maygo.

"Hintayin mo pag ang Banda ni Juluis lahat ng merch ko may Pirma din, who you ka sa akin." Ganti naman ni tito maygo kay francesca, ngumisi nalang ako at Nauna na lumabas sa Van.

Pagkadating namin sa Condo kaagad ako pumasok sa kwarto ko para tawagin si Primrose dahil kanina hindi ko nasagot kanina ang Tawag niya sa akin.

[Ikakasal na ako!] nalaglag ang panga ko sa una niyang sinabi sa akin. pinakita niya sa akin ang kamay n 'ya meron nga siyang suot na ring at kita ko don ang diamond masyadong kumikinang.

Ngumiti naman ako kay Primrose matagal na sila ni Axton at ngayong ikakasal na nga sila. naalala ko lang before puro lang sila Bardagulan ngayong magiginh Asawa na niya.

sandali lang kami nag usap ni primrose sinabihan lang niya ako itong taon ang kasal nila next month, Nagulat pa ako dahil ang bilis halatang gusto na itali ni axton si primrose.

[Kailangan mo umuwi niyan sa Pinas ah! doon kami ikakasal, krizia promise me pupunta ka.] Ngumiti naman ako sa screen ng Phone ko.

"Importante 'yon, asahan mo kong Pupunta talaga ako don." nakangiti kong sabi, tuwang tuwa naman si Primrose at halatang excited na.

Nag text din si stella ayaw niya pa nung una umuwi dahil kabado siya. pero kaninang tumawag siya Napag-isipan na niya Sabihin sa Parents niyang meron siyang anak. And I think it's about time para Sabihin na niya sa Parents niya.

Sinabihan ako ni Stella sabay na kami sa Pinas. Tatapusin ko lanb muna trabaho ko after non diretso na kami uwi sa pinas, pareho kami ni Stella never pa kami umuwi sa Pinas. kahit nung kinasal ang Pinsan kong si Taziana, kinasal sila ni Kaden nung una dito sa New York pumunta ako don tapos kinasal sila sa pinas don ako hindi pumunta, sinabihan ko naman si Taziana dahil nandoon din ang parents ko.

nung kinasal sila sa New York kami lang ni stella ang bisita dahil si Kaden gustong gusto na din itali ang pinsan ko. Private ang kasal nila dahil biglaan lang 'yon. ka'ya pati kami ni Stella nabigla din.

Tumingin naman ako sa ceiling at napaisip. lahat na mga kaibigan namin unting-unti na kinakasal sa Taong mahal nila. ako nalang ata mahuhuli or puro pa din ako trabaho siguro no'n.

Hindi ko pa alam mangyayari in the future. pero ramdam ko Ako ang mahuhuli na ikakasal dahil wala pa akong plano magpakasal. at kanino naman if ever Puro ako trabaho ngayon.

"Last day shooting!" masayang sabi ni tito maygo Ngumisi naman ako. inaayusan na ako ngayon, sa tatlong araw namin nag shooting sa music video ng banda ni Earvin. Pinipilit kong hindi mapalapit masyado kay Earvin lalapit lang ako sakanya if meron kaming shoot kaming dalawa lang.

natapos na kami sa ginawa namin lahat, sila tito maygo and francesca nandoon na sa waiting area kausap ang manager ng Relarco. nakapag bihis na ako kukunin ko lang 'yung Bag ko, iniwan ni Tito maygo nakalimutan daw niya kanina kakamadali makipag chismis.

Palabas na sana ako sa Make up room nagulat ako pag bukas ko sa Pinto nasa Harapan ko si Earvin. hindi pa siya nakapag bihis 'yung na shoot namin kanina sa Garden ito pa din ang suot niya.

"nagkamali ka atang room." I said, akala ko tatalikod na siya sa akin pero Hindi siya tumalikod nakatitig lang siya.

"Can we talk." seryosong niyang sabi.

bigla ako Kinabahan, napalunok naman ako patago hindi ko pinakita sakanya kabado ako. Bakit naman ako kakabahan? Wala naman something sa amin.

"Earvin alam ba ni Chelseah tong ginagawa mo?" Hindi ko na mapigilan sabihin to sakanya. "hindi mo ba alam masasaktan siya sa Gagawin mo, ka'ya pwede ba earvin wala na tayo dapat pag usapan pa 'kundi Trabaho lang." pagkatapos kong sabihin 'yon. napansin kong mas lalo nag seryoso si Earvin.

"What do you mean?" kumunot pa ang noo ni Earvin, tila ba hindi niya maintindihan ang sinasabi ko.

Nagtataka na din ako nagka amnesia ba siya?

"Nagka ayos na ka'yo ni Chelseah nung nakita ko kayo mag kayakap." I said, tsaka ko tinitigan si Earvin mas lalo siya nagtataka sa mga sinasabi ko. hanggang parang na puzzle n'ya sa mga Iniisip niya ngayon.

nawala pagkunot sa noo niya mukhang alam na niya ang ibang kong sabihin sakanya.

"Yes," parang bumigat ang dibdib ko, mismong siya na umamin ngayon. Mag sasalita na sana ako para mag paalam na ayos naman pala bakit kinakausap niya pa ako dito.

"Humingi siya ng tawad dahil sa nangyari sa amin dati, hindi kami nag balikan." mabilis ko naman siya tiningnan ngayon, gulat na gulat ako sa Sinabi niya.

"ka'ya ka umalis?" he asked, malamig ang tono ng boses niya. Hindi ako nakapag salita napayuko nalang ako, Wala ako masabi dahil gulat pa din ako sa nangyayaring usapan sa'min.

"Why'd you have to leave me." Hindi ako makasagot sakanya.

hindi ko siya kayang tingnan ngayon, walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko.

"I was never ready for you to leave that day." dahil sa sinabi niya nag pipigil ako umiyak.

"kaya mong wala ako, dahil mas nauna mo nakilala si Chelseah kesa sa akin, ka'ya kakanin mong wala ako." ayon lang ang nasabi ko.

he just chuckled sarcastically.

"I wish you knew how much it destroyed me, when you left." he said brokenly.

My eyes watered immediately.

To Be Continued

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Where stories live. Discover now